Nilingon naming dalawa kung sino ang nagsalita at lumaki bahagya ang aking mga mata. Si Sebastian.
"Ah ikaw pala iyan Sebastian." Sabi ng Martin pero hindi siya sinagot ni Samuel bagkus nakatingin lang siya sa aming kamay kung saan hawak pa rin ni Martin ang braso ko kaya dali-dali ko itong kinuha.
"Yes I am. Pwede bang makiupo diyan Miss Rafa?" Sabi sa akin ni Samuel.
"A-Ah oo." Sagot ko at umupo na siya.
Tinignan ko kung may bakante pang mga upuan sa paligid at mayroon pa pero bakit dito siya umupo?
"Ah sige Miss, alis na ako." Ngiting paalam niya sa akin at umalis na.
Nang makaalis na si Martin, umupo ako sa harapan niya. Maingat akong gumalaw kasi baka may masagi o may matapon na naman ako na pagkain.
"Kilala mo iyon?" Tanong niya habang kinakain ang kanyang blueberry cheesecake. Huli ko palang nakita na parehas kami ng inorder.
"Ah hindi."
"I see."
Kumain na kaming dalawa at walang may umimik sa amin. Minsan, naiilang akong kumain kasi wala akong naririnig na tunog kundi yung lagapak lang ng mga tinidor namin. Nang matapos sa pagkain, nagpahinga muna kami at nagpasya ako na mauuna na ako sa kanya.
"Uh, mauuna na ako sayo Sebastian." Ani ko sabay tayo.
"Sige." Sagot niya.
Umalis na ako mula doon at hindi ko mapaliwang ang nararamdaman ko. Alam mo 'yung feeling na gusto mo na lang magpakain sa kinatatayuan mo dahil sa pinipigilan mo lang gumawa ng mga bagay na hindi mo gusto mangyari? Gad!
Naghintay lang ako sa loob ng opisina ni Lola. Maya-maya, bumukas ang pinto at niluwa si Lola kasabay ang kaniyang sekretarya at si Erica na nakangiti.
"Hi Lola." Pauna kong bati sa kaniya.
"Hello apo. May natutunan ka ba mula kay Sebastian kanina?" Ngiting tanong niya sa akin.
"Opo Lola."
Tumango siya at pumunta na sa kaniyang mesa. Narinig ko na tumikhim sa gilid ko si Erica kaya nilingon ko siya.
"Enjoy ka kanina no?" Mapang-asar niyang tanong sa akin.
"Ewan?"
"What? I thought---." Putol niyang sabi ng bumukas ang pinto at nakita namin si Sebastian.
Bumati siya kay Erica at tumingin sa akin. Nakita iyon ni Erica kaya inaasar niya ako.
"Yiee, you enjoying nga." Ani niya sabay tawa kaya napalingon silang lahat kay Erica.
"Uh, I'm sorry." Hiya niyang sabi.
Dinala ko siya sa sofa at doon kami umupo. Nakita naming dalawa na kinakausap siya ni Lola. Minsan bumabaling siya sa akin kaya hindi daw mapigilan ni Erica na kiligin.
Ng matapos na sila sa pag-uusap, lumabas na siya at kasabay 'nun ang pagtawag kay Lola para sa meeting.
"Sorry ladies. I have a meeting so I couldn't accompany you now."
"It's okay lang po Lola." Sagot ko.
"And Rafa, baka sa bahay na tayo magkita."
"Okay Lola."
Nang makaalis na si Lola, kinalabit ako ni Erica.
"Let's go now."
"Hah? Where?"
"Duh! In our plan A!"
Akala ko nakalimutan niya na. Iyon pala, ipupush niya talaga. So ang plan A namin ay ang dalhan siya ng adobo kasi baka dito, maalala niya ako. Nakwento ko kasi sa kanya dati na pinagluto ko si Samuel ng adobo sa tulong ni Lola Anding kaya ayun. At ngayon ko lang napansin na may dala pala siyang paperbag na may laman na adobo.
