CHAPTER 12

9K 245 4
                                    

“Class dismissed,” the prof said and walked out. Kasabay nito ang pagtayuan ng iba.

One week passed. Sa loob ng isang lingo na iyon ay sa tingin ko nakapag adjust naman na ako ng konti. Sa tulong nadin nila Callan.

Maganda at masaya  magturo ang mga guro. Naeenjoy ko ang paraan ng pagtuturo nila hindi ko na kailangan basahin ang libro ng paulit-ulit para lang maintindihan ang isang paksa.

Sa araw-araw na pagpasok ko ay hindi din mawala ang mga pagbibigay ng mga flowers at chocolate ng mga kaklase kong lalaki.

Hindi ko naman alam bakit sila nagbibigay non pero tinatangap ko ito dahil sayang naman. Kaya lang napupuno na ang bahay namin ng bulaklak. Nauubusan na kami ng paglalagyan sa bahay.

I put my things in the bag and decided to go out.

“Bye Angel!”

Napatigil ako sa paglabas ng room dahil sa sigaw na iyon. Hindi ko alam kung bakit lahat ng kaklase ko yun ang tawag sa akin. When I asked them why, ang sagot lang nila ay bagay daw sa akin.

Lumingon ako dito. “Bye Carlo,” I said and waved at him.

Si Carlo ang pinakamadalas magbigay ng mga flowers sakin at mabait din ito sakin. Madalas ko siyang nakikitang nakatingin sa akin, nagtataka man kung bakit ay hinde ko na tinatanong. I’ll just smile at him. Doon na siya iiwas ng namumula.

Ang maingay na cafeteria ang sumalubong sa akin ng makapasok ako. I immediately looked in a specific table, hoping to see him there.

Wala padin.

Malungkot akong napangiti. Isang linggo na nung huli ko siyang makita. Hindi na siya nagpakita pagkatapos ng nangyari kila Tob.

Sila Tob ay nakicked out sa school pagkatapos din ng umagang iyon. Sinabi pala ni Callan yon sa head at mabilis naman inaksyunan ito.

Ngayon ko lang din nalaman na parte pala ng school government si Callan. His position is president. Nagulat ako don dahil kataka-taka na siya ang presidenta kahit na 1st year palang kami.

Mabuti nalang inexplain sakin ni Callan. Sa Winsor University siya nag-aral simula palang nung una. Matagal nadin itong sumasali lagi ng mga clubs at ng SG. He gain respect and popularity because of that aside from his good looks and rich background.

I jumped a little when I felt an arm around my shoulder. “Bakit nakahinto ka lang dito nagmumukha ka ng poste?”

Napatingin ako kay Callan pero bahagya din napaatras dahil ang lapit pala ng mukha niya sa akin.

“Ahh…a-ano ah...” Wala akong matinong masabi kaya yumuko nalang ako. Ayoko naman sabihin na may hinahanap ako.

Hinila ako ni Callan. “Gutom lang yan,” sabi nito habang hila-hila ako. We walked to our usual table, natanaw ko na nandon nadin ang iba.

Napatingin ako sa table nila Saxton ng malapit na kami ďon. Nakita ko ang kaibigan ni Saxton na nakatingin sa akin. Umiiling sa akin si Alex may ngisi pa ito sa labi. Sa tabi nito ay si Axel na nakatingin din sa akin.

Nagtataka ko naman silamg tiningnan. Segundo lang ay nalagpasan na din namin ang table nila. Hindi naman maalis sa isip ko ang paraan ng pagtitig nila para bang may kasamang balita ang hatid nito.

Callan make me seat in the chair. “Hello!” bati ko sa mga kasama.

Kumaway naman sa akin si Lana. “Kamusta ka? Pansin ko parang ilang araw ka ng nanlalata. May masakit ba sayo?” ipinatong pa nito ang kamay sa ibabaw ng noo ko.

“Hindi ka naman mainit.” Tinanggal nito ang ang kamay sa noo ko at nilipat naman sa bibig. “Nga-nga.” Utos nito. Sinunod ko siya kahit hindi ko alam kung para saan to.

Her InnocenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon