Chapter 10 √

242 12 0
                                    

This past few days ay hindi mawala wala sa isip ko ang natuklasan ko sa sarili.

Kailan ko ba kasi to unang naramdaman? Paano? Paano ako nakaramdam nang pagkagusto sa kanya na hindi naman kami masyadong nag uusap. Wala naman kaming masyadong interaction sa isa't isa. Argh, nakakainis. Kahit isa walang sagot sa tanong ko.

Naglalakad na ako sa hallway nang school papunta cafeteria. Wala akong kasama kasi nauna na si Ami.

Nakayuko lang akong naglalakad walang pakialam sa mga nakakasalubong ko. Papasok na sana ako sa cafeteria when someone blocks me from entering.

Hindi na ako nag abala pang tumingin sa kanya dahil amoy palang ay alam ko na. Kailan pa naging familiar sa akin ang amoy niya? Aisst.

Hindi ako nagsalita. Ayoko lang magsalita.

"You can avoid me everytime we meet here at school but you can't avoid our deal on Sunday. I'll fetch you so you can't get away. See you on Sunday." Sabi niya at umalis na. Nakita ko pa ang pag smirk niya.

Arghhh, bakit ko nakalimutan ang tungkol sa panlilibre ko kuno. Bw*sit. Alam na naman pala niya na iniiwasan ko siya, bakit hindi nalang niya ako sabayan. Nakakainis.

Hindi na lang ako dumiretso sa cafeteria at naglakad nalang sa may garden nang school. I need fresh air.

Sa mga araw na lumipas ay gusto get gusto ko na sabihin sa kanila Ayna at Ami ang sekreto ko pero hanggang ngayon natatakot pa rin ako.

Mga kaibigan ko naman kasi sila and I trust them at gusto kong sabihin ang sekreto ko sa kanila para naman mabawasan sana tong dinadala kong problema. Cause ever since na nag punta ako rito sa Pilipinas wala akong napagsabihan nitong sekreto ko.

Lumipas ang mga araw na ang iniisip ko ay ang panlilibre ko kuno kay Yuan. Haist. Nakakapagtaka rin na wala siya sa school. Last kong kita sa kanya ay yung sa cafeteria.

Saan kaya yun nagpunta? Haisst tama na ang pag iisip sa kanya Ylle.

I don't know. Parang..... parang I feel so incomplete kapag hindi ko siya nakikita. I don't know parang na mimiss ko ang presensya niya wich is bad kasi hindi ko na napipigilan ang sarili ko.

Stop this Ylle, hindi mo pa siya masyadong kilala. You both don't know each other. Argh.

Nagbihis na ako papunta sa trabaho ko.

Sa lalim nang iniisip ko ay diko namalayan na may nakabunggo na pala akong tao. Naglalakad na kasi ako papasok sa coffee shop.

Napahinto ako sa paglalakad nang makita ko ang symbol nang family namin sa may dibdib niya. Hindi ako makakilos sa kinatatayuan ko. Sh*t, nandito na sila.

"I'm sorry miss" agad na paumanhin nito. Gusto ko ring magsorry pero diko maibuka ang bibig ko. Nilukob na nang kaba ang buong sistema ko. Nanginginig na rin ang kamay ko dahil sa takot na baka mahanap na nila ako.

Hindi ko namalayan ang pag alis nung lalaki. I know na tauhan siya ni daddy.

"Hey, Ylle. Bakit di kapa pumapasok? Oh? Anong nangyari sayo bakit ka namumutla?" Pagtatanong ni Joyce sa akin kaya nabalik ako sa katinuan ko.

"A-ah w-wala. T-tara pasok na tayo" sabi ko nalang.

All through out my work ay hindi na nawala sa isip ko ang pagkakita ko sa tauhan ni daddy.

Nandito na sila sa Pilipinas naghahanap. Argh, sana hindi nila ako mamukhaan.

Days passed at ilang mga tauhan na ni daddy ang nakikita ko. Parang natatakot na ako lumabas pero nagpapakatatag na lamang ako at binabalewala ang presensya nila kapag nakikita ko.

Running Away (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon