CHAPTER 35

7 0 0
                                    

Nagising ako sa marahang kalabit sa akin. Minulat ko muna ang aking mga mata at tinignan kung sino ito. Halos lumabas ako ng kotse ng makita ko siya na nasa harapan ko. Gad! Hindi pa ako nakapag-ayos at baka may napanis akong laway o may muta. Tinulak ko siya ng marahan at tumalikod. Narinig ko siyang tumatawa kaya nabuhay na naman ang inis ko sa kanya.

"Anong nakakatawa?" Tanong ko sa kanya habang nakatalikod pa rin ako.

"Anong ginagawa mo? Para kang takot makita 'yang mukha mo." Tawa niyang sabi.

"Cheh! P-Pwede ka ba munang lumabas?"

"Sige."

Lumabas nga siya pero tumatawa. Siraulo talaga iyon. Dali-dali kong kinuha ang salamin na dala ko at tinignan ang itsura ko. Laking pasasalamat ko na wala akong dumi sa mukha kaya lumabas na ako sa sasakyan at nakita ko si Samuel na naghihintay sa akin.

"Nasaan sila?"

"Nauna na sa loob." Sagot niya sabay turo sa isang napakagandang resort.

Tinignan ko lang ito at namangha dahil sa magandang pagkakagawa nito. Hindi ako makaalis sa kinatatayuan ko kasi nasobrahan ako sa pagtitig sa kabuuan nito.

"Tayo na?" Yaya niya sa akin at tumango lang ako.

Pumasok na kami sa loob at nakita ko na halos kami lang  ang nandito. Walang ibang tao kundi kami lang talaga. Ng makapasok sa bukana, hindi ko na masabi kung ano dapat ang gustong kong sabihin. Nawalan ako ng salita dahil sa kagandahan ng resort na ito. Nakita ko rin si Lola na kinakausap ang manager ng resort na ito.

"Maganda ba?" Tanong ni Samuel sa akin.

"Oo."

Ngumiti siya sa sagot ko. Hinayaan ko lang siya at nang masawa na sa pagtitingin-tingin, lumapit na ako kay Lola.

"Okay everyone, find your partner and every each room, there are 4 persons. Pagkatapos niyong magligpit ng gamit sa kwarto niyo, bumaba na kayo at kakain tayo. Is that clear?"

"Yes Madam." Sabay sabi nilang lahat.

Nagkahiwalay na ang iba sa amin. Ang iba, sumama sa mga kaibigan nila at ang iba, nag roam around muna sa resort na ito. Nakasunod lang ako kay Lola at doon kami sa napakalaking room sa may 4th floor tumuloy.

"Nagandahan ka ba dito apo?"

"Yes po Lola."

"Good."

"Ah Lola, bakit tayo-tayo lang po? Bakit walang ibang tao?"

"I reserved this." Ngiting sabi niya. "Let's go?"

Tumango ako sa sinabi niya at lumabas na.

Ng makarating kami sa dining area nila, nagulat ako na marami talaga kami. Nakikita ko ang iba na kumakain, nagtatawanan at iba ay nagpipicture. Umupo na ako sa upuan at kumain na ng mga pagkain na nakahain sa aming lamesa. Iniisip ko kung magkano ang ganito? Siguro malaking pera ang binayaran dito para mag enjoy lang kami.

Pagkatapos naming kumain, nag-anounce si Lola na bukas, mayroon kaming activities. At sa susunod na araw, ganun din. At ang dalawang araw naman ay gugulin namin sa pagmamasyal dito at para masulit namin ang resort. Pwede kaming maligo at pumunta sa kung saan saan basta malapit lang dito. Laking tuwa ng iba sa narinig nila kaya excited na talaga sila lalo na ang mga babae kasi magbibikini sila. Awkward akong ngumiti dahil hindi ko nagustuhan ang ideya na iyon. Hindi ko alam kung bagay ba sa akin ang binili namin kahapon.

"Goodnight Miss Rafa." Sabi sa akin ni Samuel. At kahit naiinis ako sa kanya, sinagot ko siya ng maayos.

"Good night din."

Our Memories Under the SunsetWhere stories live. Discover now