CHAPTER 6

9.9K 261 10
                                        

Hindi na ako nagulat ng sabihin nila yon. I already expected this at hinanda ko na ang sarili ko dito. Napag isipan ko na ito habang ako ay nasa kama nagpapagaling.

Tiningnan ko sila at deretso ang tingin nila sa akin. Alam kong naghihintay sila sa sagot nila sa akin at alam na alam ko naman na ang sagot ko.

"I'm sorry po ayoko na mag homeshool." Nakayuko kong sabi. Ayokong makitang ang kanilang reaksyon dahil ngayon lang ako hindi susunod sa kanila. I know that they are just trying to protect me, and I understand that because they love me so much. Still, I want to go out and explore the outside of our house.

"Anak alam ko na desisyon namin na ipasok ka sa school na yon pero pinagsisihan namin yon dahil sa naging sitwasyon mo. Alam mo naman Ayah na hindi namin kaya ng Mama mo na nakikitang nasasaktan ka. Inalagaan ka naming ng mahabang taon pero isang araw ka palang nalalayo ganoon na agad sinapit mo."

Nagsimula nang mangilid ang luha ko dahil sa sinabi ni Papa at tuluyan akong napaiyak ng naramdaman kong niyakap ako ni Mama.

"M-Mama...gusto ko m-mag-aral sa... W-Winsor. A-Alam niyo naman po sa s-simula ayoko mag-aral sa school d-dahil n-natatakot at n-nahihiya ako sa t-tao pero p-pinilit niyo po ako at s-sinabing k-kailangan k-kong matutong makisalamuha ng ibang tao para sa a-akin at sa k-kompanya. T-Tapos po mayroon nadin po akong b-bagong kaibigan doon. Hindi nalang po puro si Y-yaya Esme ang kaibigan ko. N-Ngayon ko lang po nalaman na m-masaya pala po ang m-maraming kaibigan kaya po p-please wag niyo nako ibalik sa homeshool." Umiiyak kong sabi sa balikat ni Mama nabasa na ng luha ko ang damit niya.

Hindi ko alam kung naintindihan nila ang sianbi ko dahil mahina na nga boses ko nauutal pako.

Ang patuloy ko lang na paghikbi ang naririnig sa kwarto. Ilang minuto na din siguro ang lumipas pero hindi padin nagsasalita si Mama at Papa.

Hindi ko mapigilan ang pag-iyak ko dahil mukang wala na talaga akong pag-asa. Sana hindi nalang nila ako pinasok sa simula palang. Hinde ko naman alam na masasaktan ako.

Kasalanan to ni green eye pero nag sorry na siya. Binaon ko pa ang muka ko sa katawan ni Mama. Bahagya ng nanakit ang mata ko sa pag-iyak pero hindi ko di matigil ang luha ko.

Balik nanaman ako sa bahay kasama si Yaya Esme. Masaya naman kasama si Yaya Esme pero hindi sa lahat ng oras kasama ko siya kaya madalas den ako naiiwan magisa at hindi ko mapigilan malungkot. Hindi nalalaban ng libro at ni tom and jerry ang kalungkutan kong nararamdaman.

"Tahan na anak...sige na sa Winsor ka na mag-aaral."

Napaangat ang ulo ko ng marinig ang sinabi ni Mama."T-Talaga po?"

Tumango si Mama kaya napatili ako pero pumiyok ng slight sa kakaiyak. Mabilis tumigil magsipatak ang mga luha ko pero bakas padin ang pamumula ng mata ko at ilong.

Masayang niyakap ko si Mama at binulong ko sa kanya ang pasasalamat ko. Gusto ko ng pumasok.

"Ayah." Narinig kong tawag ni Papa kaya bumitaw ako sa yakap ni Mama.

Nakaupo ngayon si Papa sa center table. Nilabas niya ang kanya panyo at pinunasan ang muka ko.

"Alam na alam mo talaga ang kahinaan namin ng Mama mo." Sabi nito habang tuloy paden ang pagpunas sa akin. Inipon niya pa ang buhok ko sa isang side para mapunasan din ang namuong pawis sa neck.

Napangiti ako sa tinuran ni Papa. Ang kahinaan nila ay ang makitang umiiyak ako. Hindi ko lang alam bakit.

"Huwag ka na ulit iiyak hah. Tingnan mo ang dungis dungis mo."

Napatawa ako at tumango ng marami kay Papa. Ngumiti naman siya at hinalikan ako sa noo. Si Mama naman naramdaman ko din humalik sakin.

"Promise me, Ayah, na mag iingat ka at iiwas ka ng gulo." Seryosong sabi ni Papa.

Her InnocenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon