Napahinto ako sa paglalakad ng may humarang sa daan ko. Isang grupo ng mga kalalakihan. Tatlo sila sa grupo at mas matangkad silang lahat sakin. Sa liit ko na to nagmimistula silang poste sa harap ko.
"Bago ka dito?" Tanong ng may guhit sa kilay.
Nahihiyang tumango ako. "I'm Ayah."
"Tob." Pakilala niya. "Sila naman mga kaibigan ko." Tinuro niya ang mga lalaki sa tabi niya. "Si Rico..." lalaki sa bandang kaliwa niya. "at si Mark" turo niya sa kanan.
Kumaway ako sa kanila at nginitian. "Sige, Tob. Mauna na ako hahanapin ko pa kase ung room ko. Nice meeting you." Yumuko pa ako ng konte at nagsimula na ulit maglakad.
Gusto ko pa sanang makipag kilala sa kanila para maging kaibigan ko sila pero kailangan ko ng mahanap ung room ko. Mahirap na dahil masyadong maluwag ang university. Sana makita ko si Lana or kahit si Callan.
"Ayah! Sandali!" Napahinto ulit ako ng marinig ang sigaw ni Tob. Lumingon ako sa kanya at nakitang kasunod niya din ang mga kaibigan niya.
"Uhm...bakit?" Tanong ko ng tuluyan silang makalapit sa akin. "Tulungan ka na naming maghanap ng room mo." Sagot ni Tob.
"Nako huwag na baka malate pa kayo dahil sakin." Sabi ko. Gusto ko sanang tanggapin ang alok niya kaya lang baka makaabala pako. Pwede naman ako magtanong tanong nalang ulit.
"Ayos lang. Pahiram muna ng schedule mo."
Nahihiya man pero kinuha ko padin sa bag ko ung schedule ko at binigay sa kanya. Kinuha naman nito at tiningnan. "Alam naming to saan. Sakto!" Sigaw ni Tob at binalik sa akin.
"Halika samahan ka na namin." Sabi nito at inakbayan ako na kinailang ko, pero hindi ko naman tinanggal kase sasamahan na nga nila ako.
Naglakad na kame kasama mga kaibigan niya. May mga tumitingin din samin na mga estudyante habang naglalakad.
Matagal pa kami naglakad. Sumakay pa kami ng elevator. Bumababa kami sa 4th floor. Napansin ko na konte lang estudyante dito.
"Tob, malayo pa ba?" Mahinang sabi ko. Kinakabahan ako pero inaalis ko lang kase nag mamagandang loob na sila. Ang bad ko naman kung pagisipan ko sila na masama.
"Relax ka lang, Ayah." Sagot ni Tob at ngumisi. Narinig ko pang nagtawanan yung dalawang kaibigan niya.
Tumuloy kame sa paglalakad habang ako ay tinitingnan ang paligid. Pinafamiliar ko ang sarili para kaya ko na mag isa sa susunod.
Nakarating kame sa isang pinto. Binuksan ito ni Tob at pumasok kami.
"Nasan ang mga tao?" Tanong ko ng makitang walang tao sa room.
Napapitlag ako ng maramdaman ko ang kamay ni Tob sa bewang ko na kanina lang ay nasa balikat ko.
"Maaga lang tayong dumating. Maglaro muna tayo. Siguradong mag eenjoy ka." Bulong nito sa tenga ko.
"A-Ayokong m-maglaro. Sa labas nalang tayo." Kinakabahan kong sabi. Dahan-dahan ko din inalis ang kamay niya sa bewang ko. Tumalikod ako kay Tob ng maalis ko ang hawak niya.
Agad akong tumungo sa pinto. May pagmamadali sa kilos ko dahil hindi parin ako ganon ka komportable kasama ang lalaki. Lalo na tatlo sila at kami lang ang nasa room. Sa hindi malamang dahilan natatakot ako sa kanila.
Napatingin ako sa dalawang kaibigan ni Tob ng sinarado nila ang pinto at hinarangan ako. Parehas silang umiling sa akin at ngumisi ng tilang may binabalak.
"Maglalaro tayo sa ayaw at sa gusto mo. Ikaw din naman masasarapan, huwag ka ng pakipot."
Napasigaw ako ng hinapit ako ni Tob papalapit sa kanya. Nagpumiglas ako sa hawak niya. "B-Bitawan mo ako p-please. A-ayoko p-please!"

BINABASA MO ANG
Her Innocence
General Fiction"You love me?" I giggled. His breathe hitched for a second then he laugh. "To say I love you is an understatement, baby." His hands slipped into my skirt. "How about you, my baby? Do you love me?" He buried his face in my neck. Using my fingers, I...