"O, bakit ngayon lang kayo?" Bungad na tanong sa amin ni Lola kasama ang mga bodyguard ko.
Nakiusap ako kanina sa mga bodyguard ko na huwag nilang banggitin ang nagyari kanina sa paghabol ko sa isang tao. Tumango lang sila kaya laking tuwa ko kasi akala ko sasabihin nila tungkol doon.
"Pasensya na po Lola, napasarap lang po sa pamamasyal." Ani ko.
"Is that so? Okay. Let's go now to the dining room." Ani niya kaya sumunod ako sa kanya papunta doon.
Kumain na kaming dalawa at habang kumakain, kinuwento sa akin ni Lola kung paano daw naging "successful" ang kaniyang kompanya. Dagdag pa ni Lola, sipag at tiyaga talaga ang mga sekreto para maabot mo ang iyong gustong abutin at kung ito daw ang palagi mong gamit, hindi mahirap sayo ang pag-abot ng iyong pangarap.
"You know Rafa, I have a new employee and I think magkakasundo kayo."
"Bakit naman po Lola na magkakasundo kami?"
"I just feel it and I like him as my one of my employee."
"Talaga po?"
"Yes and I want him to know more." Ani niya at ngumiti na para bang may ginawa na mabuti ang bago niyang employee.
Pagkatapos naming kumain, nagpaalam na kami ni Lola sa isa't-isa. Pero bago muna ako pumunta sa aking kwarto, pinuntahan ko muna ang dalawa kong bodyguard.
"Uhm, salamat po sa inyong dalawa kasi hindi niyo po sinabi kay Lola."
"Wala po iyon Miss."
"Sige po, mauuna na po ako." Paalam ko sa kanila.
"Sige po Miss."
Kinaumagahan, sinama ako ni Lola sa kaniyang kompanya. Laking gulat ko nga na isasama niya ako.
"Lola, kailangan po ba na sasama po ako sa inyo?" Tanong ko habang nasa loob ng kotse papuntang kompanya.
"Yes naman apo. Why?"
"W-Wala po."
Tumingin na lang ako sa labas at pinagmasdan ang mga taong naglalakad. Habang papunta doon, kinakabahan ako. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan basta iyon lang ang nararamdaman ko sa araw na iyon. Ng makarating na, lumabas na kami ng kotse. Madami ang bumati sa amin kaya binati din namin ni Lola pabalik.
"Madam, Sebastian is in your office now. He's waiting for you about 5 minutes." Sabi ng sekretarya ni Lola. Tumingin siya sa akin at ngumiti kaya ngumiti din ako pabalik.
"Oh-oh, I'm late. Okay, thank you Luisa."
"You're welcome Madam."
Sumakay kami sa elevator patungong 15th floor. Tahimik lang kami sa loob at wala ni isa sa amin ang kumibo. Ng makarating na sa tamang palapag, lumabas na kami at sumunod kay Lola. Habang papunta doon, mas nadagdagan pa lalo ang kaba ko. Kaya napahawak ako sa dibidib na siyang napansin ni Lola kaya huminto siya at tinanong ako.
"Are you alright Rafa?"
"Y-Yes po Lola."
"Are you sure?"
"Yes po." Ani ko at nag-aalangang tumango siya sa akin pero sa huli, nakumbinsi ko din siya.
Binuksan na ni Lola ang pinto at pumasok na kami. Una kong nakita ang nakatalikod na lalaki kaya hindi ko makita ang kanyang mukha.
"Good morning Sebastian. I'm sorry I'm late." Ani ni Lola kay Sebastian daw.
Lumingon sa amin ang lalaki at bumati kay Lola.
"Magandang umaga rin po Madam. Okay lang po at hindi naman ako naghintay ng matagal." Ngiti niyang sabi kay Lola.
Natigilan ako ngayon dahil sa boses niya. Ni hindi ako makakilos sa kinatatayuan ko. Siya nga! Pero bakit iba ang pangalan niya? Bakit hindi Samuel?
Nakabalik lang ako sa reyalidad ng tawagin ako ni Lola."Rafa."
"Y-Yes po Lola?"
"Please introduce yourself to him." Ani n Lola at tumango ako.
Lumapit ako sa kanya at nagpakilala.
