CHAPTER 1

17 0 0
                                    

"Lesia! Jusko! Nasaan na ba iyon? Lesia!" Si Lola Anding.

Nandito ako sa likod ng bahay. Tinatanaw ko ang kabuuan ng palayan nila.Gusto ko ang hangin nila dito lalo na kung napadampi ito sa aking katawan, napakasarap. Pero naputol iyon ng bigla akong tinawag ni Lola.

"Lola, nandito po ako sa likod."

"Ay jusko! Nandito ka lang pala. Nahirapan pa ako na maghanap sayo. Nakalimutan ko na dito ka pala tumatambay. Hays, matanda na talaga." Ani niya sabay tawa kaya napangiti ako.

"Ano ka ba Lola. Okay lang. At hindi ka naman po matanda na sobra pero parang ganon na nga." Sabi ko sabay tawa naming dalawa.

"O sya, dito ka lang ha. May bibilhin lang ako sa bayan. Bantayan mo ang ating bahay kasi alam mo na. Tapos kapag matutulog ka, isara mong mabuti ang pinto, mahirap na." Bilin ni Lola.

"Opo Lola. Ahm, kailan po kayo uuwi?"

"Mga gabi na siguro kasi may kukunin pa akong bayad tapos pupuntahan ko pa ang umutang sa atin ng palay. Basta mag-ingat ka dito ah."

"Sige po Lola, kayo rin po."

"Ah bago ko makalimutan, dadating dito ang apo ko pero bukas pa. Ipakikilala kita sa kaniya. Ang guwapo 'nun Lesia." Ngiting sabi ni Lola.

"Hay naku Lola." Tawa kong sabi.

"Sige, aalis na ako hah. Ang bilin ko."

"Opo Lola."

Umalis na si Lola habang ako, bumalik sa inupuan ko kanina para masdan ulit ang palayan. Ang sarap talaga titigan kasi dinadala ng hangin ang mga palay sa kaliwang direksiyon. Mag-iisang buwan na ako dito kay Lola. Hindi ko nga mawari kung paano ako napunta o napadpad dito. Basta ang alam ko lang, nagising na lang ako at si Lola Anding ang una kong nakita. Naalala ko pa noon nung kagigising ko lang.

Flashback:
Nagising ako sa sinag ng isang araw na tumama sa aking mata. Hindi ko pa maimulat ng tuluyan ang aking mga mata kasi masakit ang ulo ko. Kaya inunti-unti kong buksan para hindi mabigla. Nang makabangon ako, nakita ko ang kabuuan ng isang kwarto. Gawa sa kahoy ang bahay. Bumangon ako at pumunta sa de kahoy na pintuan at lumabas. Una kong nakita ang isang mahabang upuan na gawa rin sa kahoy. Sa kaliwa, may lamesa at upuan rin na gawa rin sa kahoy. Sa kanan may isang kwarto at pati na rin sa katabi kong kwarto. Pumunta ako sa may lamesa at pagdating ko doon, may mini kusina sila. Kompleto 'yung gamit nila kahit gawa sa kahoy. Mayroon din silang de uling na lutuan. Pagkatapos kong magtingin-tingin doon, bumalik ako. Wala sila masyadong litrato dito. At nang matapos na ako magtingin-tingin, umupo ako sa mahaba nilang upuan. Habang nagmumuni-muni, may biglang pumasok.

"Oh apo, gising kana pala. May masakit pa ba sayo?"

"Ah Lola, ulo na lang po ang masakit sa akin pero hindi na siya sobrang sakit."

"Ah okay, kumain ka na ba?" Tanong niya na ikinailing ko naman.

"Sige, halika, may dala ako ditong ulam at para magkalaman na rin ang sikmura mo."

"Sige po, salamat po." Sabi ko at pumunta na sa kanilang lamesa.

Nilagay na ni lola ang ulam sa isang mangkok at tinulungan ko na rin siya sa pag-ayos sa lamesa. Habang kumakain, hindi ko maiwasan na tanungin siya kung paano ako dito napunta.

"A-Ah Lola, p-paano po ako n-napunta dito?"

Bago niya ako sagutin, ngumiti siya sa akin na may kahulugan pero binalewala ko lang. Baka wala namang ibig sabihin 'yun.

"Nakita kita sa daan malapit dito na wala kang malay. Hindi ko nga alam apo kung ano nangyari sa iyo basta ang alam ko lang, tinulungan kita at para hindi ka mapahamak lalo, dinala kita dito. Ang ganda mo pa naman."

