Chapter 2 √

406 18 0
                                    

Nagising ako nang maaga kaya dumiretso ako sa cr para maligo at magbihis. Pagkatapos kong gawin ang dapat kong gawin ay nag pa deliver na lang ako para sa breakfast ko.

Wala pa akong stock nang grocery dito eh. Mamaya na lang siguro ako bibili. May nag doorbell kaya agad ko itong pinuntahan.

Pagbukas ko ay ang delivery na nang pinadeliver kong pagkain kaya kaagad ko itong kinuha at binayaran.

Pagkaalis nang nag deliver ay hinanda ko na ang kakainin ko tsaka pa ako kumain.

Natapos akong kumain ay nagligpit muna ako at hinugasan ang mga pinagkainan ko.

Ngayon ko lang mas na appreciate ang ganda nang condo ko. Marami nang appliances kaya nga siya mahal unlike other units na mura pero wala pang appliances. Ayoko naman kasi yung bumibili pa ako.

Nag ayos na ako nang mga gamit ko. Dinala ko rin ang ibang jewelries ko para pag nagipit ako sa pera pwede kong ibenta.

Buong araw akong nag ayos nang condo ko. Kanina lang din ay nag grocery na ako. For one week na supplies ang binili ko.

It's 5 pm at natapos ko na ang pag aayos nang condo kaya ito ako nakahiga sa kama ko.

Kinuha ko ang cellphone ko para magbukas nang social media, iba ang pinangalan ko rito para di nila malaman na ako ang nag mamay ari nito.

Once  na open ko facebook ko ay bumungad kaagad sa akin ang mukha ko. It is stated there that I'm missing. D*mn. Napapikit ako dahil sa frustration. Paano na ako makakalabas nito kung alam na ng iba ang tungkol sa akin? Argh.

Nag open din ako sa ibang social media platforms like IG and Twitter at unang una sa balita ang tungkol sa akin.

Dad really knows how to use his money.

Breaking news: The heiress of the Monteban Corp. is missing. For those who seen her please contact us immediately.

Nakalagay doon ang picture ko. Sh*t, and it is stated there also my full name.

Dahil sa nakita ko ay kaagad kong tinawagan ang may ari nang building na to at pinakiusapan siya na tumahimik tungkol sa akin. I even threatened her. D*mn. Paano na ako makakalabas nito?

Nakatulala lang ako sa kisame nang may nag pop up na idea sa utak ko.

"What if mag disguise ako?" I questioned myself.

"Oo nga no, pero ano namang disguise?" Para na akong baliw kakakausap sa sarili ko rito. Argh, ang hirap naman kasi magtago sa isang makapangyarihang tao.

Argh, oo nga pala kailangan ko pang mag aral. Hindi naman pwedeng hindi ko tapusin ang pag aaral ko. I'm second year in college at saktong kakatapos lang nang first sem namin. Nakapasa naman ako sa 1st sem kaya pwede na ako mag enroll sa 2nd sem dito.

Mag e-enroll na lang ako sa malapit na school dito. Argh, pero paano yun? Kung makikilala nila agad ako?

I'm scrolling and scrolling in my facebook account when an idea suddenly pop up again in my mind.

"Mag disguise kaya ako bilang isang ugly nerd?" Ugly nerd? Sounds cliche, but yeah, pwede na. Yeah, yun nalang tapaga. Kapag ganon, hindi nila ako makikilala. Makakalabas pa ako nang walang inaalala. Napangiti ako sa plano ko.

Gagawan ko na lamang nang paraan ang mga fake identities ko. Pero kailangan kong lumabas para bumili nang mga gagamitin ko for disguise. Argh, bakit ang hirap nang buhay ko?

Diko namalayan na mag e-eight na pala nang gabi kaya nagluto na lamang ako nang intant noodles para mabilis.

Natapos akong kumain ay dumiretso na ako sa banyo para maligo at magbihis. Ginawa ko na rin ang skin care routine ko.

Nasa kama na ulit ako at nag se-search nang mga outfit nang isang nerd.

Bukas ko na aasikasuhin ang lahat, pati na ang mga fake identities ko, para sa pag e-enroll ko sa magiging school ko.

Nag search na rin ako nang school malapit sa lugar na ito at isa lang ang school na yun. Malapit lapit lang talaga kaso lang ay pang elite school yun, tumatanggap din naman sila nang scholars at kukuha na lamang ako nang scholarship para hindi ako maging kapansin pansin sa school na yun.

Baka kasi magtanong pa sila kung paano ako nakapasok doon na sobrang mahal nang tuition. Mag e-exam na lamang ako. Tsaka para na rin ma achieve ko ang pagiging nerd ko.

Magiging nobody lang ako sa school na yun. Yun lang ang dapat maging role ko ron para hindi ako matunton ni daddy.

Tinabi ko na ang cellphone ko sa side table ko at humiga na sa kama.

Haysss, sana maging okay lang ang lahat.  Sana makaisip na ako nang paraan para mapigilan ko si Dad na ipakasal ako.

Si mommy kaya? Kamusta na kaya siya? Miss ko na siya.

Tinigil ko na ang pag iisip ko at natulog na lamang.

-----------------------

^_^

Running Away (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon