Chapter 30 √

277 13 0
                                    

"YUAN" tanging naisigaw ko na lamang ng matumba siya.

Humagulhol na ako ng iyak dahil hindi man lang ako makalapit sa kanya dahil sa pagpigil sa akin ni daddy. Alam kong naging sobra na ang pagtrato ko sa kanya sa mga nakaraan pero kasi hindi pa rin mawala sa isip ko yung mga what ifs ko, na baka saktan niya ulit ako.

Kitang kita ko at ramdam na ramdam ko yung mga efforts niya para mabalik niya ang tiwala ko sa kanya.
Pero hindi pa rin talaga mawala sa sistema ko ang takot na baka saktan niya ulit ako, pero ngayon pinagsisisihan ko nang hindi ko siya pinatawad agad. I took his efforts for granted, hindi ko inisip na napapagod din siya sa mga ginagawa niya. Na nasasaktan din siya sa mga ginagawa ko.

Ayokong mawala siya sa akin pero tinrato ko siyang parang wala lang at pinagsisisihan ko na yun ngayon. Hindi ko kayang mawala siya sa akin, hindi ko kaya.

Hindi ko namalayan ang pagdating nang mga police at medical team.
Nakita ko nalamang na nilalagay sa stretcher ang katawan niya.

Iyak pa rin ako nang iyak, gusto kong sumama sa kanila pero inaakay na ako ni daddy para sumakay sa isang Yate at doon ginamot ang sugat na natamo ko.

"Daddy, si Yuan" sabi ko kay daddy ng paulit ulit.

"Magiging okay din siya, shhhh don't worry" pag aalo niya sa akin.

Kaba at takot, yan ang nararamdaman ko ngayon habang nakasakay kami sa isang yate. Ito ang ginamit nilang transportation papunta sa isla.

Nang makarating kami sa daungan ay agad nilipat ang katawan niya sa ambulansyang nakaabang kaya agad akong sumunod don at pumasok, hindi na ako napigilan ni daddy.

Mas lalo akong napaluha ng makita ko si Yuan na ang kulay puting sando na suot ay naging kulay pula na dahil sa dugo. Agad kong hinawakan nang mahihgpit ang kamay niya at tahimik na nagdadasal para maging okay siya.

"Kapit lang Yuan, please. Ayokong mawala ka sa akin. I'm sorry sa mga nagawa ko. Please, lumaban ka lang. Huwag mo kong iwan. Hindi ko kaya" sabi ko habang umiiyak. Hindi ko pinapansin ang kumikirot na sugat ko sa balikat.

Nang makarating kami sa Hospital ay sumalubong kaagad ang mga doctor para asikasuhin ako at si Yuan kaya nahiwalay ako sa kanya. Labag man sa loob ko ay sumama ako sa emergency room para magamot ang sugat ko.

Ilang minuto lang nang magamot na ang natamo kong sugat ay dumating si mommy na agad akong sinalubong ng isang mahigpit na yakap na mas lalong nakapagpaiyak sa akin.

"Mom, si Yuan"

"Hush baby, he will be okay, don't worry"

"Mommy, ayoko siyang mawala sa akin, hindi ko kaya mommy. Puntahan natin siya"

"Magpahinga ka muna, mamaya na natin siya puntahan.

"Please mommy, gusto ko siyang puntahan" pagsusumamo ko.

Walang nagawa si mommy kung hindi samahan ako sa operation room kung saan si Yuan. Hindi nawala ang takot at kaba sa dibdib ko at walang tigil pa rin ang pagtulo nang luha sa mata ko.

Sana pinatawad ko na siya agad, sana hindi ko na siya pinahirapan pa ng ganon, naging masaya sana kami sa mga panahong yun kung hindi lang ako nagmatigas. Puro pagsisi ang nasa utak ko ngayon na mas lalong nakapagpaiyak sa akin.

Makalipas ang isang oras ay lumabas na ang doctor sa operating room kaya agad akong napatayo sa pagkakaupo ko kanina.

"Doc, kamusta po siya?" Pagtatanong ko.

"Wala ng dapat ipag alala pa, okay na ang pasyente. Natanggal na namin ang bala sa tiyan niya magpasalamat na lamang tayo na walang na damage na organ dahil sa bala" sabi ng doctor kaya nawala ang kaba ko. Nakahinga ako ng maluwag.