Sa daan? Anong ginagawa ko doon? Nawalan ng malay?

"A-Ah okay po. H-Hindi naman po ako maganda pero salamat po." Sabi ko na ikinangiti ni Lola.

"Apo, ano pala pangalan mo?" Tanong ni Lola na hindi ko alam kung paano ko sasagutin kasi hindi ko alam kung ano pangalan ko.

"Ahm, h-hindi ko po alam Lola."

"Ano? Hindi mo alam?"

"Opo Lola."

Tinimbang ni Lola ang mga tingin ko at nung hindi niya mahanap ang kasagutan sa aking mga mata, nagsalita siya.

"Sige, tatawagin na lang kitang Lesia. Pero kung ayaw mo 'nun, sige sasang-ayon ako sayo kung ano ang gusto mong pangalan."

"Okay naman iyon Lola. Sa katunayan po, magandang pangalan ang Lesia Lola." ani ko na ikinangiti niya pa lalo.

"Ako nga pala si Anding. Tawagin mo na lang akong Lola o Lola Anding."

"Okay po Lola."

Habang kumakain, hindi ko maiwasan na isipin ang tanong ni Lola kung ano nga talaga ang pangalan ko. Sino nga ba ako? Bakit hindi ko alam ang pangalan ko? Nakabalik na lang ako sa reyalidad nang biglang sumakit nang konti ang ulo ko kaya napahawak ako doon.

"Ayos ka lang apo?"

"Opo Lola pero masakit lang konti 'yung ulo ko pero kaya naman po."

"O siya pagkatapos natin ditong kumain, uminom ka agad ng gamot pampatanggal ng sakit sa ulo. At punta tayo sa likod ng bahay para makalanghap ka ng sariwang hangin."

"S-Sige po Lola."

Pinagpatuloy na namin ang pagkain at pagkatapos 'nun, nagpresinta ako na ako na lang ang manghugas ng pinggan at sumang-ayon naman si Lola.

"Sabihin mo lang apo kung tapos kana at sabay na tayo pupunta doon. Dito lang ako sa kabilang kwarto, tawagin mo lang ako."

"Sige po Lola."

Naghugas na ako ng pinggan at hindi naman ako natagalan kasi dalawa naman kami ni Lola kaya konti lang ang huhugasin.

"Lola, tapos na ho akong maghugas." Sabi ko sa may pinto.

"Sige apo, hintay ka muna diyan sa upuan."

"Sige po Lola."

Umupo na ako sa mahabang upuan at ilang minuto lumabas na si Lola.

"Tara na apo." sabi niya kaya napatango ako.

Lumabas kami sa main door nila at nakita ko ang labas ng bahay nila. Ang simple lang kasi sa kaliwa, ang mga halaman na sigurong inaalagaan ni Lola at sa kanan, isang puno na may upuan sa ilalim nito. Doon kami pumunta sa mga halaman ni Lola at napamangha ako kasi may parang daanan siya papunta sa likod. Pagkapunta namin sa likod, namangha pa ako lalo kasi ang ganda. Purong berde ang makikita mo dito. May puno rin dito na may mahabang upuan na gawa sa kahoy. Pwede ka ditong magpahinga. Sa tapat nito, makikita mo ang kabuuan ng palayan at sa malayo ay ang parang kagubatan.

"Lola, kanino po itong palayan?"

"Ah sa akin iyan apo. Pinamana sa akin ng aking mga magulang."

"Ang ganda po Lola."

"Salamat apo at pwede ka ditong mamahinga kung gusto mo."

"Sige po Lola at parang mapapadalas ako dito." Ani ko na ikinatawa naming dalawa.

Kaya mula noong napunta ako dito, dito na ako palaging tumatambay kasi alam kong masarap ang magiging pahinga ko. Nabanggit din sa akin ni Lola ang tungkol sa apo niyang lalaki 'nung isang araw. Nireto niya pa ako dito at ako hindi ko alam ang gagawin kundi ang mapailing na lang sinasabi niya. Minsan, hindi sapat sa akin na nakita lang ako sa daan at sa tuwing pinipilit ko na alahanin kung ano talaga ang nangyari sa akin, sumasakit na lang ang ulo ko bigla. Kaya para maiwasan ito, hindi ko na lang pinipilit para hindi na mapadalas ang sakit nito. Hays, ang sarap ng hangin dito, napakasariwa at malayo pa sa gulo.

Our Memories Under the SunsetWhere stories live. Discover now