"Lesia, tara, kain tayo." Yaya ni Samuel sa akin ng lumabas ako ng kwarto.
Buti na lang at nakagawian ko ang pagtingin sa salamin kung may dumi ba ako sa mukha kaya hindi ako nababahala sa aking mukha ngayon.
"Sige, salamat." Ngiti kong sagot at inalalayan niya akong umupo sa upuan. Nakita iyon ni Lola kaya todo ngiti siya. Umupo na din si Samuel sa tabi ko at nagsimula na siyang kumain.
Habang kumakain, panay tingin sa amin si Lola o di kaya ay ngumingiti siyang mag-isa. Magnanakaw sana ako ng tingin kay Samuel pero nahuli ko siyang titig na titig sa akin kaya napaiwas agad ako ng mata.
Pagkatapos naming kumain, nagpahinga muna kami at nagboluntaryo si Samuel na siya na daw ang maghuhugas kaya tumango na lang ako.Habang nakaupo sa mahabang upuan, nakita ko si Lola na parang bihis na bihis kaya tinanong ko siya.
"Lola, may pupuntahan ba kayo?" Tanong ko kay Lola.
"Ah oo Lesia. May kukunin lang akong bayad sa bayan at magpapalengke na rin."
"Gusto niyo bang sumama ako Lola?" Tanong ko at sasagot na sana si Lola ng biglang nagsalita si Samuel.
"Lola, kami na lang po ni Lesia ang kukuha ng bayad at mamalengke." Ani niya.
"Okay lang apo, ako na."
"Sige na Lola at dapat nagpapahinga po kayo."
Wala ng magawa si Lola kaya pinaubaya niya na ito sa amin. Nagpaalam muna ako na maliligo at magbibihis ako habang si Samuel ay kausap si Lola kung sino ang kukunan namin ng bayad at ano ang mga dapat bibilhin. Ng matapos na ako, nagpaalam na kami kay Lola at lumabas na ng bahay.
Ng makarating sa labasan, pumara na si Samuel ng tricycle at sumakay na kami. Buti at hindi naman maingay ang sinsakyan namin kumpara noong sumakay kami ng tricycle. Pagdating namin sa bayan, inuna muna namin ang sinasabi ni Lola ng kukunan ng bayad tapos pumunta sa market.
"Uy bes, si Samuel iyan diba? Ang gwapo niya no?" Ani ng isang cashier kaya binalingan ko siya. Nag-uusap silang dalawa ng kasama niya tungkol kay Samuel.
Binalingan ko rin si Samuel at totoo naman na gwapo siya. Nakita ako ni Samuel na tinitignan ko siya kaya tumigil siya at nagtanong sa akin.
"May problema ba?"
"H-Hah? Wala. Sige kuha na tayo ng mga bibilhin natin." Ani ko at nauna na. Aish! Nahuli pa akong tumitingin sa kanya. Hindi naman ako titingin kung hindi sinabi ng cashier no.
Habang namimili, tinitignan kaming dalawa. Wala namang iba sa amin bukod na si Samuel ang nagtutulak ng kart at ako, binabasa ang bibilhin. Pagkatapos naming kumuha lahat ng binili namin, binayaran na namin ito at lumbas na. Tutulong sana ako sa kanya sa pagdala pero sabi niya, siya lang daw kaya hindi ko na pinilit at baka magkasagutan pa kami dito.
Sasakay na kami sana ng tricycle nang nakita ko si Carlo kaya tinawag ko siya.
"Carlo!" Tawag ko sa bata at lumingon siya sa akin. Malaking ngiti ang binigay niya sa akin at niyakap ako.
"Ate! Namiss po kita!"
"Ako din." Ani ko at muntik ko ng makalimutan na nasa tabi ko si Samuel kaya pinakilala ko ito sa kanya.
"Samuel, siya si Carlo. At Carlo, siya si kuya Samuel." Pakilala ko sa kanila.
"Nobyo ka ba ng crush ko kuya?" Tanong niya kay Samuel kaya napatawa siya.
"Bakit? Anong gagawin mo kung oo?" Ani niya na ikinagulat ko bigla. Pakiramdam ko, pinamulahan ako ngayon ng mukha.
"Liligawan ko pa rin siya." Cute na sabi ni Carlo sa kaniya.
YOU ARE READING
Our Memories Under the Sunset
General FictionA girl who love the boy from her memories until she found out what really happened to her. Date Started: July 5, 2021 Date Completed: September 16, 2021