Nandito kami ngayon sa condo ko, nag absent ako sa work ko for my preparation to my surprise to him. Kami, oo kami dahil kasama ko nag dalawang kaibigan ko. Pinatulong ko kasi hehe.
"Ano na ba kasing gagawin namin?" Tanong ni Ami na ngumunguya nang chips na nasa center table kanina.
"Ganito kasi yun" sinabi ko sa kanila ang plano ko. Sana maging successful nga eh.
I'm planning a surprise, birthday ko pero ako yung mag su-surprise. Galing naman.
Sasagutin ko na kasi si Yuan, and I want it special. Yung hindi namin makakalimutan. Yung tatatak talaga sa isipan namin.
Kaya kailangan ko nang tulong nila.
"Ayyyy, may pa ganon siya. Edi Sana all magkakajowa na" sabi ni Amia.
"Oh? Eh ano ba score niyo ni Leo?" Pagtatanong ni Ayna.
Well, sa mga araw kasing lumipas ay nakikita namin ang improvement nila, ayon nga lang Leo is still Leo, ayaw daw niya na nanliligaw, kasi siya dapat ang nililigawan.
"Yung sayo nalang Ayna, ano? Forever kang single ganon? Huwag na yung sa amin ni Leo" inis na sabi ni Ami.
"Nakooo, sabihin mo nalang. Naisahan ka na naman ni Leo" pang aasar ni Ayna sa kanya na ikinatawa ko na lamang.
"Aisst, iwan ko sa lalaking yun. Nakakainis, nabubwesit na ako" inis na sabi ni Ami. Ayan umamin na, ayy nako iwan ko na lang sa kanila. Ang labo nang kanila ni Leo.
"Eh bakit naman? Ano na naman bang ginawa?" Pagtatanong ko. Last kasi na nabwesit si Ami kay Leo ay noong nag ayang makipagkita si Leo tapos ayon, late ang punyeta kaya ayon, inis na inis si Ami.
"Pinagkalat ba naman na nanliligaw ako sa kanya. Like what the f*ck, ako pa? Ako pa talaga, not in my life na manliligaw ako sa isang lalaki. Bwesit lang." Inis na inis na talagang sabi niya.
"Don't worry Ami, pag talagang nahulog yan sayo, pahirapan mo. Makaganti ka lang." Pangsusolsol ni Ayna.
Napailing na lamang ako. Hahaha may improvement nga, para namang aso at pusa.
Wala namang magawa minsan ang Ami niyo kasi nga patay na patay sa Leo niya. Tsk.
"Tama na nga yan, baka sumabog si Ami rito sa condo ko, mahirap maglinis nang lamang loob" sabi ko.
"Ylle naman, di kita tutulungan sige ka" pagbabanta ni Ami na nakabusangot.
"Joke lang eh" napatawa na lamang ako nakitawa na rin si Ayna kaya napabusangot si Ami. Ang sarap inisin nang isang to.
Ito namang si Ayna, iwan ko sa love life niya.
Wala naman kasi siyang sinasabi eh. Pag aaral daw muna aatupagin niya. Sagabal lang daw yang pag ibig pag ibig. Ang bitter nang Ayna niyo. Pero palagi naman siyang naka suporta.
"By the way Ylle, alam ba ni Yuan na birthday mo?" Pagtatanong ni Ayna na kinatango ni Ami.
"Hmm, hindi. Hindi ko sinabi para nga surprise diba." Sabi ko sabay tawa.
"Ang weird mo, ikaw yung may birthday pero ikaw yung mangsu- surprise" sabi ni Ami.
"Well, hindi naman pwedeng parati na lamang si Yuan ang mag effort eh, dapat may gawin din ako." Nakangiting sabi ko na sinang ayunan naman nila.
"Hmm. May point ka. Iba talaga kaoag in love" sabi ni Ayna sabay kurot sa tagiliran ko.
Napaigtad ako kaya napahagikhik siya.
"Aist, tama na nga tong chikahan. Gawin na natin ang dapat gawin nang matapos na" sabi ni Ami na sinang ayunan naman namin.
Nag start na kaming mag gupit nang mga letters at pictures.
Big letters siya na 'Y', 'E' and 'S'. Tapos sa letters na yun ay lalagyan ko nang maliliit na picture namin ni Yuan. Para kasi kaming gagawa nang tarpaulin.
Ngiting ngiti pa ako habang ginagawa namin iyon. Excited lang ako sa gagawin ko.
Habang ginagawa namin iyon ay todo kwentuhan lang kami. Kaya puro tawanan ang maririnig sa bawat sulok nang condo ko.
Ilang beses na rin kaming nag sleep over, nakapag sleep over na nga rin kami sa bahay nila.
Last sleep over namin ay nung nag last ang 2nd sem. Doon kami nag review para sa exam namin.
Ang saya saya lang nun kasi hindi naging boring ang pag aaral namin dahil sa mga kwento nila kaya imbes na makapag aral nang maayos ay na divert sa ibang topic.
Kaya ayon cramming kami nung day nang exam tuloy, kunting tulog lang ang nagawa para makapag review. But I didn't regret anything.
Natapos namin ang ginawa namin. Agad naman namin itong inayos at nag presenta pa si Ami na siya ang magdadala nun sa school sa birthday ko kasi kapag dito baka makita pa ni Yuan. Maaga pa para matulog kaya nanuod muna kami nang Netflix habang kumakain nang chips.
Sa sala kami matutulog this time, naglatag lang ako nang foam sa sahig.
Natapos namin ang movie kaya nag decide na kaming matulog.
"Good night girls" sabay sabay na sabi namin.
Ilang minuto lang ay nakatulog na ang dalawa habang ako ay nakatutok lang sa kisame nang sala.
Napangiti ako nang maalala ko ang surprise na gagawin ko. Sana mag success. Gusto ko na kasing maging official kami.
Gusto ko na siyang matawag na akin, at gusto ko na rin siyang mapagdamot hehe.
Naiisip ko pa lang yun, kinikilig na ako.
Yung tipong, may karapatan na akong mag selos kapag may lumalapit sa kanya.
Gusto ko na rin kasing maranasan na mayroong ka holding hands, may kayakap. May nag aalaga sa akin.
Aist, nagiging baliw na ako. Napahagikhik na lamang ako.
"Tama na yang mga iniisip mong yan Ylle, matulog ka na. Para ka nang baliw diyan. Ang likot likot mo pa" sita sa akin ni Ayna.
Gising pa pala to o nagising ko lang? Aist.
"Opo, sorry po. Matutulog na nga po oh. Good night ulit." sabi ko na lamang.
"Good night" aniya at mukhang bumalik na sa pagtulog.
Sana maging maayos ang lahat sa araw na yun.
Excited na ako.
Natulog na lamang ako dahil baka makadisturbo pa ako sa tulog nila dahil sa mga naiisip kong kabaliwan. Haha, sorry naman in love lang eh.
---------------------
^_^
BINABASA MO ANG
Running Away (Completed)
RomanceRunning away is the only way for Zyrine to escape from all the problems she is facing. Isa sa dahilan ng kanyang pagtakas ay ang kalayaan. Kalayaang gawin ang gusto niya, na walang komokontrol sa kanya. Gusto niyang maging malaya sa kanyang mga magu...