"Hi, my name is Lesia este Rafa." Sadya kong sabi sa Lesia kasi baka naalala niya ako.
"Hi my name is Sebastian." Ngiti niyang sabi.
Nawindang ako sa sagot niya. Hindi niya ba ako naalala? Samuel, anong nangyari...
Tinawag ako ng sekretarya ni Lola na umupo muna kaya umupo ako. Habang nag-uusap sila ni Lola, hindi ko maiwasan na titigan si Samuel ay este si Sebastian. Ganon pa rin ang kanyang ugali pero ang nag-iba ay yung pananamit niya at pananalita niya. Wala namang nagbago sa itsura niya bukod sa may mga balbas siya na hindi naman sobrang mahaba. Sa madaling salita, mas lalo siyang gumwapo dahil doon. Busy ako sa pagtitig sa kanya ng kalabitin ako ng sekretarya ni Lola.
"Crush mo no?"
"Hah? Hindi ah!"
"Weh? Pero makatitig parang malulusaw?"
"H-Hindi ah."
Tumawa lang siya ng mahina sa sinabi ko. Pagkatapos niya akong tanungin, binalik ko ang tingin ko kay Samuel. Hindi ako sanay na Sebastian ang itawag sa kaniya kasi parang hindi bagay sa kanya.
Napansin ko na tapos na silang mag-usap kaya inutusan ni Lola ang kanyang sekretarya na ihatid niya si Samuel sa pinto. Ng lumabas siya, nagpaalam ako kaagad kay Lola na lalabas muna ako saglit.
"Where are you going?"
"Basta po Lola, babalik po ako agad." Ani ko at tumakbo na palabas. Narinig ko pa si Lola na may sinabi siya sa akin pero huli na kasi nakalabas na ako.
Ng makalabas, hindi ko na nakita si Samuel kaya hinanap ko siya. Pinagtatanong ko rin kung nakita ba nila siya pero ang iba, hindi daw nakita. Nakarating na lang ako sa fire exit ng nakita ko siya na pababa.
"Samuel! Samuel!" Tawag ko pero hindi siya lumingon.
"Sebastian!" Tawag ko ulit at doon na siya lumingon sa akin.
Hinabol ko siya hanggang sa nakalapit na ako sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. Nabigla siya sa ginawa ko kaya nilayo niya ako konti.
"S-Samuel, bakit ngayon ka lang? Bakit mo ako iniwan?" Maluha-luha kong sabi sa kanya.
"Wait Miss. I'm not Samuel. I'm Sebastian."
At doon ko napagtanto na iba na talaga siya pero siya pa rin si Samuel eh.
"Huwag kang magbiro ng ganyan Samuel. Alam kong binibiro mo ako."
"Wait, Miss hindi kita binibiro at isa pa hindi kita kilala at bago lang kita nakita." Ani niya at humakbang siya paatras para umalis. Pero bago pa siya makaalis, hinawakan ko ang kanyang braso at pinaharap ko siya sa akin.
"Nasaan si Lola Anding? Sila ni Limuel at Alice? Nasaan sila? Pwede ba natin silang puntahan? Please Samuel." Iyak kong sabi.
Lumalabo na ang mga paningin ko dahil sa mga luha pero hindi ko kayang makita na mawala siya ulit sa akin. Tinignan niya ako sa mata at sa kamay ko na nakahawak sa braso niya. Inunti-unti niyang kinuha ito at tumingin sa akin na para bang naiinis na.
"Miss, hindi po ako si Samuel. Look, I respect you because you're the granddaughter of my boss. At isa pa, hindi ko kilala ang sinasabi mo." Ani niya at umalis na kaagad.
Nanghihina ako. Nanghihina dahil sa sinabi niya. Paano nagkaganon na magkasama kami noon. Ni hindi niya nga ako kayang saktan pero ngayon, hindi ko alam kung siya nga si Samuel kasi nag-iba na siya. Hindi niya ba ako naalala? Ang puso niya? Hindi ba ako naalala ng puso niya? Kasi siya, naalala ko kahit iniwan niya ako na nag-iisa.
YOU ARE READING
Our Memories Under the Sunset
General FictionA girl who love the boy from her memories until she found out what really happened to her. Date Started: July 5, 2021 Date Completed: September 16, 2021