Mabilis lang natapos ang dalawang klase ko. Kanina sinundo ulit ako ni Callan para ihatid sa room 13 naman para sa another na subject.
Maayos ang daloy ng pag-aaral ko nageenjoy ako lalo na mababait ang mga kaklase ko. Lahat sila nakakasundo ko. Naalala ko tuloy nung nagpakilala ako dahil utos yon ng prof namin na si Mrs. Santos.
Lahat sila nakatulala lang sa akin habang nagpapakilala ako.Hilig yata nila matulala. Mabilis lang ako nakipagkilala sa kanila dahil nahihiya rin ako. Nalaman ko din na magka kilala na ang mga classmate ko dahil nga huli ako nag enroll.
Isang semester na silang magkakilala pero ako ngayon lang. Hindi naman naging hadlang yon dahil nakikisama ako sa kanila at madali lang din. Nakakatuwa kahit na sobrang ingay nila. Halo-halo ang ginagawa nila. May mga naglalabas ng gitara tapos kakanta sila. Jamming daw tawag don gusto ko man makisabay kaya lang hindi ako familiar sa mga kinakanta nila kaya tagatingin lang nila ako at palakpak.
Meron din mga babaeng nag aayos, nagsusuklay at may mga nilalagay na mga kolorete. Lahat sila may ginagawa na nagreresulta ng ingay.
"Ayah. Si Callan andyan na."
Napatingin ako kay Shiena na seatmate ko bago mapatingin sa bintana at nakita ko nga ang tindig ng katawan ni Callan don.
Mabilis ko naman inayos ang mga gamit ko. Inilagay ko sa bag ang notebook ko kasabay nadin ng pencil case.
"Thank you Shiena." Pasasalamat ko ng makatayo ako sa upuan at nilagpasan siya.
Mabilis akong tumungo sa pinto at lumabas don. Mabilis naman ako nakita ni Callan.
"Let's go na." Mabilis kong sabi na kinatango niya lang.
"Ayiiiiiiehhhhh!"
Napatingin ako sa room namin ng ginawa ulit nila yon. Kanina nung sinundo din ako ni Callan gumanon din sila. Para saan ba yon.
Nakatingin lang sa amin ang mga classmate ko habang may mga ngiti sa mga labi nila. Kumaway nalang ako sa kanila at nagpaalam.
Hinihingal ako ng makarating kami ng cafeteria ni Callan dahil masyado mahaba ang biyas niya kumpara sakin kaya napagiiwanan ako. Hindi manlang binagalan ni Callan ang paglalakad niya kaya napanguso nalang ako.
Derederetsong pumasok si Callan sa cafeteria habang ako ay sumusunod lang. Mabilis akong umupo ng marating namin ang table.
"Hello!" Masigla kong bati kahit hinihingal.
"Sayo nalang. Don't worry nakasealed pa yan."
Mabilis ko naman inabot ang binibigay na tubig ni Sandra. Nagpasalamat muna ako bago uminom. Halos nakalahati ko ang bote ng tubig bago ko binababa.
"Ayah. Nabalitaan ko ang nangyari sayo noon. I'm sorry sana pala hindi nalang kita iniwan." Wika ni Lana.
"Nako okay lang. Ayos lang naman ako." Nakangiti kong sabi dito pero malungkot padin ang mukha ni Lana parang sinisisi nito ang sarili pero wala naman talaga siyang kasalanan don and besides tapos nadin naman yon.
"Basta sorry talaga hah! Lintek naman kasing Saxton nayan."
"Sino si Saxton? Ung green eye ba?" Kuryoso kong tanong. Yun ba ang pangalan ni green eye? Ang ganda naman lalaking lalaki ang datingan.
"Oo siya nga wala ng iba. Huwag ka na ulit magpapakita doon hah. Iwasan mo siya baka masaktan ka nanaman." Pambabala ni Lana na ipinagtaka ko.
"Pero bakit? Hindi naman na niya ko siguro uulitin yon and nag sorry nadin siya. Tapos nagpadala pa siya ng mga chocolate, fruits and chocolate." Pagsasabi ko sa kanila. Hindi naman silang makapaniwalang nakatingin sa akin. Para bang hindi totoo ang mga sinasabi ko o imposibleng mangyari ang mga sinasabi ko.

BINABASA MO ANG
Her Innocence
General Fiction"You love me?" I giggled. His breathe hitched for a second then he laugh. "To say I love you is an understatement, baby." His hands slipped into my skirt. "How about you, my baby? Do you love me?" He buried his face in my neck. Using my fingers, I...