Chapter 4 √

337 15 0
                                    

It's Friday morning at ngayon na ako mag te-take nang exam para sa school na papasukan ko.

Ni ready ko na ang sarili ko. Sinuot ko na ang  mga fake pimples ko at nag apply na ako nang make up to complete the look. Nag eyeglass na ako. I tied my hair into a messy bun. Nagsuot na rin ako nang isang baggy pants and an oversized t-shirt.

Nang masatisfy na ako sa look ko ay kinuha ko na ang bag ko at lumabas na sa condo.

Nakahanap na rin ako nang trabaho. I'm a waitress of a coffe shop nearby. Sa lunes na daw ako pwede mag start.

Next next week pa naman mags-start ang second sem kaya okay lang.

I am now riding a taxi. Ilang minuto ang nakalipas nang makarating ako sa University.   Ang laki nga talaga at ang ganda but mas malaki at maganda ang dati kong school sa US.

Kamusta na kaya ang mga kaibigan ko ron? Na mi miss ko na sila.

Huminga muna ako nang malalim bago ako pumasok sa University. Nang makapasok ako ay bumungad ka agad sa akin ang magagarang building nang paaralan.

May nakikita pa akong ibang studyante, siguro ang ibang tumitira sa dorm nang school. May dorm din kasi ang school kung ayaw mo nang umuwi uwi pa nang bahay lalo pa at malayo ang bahay niyo.

Sa akin naman okay lang ang umuwi sa condo ko dahil malapit lang naman.

Naglakad na agad ako papunta sa registration office para magtanong tungkol sa exam na ete-take ko.

I'm not nervous at all. I'm confident na makakapasa ako. Sino ba namang hindi? When I was a kid pumapasok pa ako sa school may nagtuturo pa sa akin nang advance lesson sa bahay pagkauwi. Puro inaaral ginagawa ko sa buong buhay ko, sino ang hindi tatalino?

Kahit college ako mayroon pa rin, kaya lagi akong advance sa mga lessons. Hindi ako pinapalabas ni daddy sa study room kapag hindi ako natatapos sa mga home works at activities ko.

"Miss, can I asked?" Tanong ko rito nang makarating sa front desk, parang hotel lang, hehe. Masyadong halata ang american accent ko kapag nag e-english ako pero mas klaro ang accent kapag nagtatagalog ako.

Napatingin siya sa akin at tumango habang ngumingiti.

"Ahm, I'm the one who wants to take the scholarship exam. Saan po ako mag te-take nang exam?" I asked. Napatango tango naman siya.

"Ohh, so you're Ylle Monte" tanong niya kaya tumango tango ako. " There in that room, you can take the exam there." sabi niya sabay turo sa pintuan malapit lang rito.

"Okay miss, thank you" sabi ko at umalis na.

I'm busy getting my papers nang may nakabangga ako kaya nahulog ang mga hawak ko. Buti na lang din at hindi ako natumba at ang nabangga ko.

"Sorry miss" pagsosorry ko at sinimulang pulutin ang mga nahulog kong papeles.

"It's okay I'm sorry too. Hindi ako tumitingin sa daan" sabi niya at tumulong sa pagpupulot nang mga papeles.

"Ahh, sige mauuna na ako. Salamat sa pagtulong. Sorry ulit" I said. Halatang halata talaga ang accent ko kaya parang natigilan pa siya.

"Ahh yeah. Sorry din ulit." Aniya. Umalis na agad ako ron pero bago ako makalampas ay nakita ko ang pagsulyap nang isang lalaki sa pwesto namin nang babae.

Sinawalang bahala ko na lamang yun at nagtuloy na sa tinuro nang babae kanina.

Kumatok muna ako ron bago pumasok at nakita ko ang isang professor siguro, nag a-arrange nang mga libro sa gilid. Siya siguro yung magpapa take nang exam.

"Aherm, excuse me po" pagtawag ko. Napatingin naman siya sa pwesto ko at nagtatanong ang matang nakatingin sa akin.

"I want to take the scholarship exam" sabi ko.

"Okay, take your seat" aniya at may kinuhang papel sa mesa niya. Lumapit siya sa akin at inabot iyon.

"Here, answer it for one hour. Just read the instructions. Good luck" aniya at bumalik sa pwesto niya.

Umayos na ako nang upo ag nagsimula nang mag sagot.

Forty-five minutes after ay natapos ko na ang pagsasagot ko kaya binigay ko na ito sa prof.

"Okay, miss Monte. We will update you about the result tomorrow. Thank you, you may go now" aniya kaya agad naman akong umalis doon.

Buti nalang at alam ko ang mga lessons na yun. Kaya madali ko lang nasagot lahat.

Imbes na umuwi ako sa condo ay naglibot libot na lamang ako sa buong campus. Sure naman kasi akong makakapasa ako ron sa exam eh kaya e-fafamiliarize ko na ang buong lugar.

Wala namang kaso sakin ang paglabas ko dahil nakadisguise ako.

Naglalakad ako sa bawat lugar nang school. Kunti lang ang students dito.

Naglakad lakad pa ako sa kung saan man hanggang sa mapunta ako sa may library nila.

Ang daming libro mukhang may lugar na mapagpapahingahan ako sa school na to ah.

Lumagpas lang ako ron at nagpatuloy sa paglalakad lakad. Maganda ang bawat facilities nila. Halatang mayayaman talaga ang nandito.

Palinga linga ako sa paligid at hindi ko namalayan na may tao na pala akong nasagi nalaman ko na lamang nang dumaing siya.

"Oh my god, I'm sorry" sabi ko kaagad.

Tumingin ako sa taong yun at nagulat ako nang makita ko ang lalaki na nakita ko kanina na sumulyap sa amin nang may mabangga ako.

"Tsk" yan lang ang naging reaksyon niya at naglakad. Gwapo siya, matangkad at mukhang laging nag g-gym dahil sa ganda nang katawan.

"Sa susunod, tumingin ka sa dinadaanan mo" bago siya nagpatuloy sa paglalakad ay lumingon siya sa akin at sinabi yun. Ang ganda rin nang boses. Ang lalim.

Napailing iling na lamang ako sa naiisip ko.

"Sorry nga diba" bulong bulong na sabi ko. Napairap na lamang ako. Halatang halatang masungit. Gwapo nga masungit naman.

Umalis na ako nang campus. Nag taxi na ako pauwi.

Nang makarating ako sa condo ay diretso higa ako sa kama dahil sa pagod na nararamdaman ko.

Bumangon ako sa kama at tinanggal ang mga nilagay ko sa mukha ko. Argh, ang hirap kapag ganito araw araw pero kailangan ko tong gawin para hindi nila ako makilala at mahanap.

Pagkatanggal ko ay ginawa ko na ang skin care routine ko at dumiretso na higa. Mamaya na lang ako kakain kapag nagising ako.

-------------------

^_^

Running Away (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon