CHAPTER 2

19 0 0
                                    

Nandito ako ngayon sa kwarto ko. Wala masyadong gamit dito bukod sa iilang damit na pwede kong suotin. Napatitig na lang ako sa kawalan at ng may narinig ako na may kumatok, naputol iyon. Dali-dali akong lumabas sa kwartong iyon at binuksan ang pinto.

"Magandang gabi Lola." Ani ko sabay kuha sa pinamili niya.

"Magandang gabi rin apo. Kamusta ka dito?"

"Okay naman po."

"Mabuti. O sya, papasok muna ako sa kwarto para makapagbihis."

"Sige po Lola at ako po ay mag-aayos po sa ating hapunan."

"Sige apo."

Pagkatapos 'nun, nag-ayos na ako ng lamesa at nilagay na ang pinamili ni Lola at ang magiging hapunan namin. Sanay na ako na may palaging dala si Lola na ulam kasi aaminin ko, hindi ako marunong magluto. Pero marunong akong magsaing at maglaba. Kaya habang nag-aayos, napaisip ako na humingi kaya ako ng pabor kay Lola na magpaturo sa kanya na magluto.

"Lola." Ani ko sa kalagitnaan ng aming hapunan.

"Ano iyon apo?"

"P-Pwede po ba akong magpaturo kung paano magluto? Kung hindi po, ayos lang po."

Imbis na sagutin niya ako, tumawa siya kaya nabigla ako.

"Ano ka ba apo, okay lang. Sige tuturuan kita bukas at malay mo, magiging kayo ng apo ko at ipagluluto mo siya."

"Ikaw Lola hah." Ani ko kaya napatawa pa siya lalo. Napakasiyahin talaga ni Lola.

Pagkatapos ng tagpong iyon, nagligpit at hinugasan ko na ang kinainan namin. Pinagpahinga ko na rin si Lola kasi alam ko, pagod din siya. Pagkatapos kong maghugas, naglinis na ako ng aking katawan at humiga na sa kama. Maya-maya, hinila na ako ng aking antok at natulog na.

Kinaumagahan, dali-dali akong bumangon at nag-ayos kasi excited na ako na turuan ni Lola sa pagluluto. Pagkatapos kong maligo, may nakita akong bestida na may mga bulaklak sa aparador. Kaya kinuha ko ito at sinuot at sinuswerte ka naman, naging kasya ito sa akin. Inayos ko rin ang aking buhok at hindi ko alam kung ano nangyayari sakin pero isa lang ang alam ko, ang ayusin ang sarili ko. Pagkatapos, tumingin ako sa lumang salamin at nakita ko na iba ang hitsura ko sa nakasanayan ko.

"Aba Lesia, ang ganda mo. Saan ka pupunta? Diba tuturuan pa kita magluto?" Si Lola.

"Ah wala naman akong pupuntahan Lola. Sa katunayan po, excited po ako na tuturuan niyo po akong magluto." Ngiti kong sabi.

"Sige at tamang-tama kasi dadating dito ang apo ko. Kaya mapapahanga siya agad sayo kasi ang ganda mo." Ngiting tawa niya kaya napatawa na lang ako.

Ang una niyang itinuro sa akin ay ang adobong manok. Hindi ko alam kung kailan si Lola nagpunta sa bayan pero baka kanina. Una, sinabi niya muna kung ano ang dapat na maging sangkap sa paggawa at inalalayan niya din akong magluto.

"Sige apo, lagyan mo na ng rekado at sili. Pagkatapos niyan, hayaan mong kumulo at titikman natin ang niluto mo." Ani ni Lola kaya tumango ako.

Maya-maya, binuksan na ni Lola at sa amoy pa lang parang masarap na.

"Hmm, hindi na masama apo. Isang luto na lang, maiinlove na 'yung apo ko sayo." Tawang sabi ni Lola kaya napailing na lang ako.

"Sya, kain na tayo at baka mamaya pa dadating 'yung apo ko."

