CHAPTER 22

5 0 0
                                    

"Rafa, are you okay? If you need anything tell me so that I will provide it." Si Lola.

Kanina, laking gulat niya na tinawag ko siya. Nagulat din ako na lumabas siya at pagpasok niya may kasama siyang nurse at doktor. Chineck nila ako kung may problema ba ako.

"Ma'am, she's feeling well now. It's a miracle and it's a good sign that she's recovering. I hope it will continue. " Ngiting ani ng doktor kay Lola.

"Thank you Doc."

Pagkaalis ng doktor, lumapit sa akin si Lola na lumuluha. Inabot ko ang kanyang mukha at pinunasan gamit mga hintuturo ko kaya mas lalo pa siyang naiyak.

"I'm so happy apo that you're recovering now."

"W-Wala po iyon Lola." Sagot ko at mas lumaki ang kanyang ngiti.

Mag-iisang buwan na kami dito sa ospital at kahapon, kinausap ng doktor si Lola na pwede na kaming makauwi. Tuwang-tuwa si Lola sa sinabi ng doktor kaya ngayon, nag-iimpake ang mga kasambahay daw namin para sa pag-uwi namin.

"Are you excited to go home Rafa?"

"Yes po Lola."

Marunong na ako ngayon sa mga lenggwahe nila dahil lagi ko silang naririnig na nagsasalita nito kaya nakuha ko na rin ito at isa pa, pakiramdam ko, magaling ako sa lenggwaheng ito.

"Maria, pakitulungan naman si Rafa sa pagtransfer sa kanyang wheelchair."

"Opo Madam."

Inalalayan na ako ng aming kasambahay na si Tita Maria sa pag-upo sa wheelchair. Pagkatapos mag-impake, lumabas na kami sa kwartong iyon at  nakasalubong din namin ang doktor na palaging nagchecheck-up sa akin.

"Goodbye Rafa."

"Goodbye rin po Doc."

Nagpaalam din si Lola sa kaniya at lumabas na kami ng ospital. Pagkalabas, ramdam ko agad ang init na dumampi sa aking katawan. May bigla ding humintong itim na van sa aming harapan at may lumabas na dalawang lalaki. Kinuha nila ang mga gamit namin at inalalayan akong pumasok sa kotse.

Ng makapasok na kaming lahat, umalis na kami mula doon. Habang nasa biyahe, kinakausap ako ni Lola at sumasagot naman ako. Minsan, chinecheck niya ako kung maayos na ba ako o may masakit pa ba sa akin.

"Is anything hurt?" Tanong ni Lola sa akin.

"No po Lola." Sagot ko at tumango lang siya sa akin.

Tumingin ako sa labas ng bintana at ibang-iba talaga. Noon, nakikita ko lang ay puro mga puno pero ngayon, may mga kabahayan na, mga establisyemento at mga buildings.

Ilang saglit lang, nakarating na din kami sa isang malaking bahay. Ng huminto na ang van, nagsilabasan na ang mga kasambahay at si Lola, inalalayan at pati din ako pero nilagay ulit ako sa wheelchair.

"Good afternoon Madam, Miss Rafa." Sabay na sabi ng mga kasambahay sa amin.

"Good afternoon. By the way, naayos niyo na ba ang mga gamit niya at ang kwarto niya?"

"Yes po Madam."

"Okay."

Bumaling sa akin si Lola at ngumiti.

"Tayo na." Ani niya at pumasok na kami sa loob.

Manghang-mangha ako sa nakikita ko. Hindi lang itong simpleng bahay kasi base sa nakikita ko, mayaman talaga ang nakatira dito. Mayroong mga mamahaling vase, mga upuan at lamesa. Pinilig ko ang ulo ko sa kanan at nakikita ko ang malaking mesa at madaming upuan. May mamahaling ilaw din ito sa ibabaw nito. Ng tumingin ako sa kaliwa, nakikita ko ang mamahaling sofa. Ibang-iba talaga. Sa harap namin ay ang malaking hagdan at ang hawakan nito ay gawa sa marmol.

Umakyat na kami agad sa hagdan at huminto sa isang puting pinto. Binuksan ito ni Lola at lumaki bahagya ang mata ko sa nakikita ko.

"This is your room Rafa."

"Kwarto ko po?"

"Yes."

"Ang ganda." Ani ko at tumawa lang si Lola sa sinabi ko.