Napasalampak na lamang ako sa sahig dahil sa naramdaman kong panghihina, ngayon ko lang naramdaman lahat nang pagod ko.

"Ylle" mahinang sambit ni mommy at tinulungan akong tumayo para maupo sa may upuan.

"Mom, I'm so happy. He's okay." Sabi ko sa kanya.

Tumango tango lang siya bago ako niyakap.

"You really love him Ylle" aniya kaya napatango tango agad ako.

"Mahal na mahal mommy"

Palagi akong nasa room ni Yuan, ako yung nag aalaga sa kanya dahil nagpapahinga pa ang mommy niya dahil sa surgery na ginawa sa kanya.

Nagising na siya kahapon pero hindi ko naabutan dahil pinauwi muna ako ni mommy.

Nakaupo na ako ngayon sa gilid ng kama niya habang nakahawak ng mahigpit sa kamay niya.

Si Raph, nakulong siya. Pinakulong siya nila daddy dahil sa nangyari. Si tito Ralph naman ayon, hindi na alam ang gagawin dahil napasa sa kanya ang trabaho ni Raph sa kompanya.

Katulad ng sabi ni daddy, hindi na matutuloy ang kasal. Hinayaan niya na ako na mahalin ang gusto kong mahalin. Tanggap niya na rin na mahal ko si Yuan, wala na siyang tutol do'n, si mommy naman ay todo suporta lang siya sa akin at sobrang thankful ako dahil do'n.

"Yuan, I'm sorry. Sorry kung nagmatigas ako. Sorry kung hindi ko kaagad nakita yung mga ginagawa mong efforts, sorry nagbulagbulagan ako. Sorry..." Napayuko na lamang ako habang umiiyak.

"Yuan promise, hinding hindi ko na gagawin yun, alam kong nasasaktan ka rin, and I'm sorry for that....."

"Mahal na mahal kita Yuan, sobrang nasaktan ako sa ginawa mo nun, pero nang mangyari to sayo para akong mababaliw sa kaiisip na sana huwag mo kong iwan, hindi ko kaya. Mahal na mahal kita..."

Nakayuko lang ako at hinahayaang tumulo ang luha ko.

Nagulat ako ng may kamay na nag angat ng ulo ko at mas nagulat ako ng makita kong gising na siya.

Nang matauhan ako ay agad ko siyang niyakap nang mahigpit.

Hindi ko rin naiwasan na mas mapaiyak pa.

"Takot na takot ako, akala ko mawawala ka na sa akin, Yuan, akala ko iiwan mo na ako....."

"Hush now baby, I'm okay. I heard you, I'm sorry for hurting you, I promise hindi ko hahayaang masaktan ka ulit..... Mahal na mahal din kita" aniya at niyakap ako pabalik.

Nagyakapan lang kami ng ilang minuto bago ko napagtanto ang kalagayan niya kaya agad akong napahiwalay.

"Argh"

"Oh my Ghad, oh my Ghad, I'm sorry, I'm sorry." Natatarantang sabi ko.

"It's okay, thank you Ylle. Thank you for not leaving me. Thank you for staying with me, Thank you for loving me, mahal na mahal kita Ylle" aniya habang nakahawak ang kamay niya sa kanang pisngi ko.

"Mahal na mahal na mahal na mahal  din kita Yuan, at mamahalin pa kita kahit buong mundo pa ang tututol."

I know that running away on our problems is a sign of cowardice, dahil hindi natin hinaharap ang mga hamon at problema sa buhay pero, sa pagkakataong to, that running away is the only choice that I have to feel free and to meet the person I love right now, hindi ko pagsisisihan ang ginawa ko, dahil nahanap ko ang taong mamahalin ko habang buhay at mamahalin din ako habang buhay.

So if running away is my only choice again to be free and to fell in love, pipiliin ko pa rin na tumakbo palayo para maramdan yun.

Hindi man maganda na takbuhan ang mga kinakaharap na problema, but running away can give us time to find a possible solutions to our problems. So may maganda pa rin itong naiidudulot.

I know I became coward for running away but I will never get tired of doing it again, if that's the only choice to be with the person I love.

-----------------------

^_^

Running Away (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon