It's her special day, it's her birthday.
Gumawa ako ng surprise for her, bumabawi ako sa ginawa kong pagsira sa espesyal na araw niya noon.
"Kinakabahan ako Ced" kinakabahan talaga ako ngayon.
Magpo-propose ako kay Ylle. Hindi naman sa pagmamadali, gusto ko lang talaga ma ma-engage na sa akin para hindi na siya makuha pa ng iba.
Maghihintay naman ako na matapos siya sa pag aaral bago ko siya pakasalan.
"Bro, hindi ko talaga maisip na gagawin mo to but just calm down, ang likot mo" aniya.
Sila Ayna na ang bahala kay Ylle.
Nasa may park kami ngayon, yung park na sinasabi ko na sa kaibigan ko. Sa amin talaga to, kay dad specifically.
Ako na ang tumutulong kay dad ngayon dahil nasa kulungan pa si Raph.
"Be ready nandito na sila" pagkasabi nun ni Ced ay umalis na siya sa pwesto niya at nagsimula nang maghurumintado ang puso ko sa kaba.
Once na makita ko siyang naglalakad papunta sa pwesto ko na manghang mangha sa nakikita niya ay nawala ang kaba sa puso ko at napalitan ito ng mangha dahil sa kagandahang taglay niya ngayon.
Nasa kanya na ang buong atensyon ko. Pagkakita niya sa akin ay agad siyang napatigil sa kinatatayuan niya kaya ako naman ang naglakad papalapit sa kanya wearing my warm smile and a bouquet of red roses.
Nang makarating ako sa pwesto niya ay halatang halata ang pangingilid ng luha niya.
"Ylle, for you" sabi ko at binigay ko sa kanya ang dala ko.
"Thank you" aniya at ngumiti sa akin.
I really love her smile.
"Ylle, I know masyado pang maaga para sa pagpapakasal kaya maghihintay ako. Mahal na mahal kita at ayaw ko ng mahiwalay pa sayo, hindi kakayanin ng puso ko. So, kukunin ko na lamang muna ang oo mo para pakasalan ako ngayon para sure na ako na hinding hindi ka na makakawala pa sa akin....."
"Yuan-"
"Sa dami nang nangyari sa atin, sa sakit na naramdaman natin, sa pagsubok na nakaya nating harapin. Sa harap ng mga magulang mo at ng magulang ko, sa harap ng mga kaibigan natin...."
"Zyrine Axerylle Monteban, will you marry me?" Pagkasabi ko nun ay agad akong lumuhod sa harapan niya at iniharap sa kanya ang isang singsing.
Nakita ko ang pagtulo nang luha sa mata niya at ang dahan dahan niyang pagtango.
"Yes, yes, I will marry you Yuan, I will." Pagkasabi niya nun ay agad ko siyang niyakap nang mahigpit at kasabay nun ang hiyawan nila. Ang saya saya ko sa araw na to. Gusto kong magtatalon sa tuwa pero niyakap ko na lamang siya nang sobrang higpit at hinalikan ang sentido niya.
Napuno ng tilian at kantiyawan ang paligid sa pangunguna ng mga kaibigan namin kaya mas lalo akong napangiti.
Inilagay ko sa daliri niya ang singsing at hinalikan ito.
"Thank you. Mahal na mahal kita"
"Mahal na mahal din kita" pagkasabi niya nun ay agad ko siyang sinunggaban ng halik kaya mas lalo pa silang naghiyawan.
"Binibigla mo naman ako eh" aniya at pinalo pa ang balikat ko ng matapos ko siyang halikan.
Napatawa na lamang ako sa reaksiyon niya.
"I love you" sabi ko sa kanya at pinatong ang noo ko sa noo niya.
"Mahal na mahal din kita"
Pagkasabi niya yun ay ginawaran ko na naman siya nang isang matamis na halik na tinugunan niya naman.
~The End~
Date finished: July 20, 2021
Natapos na talaga siya guys, thank you sa mga sumuporta, sa mga nagbasa, sa mga sumubaybay.
Thank you sa inyo guys.
-----------------
^_^
BINABASA MO ANG
Running Away (Completed)
RomanceRunning away is the only way for Zyrine to escape from all the problems she is facing. Isa sa dahilan ng kanyang pagtakas ay ang kalayaan. Kalayaang gawin ang gusto niya, na walang komokontrol sa kanya. Gusto niyang maging malaya sa kanyang mga magu...