Alam niyo ba yung feeling na gusto mo nang sumuko pero ayaw nang puso mo kasi parati nitong sinasabi na kaya pa pero yung isip mo sinasabing hindi na?
Kasi yun yung nararamdaman ko ngayon.
Akala ko okay na eh, akala ko talaga okay na kami, akala ko lang pala. Yung swimming namin, yung nagkatuwaan kami, yung puro tawanan, habulan, akala ko talaga okay na kami nun.
Pero bumalik siya sa dati pagkatapos nun, I mean, hindi na niya ulit ako masyadong pinapansin, parang ginagawa niya lang akong pansinin dahil ako lang yung tao rito, at wala na siyang iba pang makausap.
Parang feeling ko napipilitan na lamang siyang pakisamahan ako.
Sa bawat araw na lumipas at napapagod na akong patunayan ang sarili ko sa kanya, ang hirap at ang sakit nang ginagawa niyang pagtuting sa akin, tao rin ako napapagod, nasasaktan, pero kasi mahal ko eh, diko kayang sumuko, handa akong masaktan para sa kanya.
Sa ginawa ko nun, hindi lang naman siya ang nasaktan nun eh, pati rin naman ako. Ang sakit din nun para sa akin dahil nasaktan ko siya, nasaktan ko ang babaeng mahal ko. Ang hirap, pinagsisihan ko na lahat, pero bakit parang sobra sobra na naman ata tong nararamdaman ko ngayon.
Yes I love her but...... but I'm tired and I want to rest. Hindi ko naman sinasabi na susukuan ko na siya eh. I just need some rest, parang nakakawala kasi nang gana na palagi niyang pinaparamdam sa akin na wala siyang pakialam sa mga ginagawa ko, nakakasawa na.
Mahal ko siya, pero kailangan ko munang magpahinga. Masyado nang masakit sa puso eh, bibigyan ko na lang siguro muna siya nang oras at panahon para maghilom yung sugat na naibigay ko sa kanya.
I know masakit ang desisyon na to, pero kung ito ang paraan para maghilom yung sugat sa puso niya ay gagawin ko. Bibigyan ko muna siya nang panahon. Hindi ko na muna siya kukulitin.
--------------
It's a new day, sa mga nakalipas na araw ay hindi ko na muna siya kinukulit and I think napapansin na niya yun. Akala ko nga ay kakausapin na niya ako dahil don pero hindi pala, mas lalo pa tuloy siyang lumalayo sa akin. Hindi ko na alam ang gagawin ko.
I know desisyon ko to pero, masakit pala. Na mimiss ko na ang dating samahan namin.
Nasa kusina ako ngayon readying our food for our lunch nang may magdoorbell kaya agad akong nagtungo sa pintuan para sana pagbuksan ito.
'Wala naman kaming eni-expect na bisita ah, sinong nandito? O baka nagpadala na naman nang groceries sila Ayna, haist ang dami pa namang supplies dito eh.'
Kahit nagtataka ay nagpasya pa rin akong puntahan ang nagdoorbell.
Naglalakad na sana ako papunta ron nang may kamay na pumigil sa akin. Nakaramdam naman ako nang pagkabigla nun, pero may naramdaman akong kakaiba nang hawakan niya ako, I miss her. I really miss her, kahit nandito siya, miss na miss ko pa rin siya, ang dating siya.
"Ako na" mahinang sabi niya na nakaiwas ang tingin sa akin.
Binitawan niya ako kaya agad kong hiniwakan ang kamay niya.
"Isang minuto lang" sabi ko. Gusto ko lang siyang mahawakan, kahit isang minuto lang.
Hinayaan lang naman niya ako pero nag doorbell ulit kaya bumitaw na lamang ako sa kanya kahit labag sa loob ko.
Naglakad na naman siya papunta sa pinto at naiwan naman akong nakatingin lang sa likuran niya.
May tumawag sa akin kaya kaagad kong dinampot ang cellphone ko na nasa gilid lang.
~ Ayna calling...~
Agad ko itong sinagot.
"Hello? Ayna, napatawag ka?" Bungad ko sa kanya, napagkasunduan kasi namin na tumawag kami kapag may importanteng mga bagay na kailangang malaman o kung ano pa man.
Bakit kaya siya napatawag ngayon?
Narinig ko na humihikbi siya kaya nagtaka ako.
"Ayna? Okay ka lang? Umiiyak ka ba? Anong nangyari?" Pagtatanong ko sa kanya.
Hindi pa rin siya sumasagot, puro hikbi niya lang ang naririnig ko.
"AYNA" napataas na ang boses ko dahil sa irita, diko na rin kasi alam kung bakit kinakabahan ako.
Mukhang natigilan siya dahil doon at dahan dahan nang kumalma.
"Y-yuan, umalis na kayo diyan, papunta na sila diyan, nalaman na nila kung nasaan kayo, tinakot nila kami, I'm sorry, hindi pwedeng madamay ang negosyo nila mommy dito." pagkasabing pagkasabi nun ni Ayna ay agad kong pinatay ang tawag at nagmamadaling umalis sa kusina para puntahan si Ylle.
Hindi ko na siya napigilan pa dahil nabuksan na niya ang pintuan.
Pagkabukas na pagkabukas niya sa pinto ay agad napakunot ang noo ko nang makita ko ang gulat na expresyon niya. Nakita ko rin na nangginig siya, parang takot na takot siya kaya agad akong naglakad papunta sa pwesto niya.
Pagkakita ko pa lamang sa taong nasa pinto ay agad akong binalot nang matinding kaba dahil sa sobrang seryoso na mukhang bumungad sa akin.
Napalunok pa ako dahil sa kaba na nararamdaman ko.
D*mn, ang bilis naman ata nila.
Dahil sa kaba na nararamdaman ko hindi kaagad ako nakakilos. Sh*t, paano na to?
"Zyrine.......... And Agent Ace, or should I say Yuan"
"Dad" nasambit na lamang ni Ylle.
----------------
^_^
BINABASA MO ANG
Running Away (Completed)
RomanceRunning away is the only way for Zyrine to escape from all the problems she is facing. Isa sa dahilan ng kanyang pagtakas ay ang kalayaan. Kalayaang gawin ang gusto niya, na walang komokontrol sa kanya. Gusto niyang maging malaya sa kanyang mga magu...