CHAPTER 36

10 0 0
                                    

Bago pa siya makalayo sa akin, hinabol ko ito at ng malapit na ako sa kanya, hinawakan ko siya sa kamay at pinaharap sa akin. Problema nito?

"A-Anong ibig mong sabihin?" Taka kong tanong sa kanya.

"Wala, sige na. Alis na ako." Sabi niya at tumangkang kukunin niya sana ang kamay niya pero hinawakan ko ito ng mahigpit.

"Hindi kita maintindihan Sebastian. Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko ulit sa kanya pero hindi siya sumagot.

"Alam mo, hindi kita ma gets. Bakit ganito ka? Hindi kita... gad!" Inis kong sabi.

"I'm jealous. Okay?" Sabi niya na nagpatigil sa akin.

"Ano?"

"Basta iyon na 'yon." Sabi niya at tinake advantage niyang kunin ang kamay niya at mabilis na lumayo sa akin.

Nagseselos siya? Bakit? Oo siya si Samuel pero hindi niya ako naalala bilang Lesia pero paano... Aish! Ang gulo niya naman.

Naglakad na lang ako patungong resort at nadatnan ko si Lola na nasa bukana.

"Where have you been apo?"

"Ah, nag-cr po ako Lola. Sige po, mauuna na po ako sa room natin Lola, magpapahinga lang po."

"Okay."

Umalis na ako mula doon at hindi na ako naghapunan. Pinilit ako ni Lola pero nagdahilan ako na magpapahinga ako hanggang sa nag-umaga, doon lang ako kumain. Dito ako sa balkonahe kumain, ayaw kong magpakita sa kaniya. Hindi ko siya maintindihan.

"Apo, dito ka lang?"

"Yes po Lola."

"Okay. If you need anything, just call me."

"Okay Lola."

Umalis na si Lola. Bumalik ako sa pagkain ko at tinanaw na lang ang kabuuan ng resort na ito. Nagdesisiyon ako kagabi na hindi muna ako sasali sa laro nila at bukas na lang.

Buong araw lang akong nandito sa room. Hindi ako lumabas kahit pinapatawag ako ni Lola hanggang sa gumabi na naman.

"Apo, is there a problem?" Tanong niya sa akin habang nagsusuklay ako ng buhok.

"W-Wala naman po Lola." Sagot ko.

Hindi naman ako inusisa ni Lola sa sinabi ko. Hinayaan niya na lang ako hanggang sa pagtulog. Kinabukasan, hindi muna ako bumaba dahil plano ko, sa hapon na lang. Iisipin ko muna ngayon ang pinlano namin ni Erica, 'yung sinasabi niya na plan B. Dapat makabisita ako sa kanila pero paano? Hindi ko alam kung kailan iyon at gagawin ko ba talaga iyon.

Pagsapit ng hapon, lumabas na ako ng kwarto. Dinala ko lang ang summer hat at ang rayban ko. Siguro, mamasyal lang ako dito.

Habang naglalakad at tumitingin ng paninda sa bawat tindahan sa labas ng resort,marami ang bumabati sa akin kaya binati ko din sila. Nakikita ko na may binili sila kaya magtingin-tingin ako kung may magustuhan ba ako dito.

"Wow, ang ganda naman nito." Ani ko sa isang kwintas na may maliit na kabibe.

"Ay Hija, singkwenta lang iyan. Gusto mo?" Ngiting tanong sa akin ng nagtitinda.

"Gusto po pero hindi lang  po ngayon. Wala po akong dalang pera." Hiya kong sabi.

"Sayo na lang."

"H-Hah? Ah hindi na po Ale, malulugi po kayo."

"Pero gusto mo naman ito diba?"

"Okay lang po."

Nag-isip ako sa sinabi niya pero hindi eh, malulugi siya. Nagulat ako ng bahagya ng may tumabi sa akin na lalaki at binayaran ang hawak ko.

Our Memories Under the SunsetWhere stories live. Discover now