CHAPTER 8

6 0 0
                                    

Nakwento na din ni Samuel sa Lola niya na mamasyal kami bukas. Kaya nung malaman 'nun ni Lola, marami siyang sinabi na lugar na pwede naming puntahan.

"Ay oo Samuel. Doon kaya kayo pumunta muna sa burol ng Talipapas? Maganda doon at sariwa ang hangin. Meron ding mga puno na masisilungan at pwede kayo doon mag picnic at magugustuhan iyon ni Lesia."  Ani ni Lola.

"Sige po Lola. Dadalhin ko po doon si Lesia habang hindi pa ako nakakabalik sa trabaho."

"Ay oo pala, para maging mas masaya ang inyong pamamasyal doon, dalhin mo 'yung casette ko. Tiyak maganda iyon kapag may musika kayong naririnig."

"Sige Lola, salamat po." Ngiting tugon ni Samuel sa kanyang Lola.

Kaya nung gabi 'nun, natulog ako ng maaga at ngayon, handa na ako sa aming pamamasyal. Habang naghihintay na makatapos si Samuel sa pagbibihis, nabigla ako sa isang boses ng isang babae.

"Lola? Samuel? Yohoo! Nandito po ba kayo?" Ani niya at biglang nagpakita si Lola na may ngiti sa labi.

"O Alice, ba't ka naparito apo?"

"Ah, kasi po Lola, n-nandito po ba si Samuel?" Tanong niya at tumingin sa akin.

"Oo apo, nandito siya. Mamasyal kasi sila ni Lesia sa may Talipapas."

Bago pa makasagot si Alice, lumabas na si Samuel.

"Lesia, handa-- o Alice narito ka pala." Ani ni Samuel sabay baling kay Alice.

"Ah oo Samuel."

Lumingon muna sa akin si Samuel bago magtanong kay Alice.

"Sama ka sa amin ni Lesia, Alice?"

"P-Pwede ba?"

"Oo naman."

"Sige."

"Lola, alis na po kami. Mag-ingat ka po dito Lola ah."

"Sige apo."

Nang lumabas na kami sa bahay, nakita namin si Limuel na may dalang kotse. Papunta siya dito sa amin at nang makarating dito, ngumiti siya.

"Magandang umaga Lesia." Ngiting sabi ni Limuel sa akin.

"Magandang umaga."

"Ahm, saan pala kayo pupunta Lesia?"

Bago pa ako makasagot, naunahan na ako ni Samuel.

"Pupunta kami sa Talipapas tol."

"Ah ganon ba? Pwedeng sumama?"

"Ahm, oo naman L-Limuel." Utal kong sabi kasi nahihiya ako sa kaniya.

"Samuel?"

"Ah o-oo."

"Salamat. Tamang-tama, may dala akong kotse."

Ng mapagdesisiyonan namin na umalis na, tinawag bigla ni Lola si Samuel.

"Samuel, yung casette pala." Si Lola kaya napabalik si Samuel kay Lola.

"Mgandang umaga ho Lola."

"Magandang umaga rin apo. O sya, kayo na bahala sa dalawang babae ah."

"Sige po Lola. Mauuna na po kami." Paalam ni Samuel at pumunta na sa kotse ni Limuel.

Ani ni Limuel, doon daw ako sa unahan at silang dalawa ay sila ni Samuel at Alice.

"By pair pala ito? Buti nandito si Alice."

Tumawa si Alice sa sinabi ni Limuel kaya napangiti din kami ni Samuel. Habang nasa daan, hindi ko maiwasan na ilibot yung mga mata ko sa labas ng kotse dahil sa tanawin kong nakikita. Makikita mo talaga ang kasaganaan sa kalikasan ang lugar na ito. Maraming puno at sariwa pa ang hangin.

Our Memories Under the SunsetWhere stories live. Discover now