It's Saturday morning and I'm ready papunta sa bahay ni Amia. Naghihintay na lang ako nang taxi dito sa labas. Na text na naman niya ako sa location nila kaya madali na lang akong makakapunta ron.
Nakapag paalam na rin ako sa boss ko about sa trabaho ko. Pinayagan naman ako kasi about sa school naman. Valid naman reason ko.
Na realize ko lang na isang buwan mahigit na pala ako rito sa Pilipinas and I can say mahirap dahil mag isa ako but enjoyable dahil na rin sa mga nakilala kong kaibigan. I feel really alive and free.
Napalalim ata ang iniisip ko na diko namalayan na may kotse palang nasa harapan ko.
Napatingin ako dito at napagtantong familiar ang kotse na to. Hmmm.. kaninong kotse ba tong ganito?
Nasagot ang tanong sa isip ko nang makita ko ang nagmamay ari nang kotse pagkababa nang bintana nito.
"Sakay na" pag aaya niya. Diko talaga mapigilang mapahanga sa malalim niyang boses kapag nagsasalita siya.
Napapailing na lamang ako sa naisip ko.
"Y-yuan, bakit ka nandito?" Natanong ko na lang. Nagakatinginan kaming dalawa at para akong nahipnotismo sa magaganda niyang kulay itim na mata. Itim na itim.
"I'm just around the area when I saw you kaya pinuntahan na lang kita" aniya.
"Ahh okay" nasagot ko nalang. Nabibigla pa rin ako kapag nasa paligid ko lang siya lalo pag tumitibok nang mabilis ang puso ko. Diko na alam ang nangyayari sa akin.
"So.... tatayo ka na lang ba diyan?" Sabi niya.
"Ayoko, baka may kapalit na naman yan" agad na sabi ko. Baka may kapalit na naman eh, katulad nung dating pinasakay niya ako.
Napatawa siya sa sinabi ko kaya napatitig ako sa kanya. Bagay sa kanya na palaging nakangiti at tumatawa.
Aisttttt ano bang nangyayari sa akin? Bakit ba palagi ko na lang napapansin mga kilos niya? Aist.
"Your funny" aniya. Anong funny don? Hmp.
" Wala nang kapalit to. Just hop in at baka ma late pa tayo sa dapat na puntahan." Sabi niya.Wala na akong nagawa at pumasok na lang.
"Promise hah! Walang kapalit to" sabi ko.
He chuckles and nod towards me.
Nag seatbelt na ako tsaka niya pinaandar ang kotse.
Unlike dati na sobrang tahimik lang nang byahe namin, ngayon naman nag uusap na kami. Hindi na masyadong awkward ang atmosphere sa pagitan namin.
Kapag nagtatanong ako sinasagot niya naman and vice versa.
"We're here" aniya kaya napatingin ako sa labas.
Ang laki nga nang bahay nila. As expected.
Bumaba na ako nang kotse at nakita ko pa ang iba kong ka grupo na kakarating lang din.
Nakita ko naman ang mapanuksong tingin sa akin ni Ami kaya napairap na lang ako.
"Salamat Yuan" ako at nginitian siya. Tumango lang siya sa akin. Ay, mood swing? Kanina na kami lang pangiti ngiti, patawa tawa. Ngayon namang may kasama na kami, snob. Napailing na lamang ako.
" Eyy guys, tara pasok." Pag aaya ni Ami kaya pumasok na kami.
Maganda ang bahay nila. May garden sila na punong puno nang mga bulaklak. Katulad sa mansyon namin sa States.
Natapos ang pag appreciate ko sa bahay nila nang may sumundot sa tagiliran ko.
"Oii, ikaw ah. May pasabay sabay na kayo ni Yuan ah" aniya.
"Eh, ano namang meron?" Saad ko. Naglalagay agad nang malisya eh.
"Nako.... Ang layo nang bahay nila Yuan sa condo mo tapos nagkasabay pa kayo. May pasundo sundo nang nangyayari noh?" Aniya at malisyosang ngumiti sa akin.
"Wag mo ngang bigyan nang malisya. Sabi niya kasi he's around the area kaya siya nandoon" sabi ko nalang.