"Sige Lola." Ani ko sabay ayos ng lamesa para sa agahan namin.

Habang kumakain, hindi talaga mawala sa usapan namin ang apo niyang lalaki. Nakatira daw ito sa karatig probinsya at doon daw nagtatrabaho. Ang sabi niya pa, matalino at gwapo daw iyon kaya  ako tudo tango na lang ang gawa ko. Maya-maya, may biglang kumatok sa pintuan. Sabi ko kay Lola ako na pero sabi niya, siya na lang daw.

"Oh apo, nandito ka. Kumain kana ba?"

"Hindi pa po Lola. Dumiretso po ako dito pagkatapos ng trabaho ko." Sabi ng isang lalaki.

"Ganoon ba? Sige, sabay ka sa amin."

Naramdaman ko na lang na may papunta na sa likod ko. Hindi ko makita ang lalaki kasi nakatalikod akong kumakain. Maya-maya, nakita ko na si Lola sa gilid ko at ang apo na lalaki ni Lola. Nang tumingin ako sa kanya, medyo nagulat siya. Napansin ito ni Lola kaya gumawa siya ng paraan para hindi kami mailang.

"Ah apo si Lesia pala." Sabi niya sa apo niya kaya tumango lang ako.

"Lesia si Samuel pala, yung sinasabi ko sayong apo kong lalaki." Pakilala ni Lola sa akin.

"N-Nice to meet you Lesia." Ani niya sabay lahad sa akin ng kamay kaya tinanggap ko rin.

"N-Nice to meet you too Samuel."

Hindi pa nabibitawan ni Samuel 'yung kamay ko at ramdam ni Lola 'yung pagkailang ko kaya bigla siyang nagsalita.

"Okay, okay tama na iyan. Kumain na tayo at para magkalaman ang ating mga tiyan."

At pagkasabi niya 'nun, doon niya lang nabitawan ang kamay ko. Habang kumaikain, panay titig si Samuel sa akin kaya napapaiwas agad ako ng tingin sa tuwing magtatama 'yung mga mata namin.

Kukunin ko na sana ang pitsel para uminom ng tubig nang maaksidente kami napahawak sa isa't-isa. Kaya dali-dali kong kinuha ang aking kamay at siya na ang pinauna kong pinakuha.

"I-Ikaw na lang mauna S-Samuel."

"Hindi na, ikaw na muna."

"Ikaw na lang."

"Ladies first."

"Ako na lang mga apo." Tawang sabi ni Lola kaya napatigil kami.

Pagkatapos ni Lola, kinuha agad ni Samuel at nilagyan 'yung baso ko kaya nagpasalamat agad ako sa kanya.

"S-Salamat." Ani ko at tumango lang siya.

"Ako na manghuhugas Lola, Lesia para makapangpahinga na kayo."

"Okay lang ba sa iyo Lesia?"

"Opo Lola, walang problema sa akin."

Pagkatingin ko kay Samuel, dali-dali siyang nag-iwas tingin. Pagkatapos naming kumain, si Samuel na ang gumawa ng lahat kaya pupunta na lang ako sa lagi kong tinatambayan.

"Lola, doon muna ako sa palagi kong tinatambayan. Kung hahanapin niyo po ako, doon lang po ako Lola." Paalam ko kay Lola.

"Sige apo."

Bago ako lumabas, nagkatinginan pa kami ni Samuel. Pakiramdam ko, namula 'yung pisngi ko. Ano iyon? Kaya dali-dali akong lumabas at pumunta na sa likod. Pagkaupo ko sa upuan, naramdaman ko agad ang hangin na dumadampi sa aking balat. Ang sarap sa pakiramdam. Tinignan ko rin ang palayan at nasisiyahan ako sa tuwing dinadala ito ng hangin. Para itong sumasayaw sa gitna ng hangin. Habang pinagmamasadan ko ito nabigla ako dahil may biglang nagsalita sa gilid ko.

"Narito ka lang pala Lesia."

Our Memories Under the SunsetWhere stories live. Discover now