"Sino yon anak?" Tanong ni Mama habang marahan niyang sinusuklay ang buhok ko.
"He's my friend Mama. Can I borrow your phone po? I promise to give him a call po kase kapag na sundo niyo na po ako."
Mabilis naman kinuha ni Mama ang kanyang phone sa mini bag niya at binigay sa akin.
Hindi ko tinanggap ang phone sa halip ay binigay ko sa kanya ang papel na may nakasulat na number ni Callan. "Ma, kayo na po tumawag kay Callan. Hindi ko po alam paano po gumamit niyan eh."
Kinuha ni Mama ang papel. "Oo nga pala. Don't worry you'll have your phone today."
Mabilis naman ako ngumiti. "Thank you po Mama." Dinukwang ko din si Papa sa driver seat. "Thank you din po Papa."
"Welcome anak. Bumalik ka at unayos ka na ng upo Ayah." Utos nito habang nakafocus padin ang tingin sa daan pero may maliit na ngiti ito na nakapaskil sa mukha.
Mabilis naman ako umayos ng upo at tiningnan ang ginagawa ni Mama.
Ipinakita sa akin ni Mama ang phone niya. "Nagriring palang anak."
Tumango naman ako at matapos ang ilang ring ay sumagot na.
[Hello.]
Narinig ko ang familiar na boses ni Callan na nanggaling sa phone. Mabilis naman binigay sakin ni Mama ang phone nito.
Ipinatong ko ang phone sa kanang tenga ko para mas maayos ko siyang mapakinggan. "Hello. C-Callan. Si Ayah to, papauwi na ako kasama ko na sila Mama."
[Oh hi Ayah. Nakita ko nga na sinundo ka na, malapit na kase ako sayo noon. Pasensya ka na natagalan kasi ako maghanap ng pagkain. Lumabas pa ako ng university para sana makabili. Anyway ingat kayo sa byahe.]
Napakagat ako sa labi ko dahil nagi-guilty ako kay Callan. "Hala sorry Callan napagod ka pa sa akin tapos nakaalis ako agad hindi ko man lang natin napag-saluhan ang dala mo. Sorry talaga Callan."
Nakita kong nakikinig lang sa akin sila Mama at Papa. Si Papa nakatingin sa akin gamit ang rear-view mirror. Patuloy naman si Mama sa pagsuklay sa aking buhok gamit ang kamay nito.
Hindi sumagot si Callan sa kabilang linya pero rinig ko ang mga busina ng mga sasakyan. "Papauwi ka na din ba? Sinundo ka na din?"
[Sorry nawala ako saglit bumaling kasi ako. Intersection. And oo pauwi nadin ako wala naman akong sundo, I have my own car. Tsaka ung sa pagkain naman kanina okay lang yon. Isang water bottle at skyflakes lang naman yong nabili ko sa labas.]
"Kahit na napagod ka padin kakahanap ng pagkain tapos hindi ko naman nakain." Malaungkot kong sabi.
[Fine ganto nalang para hindibka maguilty sa akin ka sasabay ng lunch bukas okay?]
Napangiti ako sa tinuran nito. "Okay. I'll treat you."
[Ayah huwag na ayos na sa akin na sumabay ka sa akin sa lunch.]
Napalabi ako. Ayaw niya ng ilibre ko siya may ibibigay nalang ako sa kanya. "Okay." Nakita ko na malapit na kami sa bahay. "Bye Callan. Keep safe." Pagkasabi ko non ay binigay ko na kay Mama. "Salamat Mama."
Nginitian lang ako nito at hinalikan ako sa pisngi. "Mukang nagdadalaga na talaga ang anak ko." Nang gigil nitong sabi habang pinupugpog ako ng halik sa pisngi.
Malaki ang ngiti ko sa mga bawat na halik na ginagawa ni Mama. "Mama dalaga naman talaga po ako eh."
"Dalaga ka na nga pero huwag kakalimutan na ikaw padin ang baby namin. Pero ung Callan na ba iyon anak, friends lang ba talaga?"
BINABASA MO ANG
Her Innocence
Ficción General"You love me?" I giggled. His breathe hitched for a second then he laugh. "To say I love you is an understatement, baby." His hands slipped into my skirt. "How about you, my baby? Do you love me?" He buried his face in my neck. Using my fingers, I...