CHAPTER 9

9.2K 211 9
                                    

"Callan dito nalang ako. Padating na rin naman siguro ung susundo sa akin." Sabi ko kay Callan na nakatabi lang sa akin.

Kasama ko siya ngayon kase kanina itinour na niya ako sa university at masasabi ko ngang isa elite school at deserve nila ang binabayad namin. From their teaching to the surrounding.

Malawak ang university. Mayroon itong malaking oval na may measure 1 hectare and covered siya ng bermuda grass. May indoor pool din sila na malaki din ng sinubukan ko idip yung kamay ko warm ang tubig siguro para hindi magkasakit ang mga manlalaro.

Theater room, music room, dance studio. Halos lahat nandito na ang pinakagusto ko ay yung arcade room. Maraming mga games at mga stalls na pwedeng gawing libangan kaya lang hindi naman ako pumunta dito para maglaro, I came here to study.

Sa sobrang haba ng nilakad namin ni Callan ay grabe ang pagod ko. Nanakit na ang mga paa ko kaya inaalalayan din ako ni Callan ng papunta na dito sa parking. Gusto niya na ngang buhatin ako kaya lang tumanggi ako nakakahiya ang bigat ko tapos sigurado naman pagod din siya.

Sasamahan kami dapat nila Lana kanina para mas marami kami pag naglibot kaya lang tumangi si Callan at sabing kami nalang daw. Hindi nila pinansin ang sinabi ni Callan pero meron din pala silang klase kaya kami lang talaga natuloy.

Pagkatapos kasi namin mag break ay may klase padin naman ako at tapos nito ay 2 PM after that pwede na ako mag tour kase wala na akong klase non same as Callan.

"It's late already. Dapat may kasama ka baka anong mangyari sayo dito." Saad ni Callan na nakatingin sa akin.
Nakaupo lang kami dito sa bench ng parking lot.

"Okay salamat." Nakangiti kong sabi dito at nilingon nalang ang mga sasakyan sa harap. Hindi ko naman na narinig na umimik ito. Nakalipas pa ang ilang minuto ay wala pa din ang sundo ko.

Napatingin ako sa watch ko malapit ng mag 6. Napalingon ako sa tiyan ko ng tumunog. Narinig kong tumawa ng bahagya ang katabi ko. Napanguso ako at hinimas ng bahagya ang tiyan ko.

"Baka ako na kainin ng tiyan mo."

Nahihiya akong tumingin kay Callan. Nakita ko itong nakangiti sa akin labas ang mga pantay-pantay at mapuputing ngipin nito.

"Napagod ako sa tour mo ang haba ng nilakad natin. Tapos gabi na kaya masyadong ng tumutunog ang tiyan ko." Nakasimangot kong sabi at mas lalo akong napasimangot ng tawanan ako nito at ginulo ang buhok ko.

"Let's eat. I'll treat you."

"Thank you pero hindi pwede Callan. Parating na sundo ko remember. Titiisin ko muna yung gutom baka malapit na siya." Malungkot kong sabi. Napahimas ako sa tiyan ko ng tumunog ulit ito. Callan's offer sounds tempting kaya lang papauwi nadin naman ako.

I sighed.

"Call your driver. Tell him I'll just take you to a dinner."

Nilingon ko si Callan at binigyan siya ng malaking ngiti. Hindi niya naman ako nginitian. Seryoso lang siya sa aking nakangiti.

"Come on call your driver." Sabi ulit nito.

I pouted. "I told you, I don't have a phone." Ang sabi nila Mama ay sila ang susundo sa akin or kung hindi naman ay si Kuya Mario. Hindi nga lang sinabi nila Mama kung anong oras sila susundo pero baka nasa daan na sila at natraffic lang.

"Tsk. Ang yaman-yaman walang cellphone. Maghintay ka dito bibili kita ng pagkain. Stay here okay. Huwag kang aalis unless na nandito na ang sundo mo. Sumama ka tapos tawagan mo ako." Huminto mag salita si Callan at binuklat nito ang bag niya. Kumuha siya ng notebook at ballpen. May sinulat siya don pagkatapos ay pinilas ang papel. "This is my number. Call me pag dumating na ang sundo mo. Borrow their phone para hindi na ako mag-alala pag nakita kitang wala dito."

Her InnocenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon