Hindi ko alam kung paano kami nakaalis sa stadium pero ang alam ko ay umalis kaming nakatingin sa lupa ang mga tao.
Habang ako naman ay tulalang nagpapatangay kay Saxton. Kung gulat ang tao sa sinabi ni Saxton mas lalo naman siguro ako.
Hindi kailanman sumagi sa utak ko na magiging ganto ang buhay ko kapag pumasok na ako sa isang paaralan.
Napalingon ako kay Saxton na seryoso lamang ang tingin sa daan. Ako ay walang imik na pinagmamasdan siya. One thing I realize is that Saxton made my life changed. I don't know if thats a good thing or not.
Hinatid niya ako sa room ko na sobrang tahimik. "I'll pick you up later, okay?" He said then peck my lips. Hindi na nito hinintay ang sagot ko at basta nalang umalis.
Natapos ang klase ko na sobrang tahimik. Ang mga kaklase ko ay hindi manlang ako tinatapunan ng tingin ganun din ang mga prof ko.
Tuwing nagtataas ako ng kamay imbes na ako ang kabahan magsagot ay sila pa itong nanginginig.
At may isa akong napansin. Itinama nila ang sagot ko kahit mali naman. They asked me what is the difference between entrepreur and businessman. Sinagot ko naman nagpalakpakan pa nga sila.
At syempre masaya naman ako na tama ang sagot ko not until nakita ko sa libro kung anong tama.
Napabuntong hininga nalang ako at tahimik na nakinig sa prof. Hindi na rin ako sumubok na magtaas ng kamay para sumagot. Dahil mukhang natutuwa pa ang prof pag hindi ako sumasagot.
Mabuti nalang ay magaling parin sila magturo. They have added information and their teaching is precise and clear. Kaya siguradong hindi naman mahuhuli ang mga estudyante.
At sa paglakad ko papunta sa cafeteria ay para akong VIP dahil kusa silang nahahawi para bigyan ako ng daan at hindi nila ako mabangga.
Pagkapasok ko ng cafeteria ay deretso lang ako sa pila ng pagkain. Isang pesto at orange juice lang ang kinuha ko sabay lakad papunta sa mesa nila Lana.
"Hi!" Masaya kong bati sa kanila habang binababa ang snacks ko sabay upo. Nilibot ko ang tingin sa kanila at napansin ko na wala pala si Callan dito.
Nalungkot ako ng hindi nila ako sinagot at nakatingin lang sila sa akin. "Iiwasan niyo rin ako?" Tanong ko at nagsimula ng mang gilid ang luha ko ng tumayo silang tatlo. "Ayaw niyo na akong friend?"
Mabilis silang nagbalikan magsi upo ng tuluyan ng bumuhos ang luha ko. "Sorry Ayah. Natakot lang naman kami. Gusto namin ikaw syempre na kaibigan. Sinong aayaw sayo sobrang bait mo kaya!" Saad ni Lana habang hinahagod nito ang likod ko.
Lumapit din sakin si Sandra. "Friends tayo sorry for behaving that way." Sabi nito at ngumiti. Pinunasan pa nito ang mukha ko.
"Tahan na Mareng Ayah. Ayoko naman talagang gawen yon sayo kaya lang naaya lang ako ng dalawa. Sabi ko nga sagot mo naman kami at hindi mo kami papabayaan." Tumatawang sabi ni Niel habang tinitingnan naman siya ng masama ng dalawa.
"Try mong tumahimik nalang!" Sita ni Sandra bago binalik ang tingin sa akin. "Tahan na baka masampolan kami ng jowa mo sis."
Napanguso ako. "Masasampolan din siya sa akin."
Tumawa silang dalawa. "Magandang balita yan. I under mo Ayah." Sabi ni Lana.
"Gagi huwag niyong turuan," saad ni Niel. Nanpipigil siya pero nakangisi naman.
"Paanong iaunder?" Tanong ko habang inaayos ang sarili.
Ngumisi si Sandra. "Utusan mo. Pag hindi ka sinunod makipag break ka. Tapos huwag mo din papaalisin ng walang paalam. Tapos dapat ikaw ang masusunod."
BINABASA MO ANG
Her Innocence
Ficción General"You love me?" I giggled. His breathe hitched for a second then he laugh. "To say I love you is an understatement, baby." His hands slipped into my skirt. "How about you, my baby? Do you love me?" He buried his face in my neck. Using my fingers, I...