"Eh wala naman siyang kamag anak don" sabi pa niya.
"Tigilan mo nga ako Ami, basta yun sinabi niya" sabi ko at inirapan siya.
"Okayyy.... Sabi mo eh" aniya sabay tusok pa sa tagiliran ko.
"Ami....." Angil ko kaya napatawa siya. Aist.
Nag start na kami sa activity namin. Gumagawa na kami nang business plan. Brainstorming, sulat at iba pa. Nakakapagod ang ganito pero nasanay na ako dahil ganito ako dati. Puro libro ang kaharap.
It's been four hours at ang sakit na nang kamay ko kakasulat. We're done with our business plan. Miniature nalang kulang namin. Buti nalang talaga at cooperative ang mga ka group ko.
"Guys let's eat. Gutom na ako" sabi Amia na nakapagpatango sa amin.
"Okay let's have a break." Sabi ni Chloe kaya napahiyaw naman si Roy.
"Tara sa baba tayo. Nagluto si mommy" aya ni Amia kaya walang pag aalinlangan kaming bumaba siyempre gutom eh, mahihiya pa ba.
Napakilala na kami kanina ni Ami sa mommy niya kaya kilala na namin siya.
Pagkarating namin sa baba ay agad kong nalanghap ang amoy nang adobo. Adobong manok my favorite. Napangiti na lamang ako.
"Oh nandito na pala kayo. Hali na kayo, upo na. Kain na." Pag aaya nang mommy ni Amia si tita Mira.
"Salamat po tita/Thanks po" sagot namin.
Na mi miss ko tuloy si mommy.
"What's with the face Ylle" tanong ni Ami na nasa tabi ko. Napatingin ako sa kanya at sa iba. They're looking at me.
"I just missed my mom" mahinang saad ko at napangiti nang mapait.
Napaiwas naman nang tingin ang ibang kasama namin except for Amia, Yuan and tita Mira.
"Don't worry hija, miss ka na rin siguro nang mommy mo. Nasaan ba siya?" Tanong sa akin ni tita.
"Nasa ibang bansa po" napaiwas ako nang tingin at bumuntong hininga para mawala ang bigat sa dibdib ko. I'm sorry mom.
"Let's just eat. Masarap ang pagkain" pag iiba ni Ami sa usapan.
Kumain na nga kami and I'm smiling through out the lunch dahil sa sarap nang adobo ni tita. Nasabi ko rin sa kanila na favorite ko ang adobo na niluto ni tita kasi yun yung niluluto sa akin ni mommy dati.
Puro tawanan at kwentuhan ang namutawi sa hapagkainan habang si Yuan naman ayon tahimik lang at napapansin ko pa ang paminsan minsang pagtingin niya sa akin na binaliwala ko lang.
Ang daldal ni tita ang daming kwento tungkol kay Amia na tinatawanan namin. Hiyang hiya naman si Ami sa pambubulgar nang nanay niya sa kanya.
"Don't tell that to Leo ah" nakabusangot na sabi niya sa amin. "Especially you, Yuan" aniya. Tinawanan lang namin siya.
Pagkatapos naming kumain ay bumalik na kami sa paggawa nang activity namin sila na daw kasi bahala sa pinagkainan.
Lahat kami ay seryosong ginagawa ang miniature, para sana bukas ay matapos na namin.
Para kaming naging architect at engineer dito sa ginagawa namin. Buti nalang talaga at marunong kaming mag drawing at mag measure lahat kaya maayos ang pagkakagawa nang sketch namin.
Nasimulan na namin ang pag build nang miniature pero hapon na at 6 lang ang limit namin dahil may gagawin pa ang iba.
Syempre may mga gagawin din ako kaya bukas nalang namin tatapusin.
"Guys, bukas nalang ulit ah, ba bye. Ingat." sabi ni Amia na sinang ayunan naman namin.
----------------------------
^_^
BINABASA MO ANG
Running Away (Completed)
RomanceRunning away is the only way for Zyrine to escape from all the problems she is facing. Isa sa dahilan ng kanyang pagtakas ay ang kalayaan. Kalayaang gawin ang gusto niya, na walang komokontrol sa kanya. Gusto niyang maging malaya sa kanyang mga magu...