Chapter 16 √

216 11 0
                                    

Nakarating kami sa isang park. Yeah isang park. Walang ibang tao ang nandito kung hindi kami lang.

Ang daming puno rito, ang fresh nang hangin kaya agad ko itong nilanghap nang makalabas ako sa kotse.

"Park to diba? Bakit walang tao?" Tanong ko kay Yuan. Binaling niya ang tingin niya sa akin dahil sa pagtatanong ko.

"Yeah, but it's a private park. It's own by my friend's family. Binigyan niya ako nang pass dito pa birthday niya raw" aniya.

"Hmm." Napatango tango pa ako. "Ang ganda rito" sabi ko. Hangang hanga ako sa lugar, sobrang ganda talaga.

I raise my both hands in my both sides and inhale the fresh air. Napangiti na lamang ako. Ang sarap sa feeling.

"I'm happy you love the place, tama lang talaga at dinala kita rito" aniya na nakatingin pala sa akin. Nababa ko na lamang ang kamay ko.

"Yeah, I really love place like this. Ang ganda lang kasi, tsaka kinakalma kasi ako nang kalikasan, katulad nito, maraming puno." Sabi ko naman.

"Hmmm, me too. Kaya minsan kapag walang pasok, nagte-trespass ako rito." Aniya at mahina pang tumawa. Mukhang may naalalang kalokohan niya.

"Tara doon tayo, I prepare something for us" aniya. Naglakad na kami papunta sa isang mapunong bahagi nang lugar.

Habang naglalakad kami papunta sa tinurong direksyon niya ay nakita ko na ang nakalatag na picnic mat sa damuhan. Woah, mukhang magpipicnic kami ngayon ah.

Pagkarating na pagkarating namin sa pwesto na yun ay kita ko ang mga nakalatag na pagkain don.

"Wow" napahanga na lamang ako. Ang daming pagkain tapos kami lang dalawa kakain nito.

May mga iba't ibang klaseng prutas, iba't ibang putahe at may pa wine pa siya. Syempre rin hindi mawawala ang isang birthday cake.

"You like it?" Tanong niya sa akin.

"Yeah, I like it" sabi ko naman at dahan dahang umupo sa picnic mat.

"Wait lang, di ba ikaw yung may birthday? Bakit parang ako yung nag cecelebrate? Bakit parang ako yung pinagsisilbihan mo? Diba dapat ako yung gumagawa nito?" Mahabang litanya ko. I heard him chuckle kaya napatingin ako sa kanya.

"Hmm. Well, I'm your suitor anyway. Parte na rin to nang panliligaw ko. Mas special nga lang kasi special day ko. A special day with a special person with me." Sabi pa niya. Parang natunaw naman ang puso ko sa sinabi niya. I'm special to him.

"Okay tama na muna ang chikahan, kain muna tayo. Nagutom ako bigla" sabi ko kaya napatawa siya. "But before that blow the candle muna." Sabi ko.

Agad kong kinuha ang cake at sinindihan ang candle nito.

"Okay, before you blow, close your eyes muna before you wish" sabi ko.

"Para naman akong bata nito eh." Aniya habang umiiling iling pa. Baby naman kita, gusto ko sanang sabihin yun pero nangunguna ang hiya sa akin. Tsaka duh, hindi ko pa nga siya sinasagot.

"Aherm, okay close your eyes now, make a wish and blow the candle..... baby" sabi ko na mahinang sinabi ang huling salita. Sana hindi niya narinig.

Dahil sa magkaharap kami ay nakita ko ang pagkabigla niya. Narinig niya ba? Nakita ko rin ang pagpipigil nang ngiti niya kaya kinakagat niya ang ibabang labi niya. Woah hot. Aisttt tumigil ka nga Ylle.

"Ahm... Can you say it again?" Aniya na nagpipigil pa rin nang ngiti sa labi.

"Ang alin?" Painosenteng sabi ko at kinagat pa ang labi ko para maiwasang ngumiti.

Running Away (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon