Chapter 11 √

231 12 0
                                    

Nakarating kami sa isang amusement park? Ano kami bata?

I looked at him confusedly. He just shrugged and hold my wrist and we run like a kid papunta sa may bilihan nang ticket.

Napangiti na lamang ako. May ganito pala siyang side.

Nasa bilihan na kami nang ticket. Kukunin ko na sana ang wallet ko para magbayad nang mag abot na siya.

"I thought ako yung manglilibre. Bakit ikaw yung nagbayad?" Tanong ko sa kanya.

"I don't want girls to pay for me" aniya. Okay nagpapaka gentleman lang siya. Pero kasi pambawi ko dapat eh. Aist iwan.

Nagpahatak nalang ako sa kanya. Para siyang bata na excited na excited maglaro.

Well excited din naman ako syempre last na nakapunta ako sa isang amusement park, 7 palang ako nun hindi na naulit pa. Tumakas nga lang ako nun kasama mga kababata ko.

Sinakyan namin lahat nang rides, nilaro namin lahat nang games. Ang saya lang kasi para kaming bumalik sa pagkabata.

Kahit pawis na pawis na kami ay patuloy pa rin kami sa paglalaro sa mga games.

"Kain muna tayo nagugutom na ako" sabi ko kasi gutom na gutom na talaga ako.

Tumingin ako sa orasan at malapit na pala mag 2 pm kaya pala gutom na gutom na ako.

"Lets go" aniya at hinatak na naman ako.

Nagpahatak na lang din ako kasi pagod na pagod ako. Ang sakit na. Nang paa ko kakatakbo at kakalakad.

"Nag enjoy ka ba?" Tanong sa akin ni Yuan kaya para akong batang tumango.

"Ohm, enjoy na enjoy" sabi ko at malawak na ngumiti sa kanya. Napangiti rin siya nang malawak.

Kumakain na kami ngayon. Grabe ang lamon ko ngayon kasi gutom na gutom ako. Siya na naman ang nagbayad.

"You know what, ang dami ko nang utang sayo. Ito nga sanang lakad nato bayad utang na sana to eh tapos ikaw yung nagbabayad." Pagrereklamo ko sa kanya. We're done eating at nasa isang bench nalang kami.

"Just be with me, bayad ka na" aniya kaya napatingin ako sa kanya. Nagsimula na ring tumibok ang puso ko nang mabilis nang magtama ang mata namin kaya napaiwas ako agad.

"Why are you doing this?" Wala sa sariling tanong ko. He just shrugged kaya hindi ko nalang yun pinansin.

Nabalot kami nang katahimikan pero hindi naman awkward.

" You know what, ito palang ang pangalawang beses kong nagpunta sa isang amusement park" pag amin ko sa kanya sa di ko malamang dahilan.

Napatingin siya sa akin kaya nginitian ko lang siya at tumingin sa ibang direksyon.

" Nung una kasi tumakas lang ako kasama yung mga kababata ko. Bata pa lang kasi ako, pag aaral na palagi ang inaatupag ko. I didn't even got a chance to play with other kids. I'm just always at home with books in front of me and a tutor beside me. Na iinggit ako sa mga batang naglalaro lang habang ako bata pa lang hinuhubog na para sa negosyo nang mga magulang. Ngayon lang ako naging malaya and I love the feeling of it, pero hindi ko alam kong kailan matatapos ang pagiging malaya ko" mahabang sabi ko.

I didn't notice na tumutulo na pala ang luha ko. Pinunasan ko kaagad iyon at tumayo na.

Nakita ko ang awa sa mata niya and I hate it. Ayokong kaawaan ako.

"Just don't mind what I said earlier. Ayon oh Ice cream, bili tayo libre ko. Huwag kang umangal ah" sabi ko at agad siyang hinila. Wala siyang nagawa kung hindi ang magpahila na lamang.

"Manong pabili po dalawa. Mango flavor po ang isa. Ikaw ano flavor gusto mo?" Baling ko kay Yuan.

"Ahm, chocolate" aniya.

"Narinig mo yun manong ah, chocolate daw" sabi ko. Naglabas na ako nang pera at nagbayad na. Mahirap na baka maunahan na naman akong magbayad.

Bumalik kami sa may bench kanina at naupo uli don habang kumakain nang ice cream.

Napaiktad ako nang dumampi ang kamay niya sa labi ko.

"Pinunasan ko lang. Ang dungis mo eh. Ang panget mo pa naman" Aniya. Ayyy bw*sit nilait pa ako. Kung hindi lang talaga ako naka-disguide eh.

"Aisstt, akala mo naman kung sinong gwapo" naiinis na sabi ko.

"Gwapo naman talaga ah" aniya at pilyong ngumiti sa akin.

"Edi gwapo hmp" naiinis ako sa kahanginan niya. Ang yabang, edi gwapo.

"So inaamin mo na? Na gwapo ako?" Aniya sabay tawa. Natitig lang ako dahil sa pagtawa niya. Halatang halata ang totoong emosyon niya.

Inismiran ko lang siya at inirapan.

Naubos ko na ang Ice cream ko at pareho kaming tahimik.

"Thank you for today. I really enjoy it" aniya kaya napatingin ako sa kanya. Malawak ang ngiti sa labi niya kaya napangiti na lang din ako.

"No, I should be the one thanking you. Thank you kasi binalik mo ako sa pagiging bata. I really enjoy this day. This is the best day of my life" sinserong sabi ko.

"I'm happy that you enjoy it. I'm happy that I'm seeing you this happy" aniya kaya natigilan ako. Did he meant it all?

Napaiwas ako nang tingin, nakalimutan ko na iniiwasan ko pala siya. Pero ngayon, we're both enjoying the companies of each other.

I don't want to assume. Pero sana pareho kami nang nararamdaman.

Bumaling ako sa kanya at ngumiti.

"Tara na uwi na tayo, may pasok pa bukas" pag aaya ko at tumayo na.

Tumayo na rin siya at naglakad na sumabay sa akin na papunta sa sasakyan niya.

"Thanks" sabi ko nang makababa na ako sa sasakyan. Kumaway na ako sa kanya nang pinaandar na niya ito paalis.

"Ylle, remember this day. From now on I will court you" sabi niya bago siya nakaalis.

Naestatwa naman ako sa kinatatayuan ko.
Hindi pa napa process nang maayos ang mga sinabi niya. I heard it right, right? He will court me?

Nagsitaasan naman ang dugo ko papunta sa mukha ko. Holy sh*t. Tama ako nang rinig diba?

Natauhan ako bigla nang tumunog ang phone ko.

Unknown number

Yeah, you heard it right. I will court you.

Nahawakan ko nang mahigpit ang cellphone ko.

Ilang mura sa isip ang nagawa ko nang matanggap ang text niya. Paano niya nabasa ang iniisip ko?

"Kyahhhhhhhhhhhhhhhhhh" malakas na sigaw ko nang makapasok ako sa condo unit ko.

I'm not dreaming, sinabi niya yun. D*mn, ito na ba yun? Sign na ba to na may pag asa ako sa kanya, na may gusto rin siya sa akin? Right? Hindi naman niya ako liligawan kung wala siyang gusto sa akin diba? Kyahhhhhh.

Hindi ko alam kung paano ako makakatulog nito ngayong gabi.

"D*mn you Yuan"

---------------------------

^_^

Running Away (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon