Chapter 12 √

222 13 0
                                    

Zombie. Yan ako ngayon. Pakshet lang , diko alam kong nakatulog ba talaga ako kagabi kakaisip sa sinabi niya. Para na akong zombie sa itsura ko. Ang panget na nga mas pumanget pa. Aistt kung hindi lang ako nag di-disguise eh.

Hindi pa rin ako makapaniwala. Like what the f*ck, sa mukhang to? Aist, alam kong disguise lang naman to pero hindi niya pa naman nakita ang totoong mukha ko eh.

Dahil sa wala akong napagsabihan nito ay parang gusto kong sumabog. Gusto kong may mapagsabihan nito kaya kakausapin ko sila Ami at Ayna para naman mabawasan ang dala dala ko. Arghhh.

Siguro time na rin na malaman nila Ami ang tungkol sa sekreto ko. Alam kong hindi pa matagal ang pagkakaibigan namin pero alam ko at ramdam ko na mapagkakatiwalaan sila.

Sila lang yung naging kaibigan ko na tinanggap ako kahit ganito ako. Hindi man sapat ang halos tatlong buwan na pagkakaibigan namin para ipaalam na sa kanila ang sekreto ko pero alam kong mapagkakatiwalaan talaga sila.

So I decided na sasabihin ko sa kanila ngayon ang sekreto ko.

Arghhh, napagulo ako sa buhok ko nang maalala ko na naman ang sinabi ni Yuan sa akin. Nakakainis na, hindi na siya umalis sa isip ko. Kailangan ko na talagang may mapagsabihan nito kung ayaw kong mabaliw.

"Anong mukha yan? Tsaka nakapagsuklay ka ba?" Tanong ni Ayna sa akin. Napaigtad naman ako dahil sa gulat. Diko namalayan na nandito na pala siya. Aist, nakakaloka na talaga.

"Magugulatin ka na pala ngayon. Alam mo mas pumanget ka ngayon" prankang sabi naman ni Amia na nasa kaliwa ko sumasabay sa paglalakad ko

Sinamaan ko lang siya nang tingin at inirapan. Nag peace sign naman siya sa akin.

"Girls, pwede ba kayo mag sleep over sa condo ko? I need to say something" sabi ko. Napakunot naman ang noo nila at dahan dahang tumango.

"Okay, that sounds fun. Magpapaalam na ako ngayon na yieeeee" hyper na sabi ni Amia.

"Me too" sabi ni Ayna at kinuha ang phone nila. Napailing na lang ako.

"Ano sasabihin mo?" Pang uusisa ni Ami.

"Mamaya ko na sasabihin" sabi ko nalang.

Hindi na siya nangulit pa at naglakad na kami papunta sa classroom.

Hikab pa ako nang hikab habang naglalakad kami.

"Ylle, ano ba kasi ginawa mo kagabi at mukhang hindi ka nakatulog?" Tanong sa akin ni Ayna. Hindi na siguro nakapagpigil sa katahimikan naming tatlo.

"Bw*sit kasi eh, basta mamaya ko na lang sasabihin. Si Yuan kasi eh." Naiinis na sabi ko pero pabulong na lang ang huli.

"Ano sabi mo? Yung huli?" Usisa naman ni Ami.

"Walaaaa" sabi ko at nauna nang naglakad.

Nakarating ako sa room at naglakad na papunta sa upuan ko.

Nagulat ako sa nakita kong red rose sa upuan ko at isang sticky note.

" Seeing you smile completes my day."

Napatingin ako kay Yuan at nang magtama ang mata namin ay patago siyang kumindat sa akin at ngumiti pa nang palihim.

Parang gusto ko na lamang matunaw sa kinatatayuan ko. May kung anong kiliti ang bumalot sa puso ko nang dahil sa ginawa niya. May kung ano ring bagay ang kumikiliti sa may tiyan ko. Ghad, binabaliw talaga ako nang lalaking to.

"Oiii, ano yun hah? Kita namin ang pakindat kindat na yun ahhhh" sabi ni Ayna sa akin sabay kurot sa tagiliran ko. Napaigtad naman ako dahil dun.

"You better explain this to us later Ylle. Ito ba ang sasabihin mo sa amin?"  Pabulong na sabi naman ni Amia sa akin.

"Basta mamaya ko na sasabihin" sabi ko na lamang.

"Later" sabay na sabi nila at mapanuksong ngumiti sa akin at tumingin pa sa pwesto ni Yuan.

Tumingin naman ako ron kaya nagtama ang mata namin ni Yuan. Napaiwas agad ako nang tingin dahil para akong natutunaw sa mga tingin niya.

Nanghihina akong umupo sa upuan ko. Bakit ba kasi ganito ang epekto niya sa akin eh. Arghhh. Sinubsob ko na lamang ang mukha ko sa table. Arghh hindi na ako makapag isip nang tama. Sh*t. Nakakabaliw na talaga to.

The discussion went well but my mind is not functioning well. Ghad nakakainis na talaga. Tapos itong mga kaibigan ko kanina pa ako tinutukso.

Kung ano daw meron sa amin ni Yuan?, Wala naman akong masabi kasi naman. Aistttttt wala ako sa tamang pag iisip ko. Naman kasi eh.

Kanina pa ako nakatulala rito sa harap nang pagkain ko na hindi ko man lang nagagalaw.

"Malala ka na talaga Ylle" sabi ni Ayna sa akin kaya napatingin ako sa kanya.

"Ylle, ano ba kasi yang bumabagabag sayo?" Tanong naman ni Ami.

"Mamaya ko na sasabihin kasi" sabi ko.
"Basta mamaya na" dagdag ko pa.

Napatango tango lang sila sa sinabi ko.

"Huwag ka na nga muna mag isip. Kumain ka muna." Sabi sa akin ni Ayna kaya tinanguan ko lang siya.

Nakakain naman ako kahit papaano. Iwinaglit ko lang muna sa isip ko ang mga bumabagabag sa isip ko ngayon. Mababaliw ako kapag iniisip ko pa to eh.

Hindi natapos ang araw ko nang hindi gumagawa nang paraan si Yuan na mabigay sa akin ang isang sticky note na naglalaman nang ka kornihan niya na nagugustuhan ko naman.

Kaya imbes na payapa na ang isip ko ay nagulo na naman.

" Always smile baby. Nakakapanget ang laging nakabusangot"

Napansin niya siguro ang palaging pagbusangot ko dahil sa dami nang gumugulo sa isip ko. Nakakabaliw.

Paano ako makaka smile kung sa presensya niya palang ay kinakabahan na ako sa mga gagawin niya.

Ayoko naman kasing maging center of attention dahil sa presence niya na palaging na nakaaligid sa akin. Hindi naman masyadong malapit pero kasi nagiging parang stalker siya eh. Ang creepy lang kung hindi ko alam ang ginagawa niya. Pero dahil alam ko, imbes na maging creepy amg presensya niya kinikilig ako.

Baka mapag usapan pa eh. Maungkat pa yung panliligaw niya sa akin at mas makakuha nang atensyon.

Mabalita pa sa campus.

' Isang panget na nerd nililigawan nang isang gwapong Yuan'

Gosh.

Marami pa namang tagahanga si Yuan. Kuyugin pa ako. Hindi ko kere yun. Aist.

Kung ano ano na tong pinag iisip ko.

Hapon na at uwian na, sila Amia and Ayna naman ay napayagan na sa sleep over na gagawin namin.

Nagpadala na lamang sila nang mga gamit sa drivers nila. Nagpahatid na rin kami sa condo ko sa driver nila Ami.

Kinakabahan ako sa mga ipagtatapat ko sa kanila. Paano kung? Aistt basta. It's now or never. Sasabihin ko na sa kanila. Final na yun.

Huminga ako nang malalim releasing all the negative energy in my body. Ni rerelax ko lang isip ko.

Isasantabi ko muna ang tungkol kay Yuan. Focus muna ako sa sekretong mabubunyag sa mga kaibigan ko ngayon. Malalaman din naman nila ang tungkol kay Yuan eh, sasabihin ko rin naman.

This is it.

The moment of truth.

-----------------------

^_^

Running Away (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon