"For todays activity, I will group you into 4, with 5 members each. So let's start counting 1 to 4 start from the back to the front. Okay go" sabi ni Prof.
Nagsimula na silang mag count.
"1"
"2"
"3"
"4"
And so on.
Group 3 ako and I'm glad kasama ko si Amia sa grupo, kaso nga lang hiwalay si Ayna sa amin, group 4 siya eh.
"Okay, group yourselves now" sabi ni prof kaya lumapit na ako sa ka grupo ko.
Pagkapunta ko sa groupmates ko ay medyo na shock pa ako nang makita ko si Yuan. Hindi ko naman kasi namalayan na ka grupo pala namin siya.
Nagsawalang bahala na lamang ako at umupo na sa bakanteng upuan.
Nitong mga nakaraan hindi talaga ako makapaniwala na hindi nila ako binubully dahil sa itsura ko, na napakalaking favor sa side ko kasi walang gulo.
Ang hassle lang talaga kasi araw araw akong kailangang maglagay nang fake pimples ko and etc.
"So class, your activity is about building a business plan. I group you into 4 to gain knowledge from each other. You need to build also a replica of your business. Because in this activity you are going to plan a business and build a miniature of your business and you will present this next week, so you have a week to finish the activity. You can talk about your activity now. That's all, dismissed." sabi ni Prof.
Yung ibang students ay nagsilabasan na, siguro sa iba na lang sila mag me-meeting sa gagawing activity. Lumabas na nga sila Ayna eh.
Sa group naman namin, nandito pa rin kami.
"So guys, what's the plan?" Tanong nang acting leader namin. Walang nagsasalitang iba eh.
"Let's just meet nalang kaya sa ibang place para gawin ang activity. So ang gagawin natin ngayon ay plano na lang and then materials sa miniature, para next meeting start na tayo" agad na suggest ni Amia.
Napatango tango naman ang iba kaya sumang ayon na rin ako. Pwede naman kasi yun. Isang tao na lang ang hindi sumasang ayon kaya napatingin kami sa kanya. Edi sino pa ba, edi si Yuan.
Naramdaman niya sigurong nakatingin kami sa kanya kaya napatingin siya sa amin. Sa pag angat nang tingin niya ay nagkasalubong ang tingin namin. And it happened na biglang tumibok nang mabilis ang puso ko. What the fudge, napaiwas na lang ako nang tingin.
What's with the fast heartbeat? Hindi naman ako kinakabahan.
Tumango lang siya na hindi pa rin iniiwas ang tingin sa akin at naiilang na ako. Para niya akong sinusuri.
Sa whole time nang subject na yun ay nagplano lang kami at napagkasunduan nasa bahay nila Amia gagawin ang activity dahil malapit lang sa mga tinutuluyan namin.
"So guys, kailan?" Tanong naman ni Roy. Isa sa mga ka grupo namin.
"Sa Saturday nalang, kapag hindi natapos edi sa Sunday tatapusin. Okay lang naman sa inyo diba?" Sabi naman nung acting leader namin si Chloe.
"Yeah/sure/okay" sagot nila. Tumango lang ako. Mag a-absent na lang muna ako sa trabaho ko.
"Okay, all settled. Ang time pala. Dapat maaga ahh. Mga 9 am. Para marami tayong matapos" sabi ni Amia. Kaya napatango lang kami.
Hindi talaga ako makakilos nang tama dahil sa tingin ni Yuan sa akin. Parang may hinahanap siya sa mukha ko. Na parang may nakikilala siya. Parang ganon.
BINABASA MO ANG
Running Away (Completed)
RomanceRunning away is the only way for Zyrine to escape from all the problems she is facing. Isa sa dahilan ng kanyang pagtakas ay ang kalayaan. Kalayaang gawin ang gusto niya, na walang komokontrol sa kanya. Gusto niyang maging malaya sa kanyang mga magu...