Pumasok kami sa loob ng kwarto at hindi ako makapaniwala na sa akin talaga ito. Nilagay ako sa isang malambot na kama. Tinignan ko ang kwarto ko at ang linis talaga. May maliit na mesa sa gilid ng kama ko at sa ibabaw nito ay may litrato ako at isang lamp shade. Sa paanan ng aking kama, may mahabang upuan. Ipinilig ko rin ang ulo ko sa kanan at nakikita ko na puno ng mga libro ang isang lalagyan. May nakita din akong isang pinto at siguro, C.R ito at napatanong ako kay Lola kung ano ang isang pintuang iyon na malapit sa C.R.

"Lola, ano po ang nasa loob ng pintong iyon?"

"That is your closet."

"Ah...okay po."

"Uhm Rafa, iiwan muna kita dito ah. May pupuntahan lang ako. And if you need anything, tumawag ka lang dito." Ani niya sabay abot sa akin ng isang cellphone.

"Okay po Lola. Mag-ingat po kayo."

"Thank you."

Ng lumabas na si Lola, sinuyod ko ng tingin ang kabuuan ng kwartong ito. Ibang-iba talaga dito sa nakasanayan kong buhay kina Lola Anding at...Samuel. Tungkol pala doon, kamusta na kaya sila? Maayos pa ba? Nandito kaya sila? Sa sobrang pag-iisip sa kanila, nakatulog na lang ako.

"Miss Rafa. Miss Rafa." Tawag ng isang tinig sa akin kaya minulat ko ang mga mata ko. Nakita ko ang  aming kasambahay kaya napabangon ako.

"Yes po?"

"Kakain ka na daw sabi ng Lola mo."

"Nandito na si Lola?"

"Ah wala pa po Miss pero tumawag siya na kumain ka na daw po kasi baka gabihin po siya Miss." Ani niya.

"Sige po."

Inalalayan niya akong umupo sa wheelchair at pumanhik na kami pababa. Ng makaupo na sa mesa, nabigla ako na maraming pagkain ang nakahain.

"Ahm, kain po kayo dito."

"Ah hindi na po Miss."

"Bakit? Maraming pagkain po at hindi ko ito mauubos."

"Okay lang po Miss. Basta kumain na lang po kayo." Ani niya kaya tumango na lang ako kesa pilitin sila.

Kumain ako ng kumain at masasabi ko na masarap ito pero mas masarap pa ring magluto si Lola Anding. Pagkatapos kong kumain, pumunta ako sa kusina at maghuhugas sana ng pigilan ako ng isang kasambahay.

"Ah kami na po Miss."

"Hah? Bakit?"

"Kami po ang gumagawa iyan Miss."

"Talaga?"

"Opo Miss."

Hindi ko na alam kung anong gagawin kasi sa tuwing gagawa ako ng gawaing bahay, pinipigilan ako. Hays, nabuburyo na ako kahit manood lang ng tv.

Isang araw, naparito si Erica. Binibisita niya ako hanggang sa palagi na siya ditong pumupunta. Minsan, tinuturuan niya akong magsalita ng English kasi hindi daw siya sanay na nagsasalita ako ng purong Tagalog. Kaya heto, nandito kami sa likod nitong bahay at nung una, sabik akong maligo dito sa kanilang pool pero sabi ni Lola hinay-hinay lang daw kasi baka magkasakit ulit ako.

"Ahm, Erica, do you know my real name, isn't it?"

"Yes. Why?"

"Bakit Rafa ang tawag niyo sa akin ni Lola?"

"Duh, it's not your real name pero nickname mo ito Rafa. Your real name is Raflesia."

Raflesia... Raflesia? Bakit pamilyar? Saan ko nga ba ito narinig?

"Ah okay."

"By the way, who is this Samuel?" Tanong niya na ikinabaling ko agad sa kaniya. Paano niya nalaman tungkol kay Samuel? Hindi ko nga ito kinukwento kay Lola pero si Erica... Wait, kilala niya ba ito?

"H-How did you know that?"

"I heard it once when you're sleeping and you talking to someone. Sorry for that but who is this? Is he live here? Where is he? And last, is he handsome?" Mga tanong niya sa akin at napailing na lang ako sa huli niyang tanong.

Our Memories Under the SunsetWhere stories live. Discover now