"Heto na tayo. Ibigay mo sa kanya at ipatikim mo. And after that, you'll wait his reaction about of that dish. Then, question him if he remember anything about this dish. Do you get it?" Mahabang turo niya sa akin.
"Okay, I get it. Basta, kapag parang hindi gagana, puntahan mo ako."
"Okay."
Dinala ko ang paperbag na dinala niya kanina. Bago pa ako makalapit sa cubicle ni Samuel, nilingon ko ulit si Erica at ayun, may kinakausap na na babaeng empleyado. Hays.
"Sam este Sebastian, I get you an adobo. Hope you'll like it." Ani ko pero wala siyang sinagot kundi ang tumingin lang siya sa akin at sa dala ko. Hindi niya ba tatanggapin?
"Thank you." Sagot niya at kinuha na ang adobo. Nagsimula na din siyang gumawa ng paperworks.
Nang mapansin niya na hindi pa ako umaalis sa tabi niya, nilingon niya ako ulit.
"What?"
"H-Hindi mo titikman?"
"It's important?"
Wala akong maisagot sa kanya kaya tumango ako nang dahan-dahan. Matagal niya pa akong tinitigan bago siya huminga ng malalim at kinuha ang paperbag. Kinuha niya ang tinidor at binuksan ang isang tupperware kung saan may lamang adobo. Kumuha siya ng isa at tinikman ito. Hinintay ko ang magiging reaksyon niya. Pagkatapos, uminom na siya ng tubig at bumaling sa akin.
"Ayan na, tapos ko nang tikman. So you may go now."
"W-Wala ka bang may naalala?"
"A-Ano? What do you mean? Don't tell me--."
"Na?"
"Tungkol ba ito noong nakaraang araw?"
Kabado na ako sa tanong niya kaya nilingon ko si Erica at feeling ko alam niya na. Nilingon din ni Samuel kung saan ako tumitingin. Sabay naming tinignan si Erica na halos mag-iwas na ng mata at kinausap ang babae na hindi naman interesado sa kaniyang sinasabi. Iyan na nga sinasabi ko eh.
"H-Hindi. Sige, mauuna na ako. Bye!" Paalam kong sabi at dali-daling umalis.
Sinama ko na rin si Erica sa akin at sabay kaming tumakbo na para bang may naghahabol sa amin.
"O kamusta yung plano natin?" Paunang tanong niya sa akin habang nandito kami sa sasakyan niya at pauwi na ng bahay. Nauna na kaming umuwi at nag text na ako kay Lola. Pansin ko rin na mag-gagabi na.
"Sa palagay mo okay iyon?" Kaba kong tanong sa kanya.
"I don't think so."
"Erica, what I'm going to do? Nahalata niya tayo."
"I-I don't know. But I have another plan."
"A-Ano?"
"I have a plan B."
Hindi ko na kaya. Iyon palang, parang mamatay na ako, ano pa kaya yung plan B ni Erica.
"H-Hindi ko kaya." Sagot ko at halos mapakapit ako sa kinauupuan ko ng bigla niyang hininto ang kotse niya.
"What?"
"Nahihiya na ako Erica sa ginagawa ko."
Tinignan niya akong mabuti at huminga ng malalim.
"Rafa, I help you because I'm your best friend. Kaya I will help you as long as I can." Sabi niya.
Hindi agad ako nakasagot sa kaniya. Tama siya. Nandoon siya nung mga oras na kailangan ko siya pagkatapos kong gumising sa totoong kong mundo.
"And I'm doing this because I want you to see happy in the arms of your love ones so please, cooperate with our plans. It'll going to be successful. Alright?"
"O-Okay and thank you because you're always in my side."
Ngumiti siya sa akin at pinaandar na ang sasakyan. Ngayong araw, napagod ako sa ginawa namin. Sana nga Erica, sana nga maibalik na natin ang alaala niya sa pamamagitan ng mga ito.
YOU ARE READING
Our Memories Under the Sunset
Художественная прозаA girl who love the boy from her memories until she found out what really happened to her. Date Started: July 5, 2021 Date Completed: September 16, 2021