CHAPTER 13

6 0 0
                                    

Kung napamangha ako sa labas pa lang ng bahay na ito, mas lalo pa akong namangha sa loob nito. Maganda at moderno ang pagkakagawa ng bahay. Mayroon din silang mga antigong bagay na naka display. Sa gitna, makikita mo ang napakalaking hagdan kung saan may mga kwarto siguro sa itaas. Sa kanan, makikita mo ang magarang sala at sa gilid nito ay may piano. Lumingon ako sa kaliwa, at nakita ko ang kanilang magarang mga upuan at lamesa kung saan siguro sila kumakain. Bawat sulok ng bahay ay masasabi mo na mayaman nga ang nakatira dito.

"Alice!" Tawag ng isang magandang babae kay Alice.

Pinagmasdan ko ang babae at parehas sila ni Alice kung paano manamit. Nang makalapit na ang babae sa amin, tinignan niya ang nasa gilid ko at nginitian. At nang tumingin na siya sa akin, napa-arko ang kaniyang kilay at tinignan ako mula ulo hanggang paa.

"Bea, I just want you to meet my friends." Ani niya sa babae.

"He is Limuel and she's Lesia." Pakilala niya sa amin.

Naglahad si Limuel ng kanyang kamay at nagpakilala din ang babae.

"Hi my name is Beatrix. You can call me Bea." Ani niya at ngumiti kay Limuel. Nung bumaling siya sa akin, ngumiti siya kaya ngumiti rin ako. Pero, may kakaiba sa ngiti niya, parang plastik.

Bago pa ako makasagot, nag-aya na si Alice na pumunta kami sa sala. Pagdating namin doon, pinaupo niya kami at katabi ko si Limuel at sa harapan namin si Bea. Nagpaalam din sila na magbibihis muna sila at nagtaka ako kung bakit hindi ko makita si Lola. Magtatanong na sana ako ng biglang bumaba si Samuel at tumungo sa amin. Nagkatinginan kami pero ako ang unang umiwas.

"Lim, saan si Lola?" Bulong kong tanong kay Limuel.

"Hindi ko alam Lesia eh." Bulong din sa akin ni Limuel pabalik. Bago pa ako makalayo, nakita ko si Samuel na nakatingin sa  banda namin at nakakunot naman ang noo kaya tumikhim siya at napatingin sa kanya si Limuel.

"Tol, saan si Lola?" Tanong niya kay Samuel.

"Nasa kay Daddy ni Alice, nag-uusap sila." Ani niya.

"Sam, where's Alice?" Tanong ni Bea sa kaniya.

"Nasa taas pa siguro." Ani ni Samuel.

"Oh I see."

Ilang minuto, bumaba na din si Alice na nakasuot ng isang damit na hapit sa kanyang katawan. Kasabay ng pagbaba niya ang pagdating ng meryenda. Tumabi siya agad kay Samuel at hinarap kami.

"Hope you guys you will enjoy here in our house." Ngiting sabi niya sa amin.

Niyaya niya rin kaming kumain at kumain naman kami. Minsan, hindi ako makakapag-concentrate dahil minamasdan ako ni Samuel.

"Heto oh." Si Limuel sabay bigay sa akin ng juice.

Hindi ko alam kung bakit sila natahimik at huli kong napagtanto na tumitingin sila sa amin.

"You guys are seems very close and look good together." Ani ni Bea sabay ngiti sa amin. "Right Alice, Sam?"

Um-oo agad si Alice pero si Samuel, hindi siya sumagot. Problema nito. Nang makita ko ang kanyang kamay, nanlaki bahagya ang mata ko kasi nakikita ko na parang nakakuyom ang kamao niya.

"Lim, usap tayo sa labas." Ani ni Samuel sa kanya at tumango din si Limuel sa kanya.

"Labas muna kami Lesia." Paalam sa akin ni Limuel at bago sila makalabas, binalingan ulit ako ni Samuel at umalis na.

Hindi ko alam kung bakit ako nakaramdam ng kaba ng maiwan ako dito sa kanilang dalawa. Nasaan na ba si Lola? Mas pipiliin ko pang doon sa kanya.

"So, do you have a boyfriend Lesia?" Arteng tanong ni Bea sa akin.

"W-Wala." Utal kong sagot. Bakit ako nauutal?

"Why are you stuttering?" Tanong niya ulit at sinuway siya ni Alice.

"Lesia, you and Limuel are very close. And I see the way Limuel look at you like he likes you." Si Alice.

"A-Ano? Hindi naman siguro ganyan Alice."

"We don't think so. And before I forgot, distance yourself to Samuel." Ngiti niyang sabi.

"Yes, you distance yourself girl because someday, Alice and Samuel will be together." Ani niya bago makapasok ang dalawang lalaki.

Bakit sa dalawang lalaki ay mabait sila pero pag sa akin, parang mga suplada. Bakit kaya? Nakaramdam lang ako ng may tumabi sa akin ng biglang may umupo. Nakita ko rin si Lola na bumababa sa hagdan na nakangiti sa amin. Sinalubong din ni Samuel si Lola at nagpaalam na si Lola na mauna na daw kami.

"Bye apo." Paalam ni Lola sa kanya.

"Bye din po Lola, Lim, Lesia." Paalam niya sa amin at tumango lang kami.

Ng na sa byahe na, hindi ko malimutan ang sinabi ni Alice at Bea sa akin. Bakit ko ilalayo ang sarili ko mula kay Samuel? At magiging sila daw ni Samuel? Sa sobrang pag-iisip, nakatulugan ko ito. Nagising lang ako ng may naramdaman akong may kumalabit sa akin.

"Lesia, gising na." Ani ni Limuel na nakangiti sa akin.

Napaayos ako ng upo at tinignan ang likod pero wala doon si Lola. Huli ko palang napagtanto na nasa harapan na kami ng bahay at baka nasa loob na si Lola. Nakita ko rin na maggagabi na.

"Kailan lang tayo dumating?"

"Kanina pa."

"Hah? Sana ginising mo ko. Nakakahiya naman." Ani ko at tumawa lang siya.

Lumabas na din kami ng kotse niya at nagpaalam siya sa akin na mauuna na daw siya.

"Sige, mag-ingat ka ah." Sabi ko.

"Sige, para sayo." Biro niyang sabi bago pumasok sa kanyang kotse.

Sa gabing iyon, hindi ako masyadong makatulog dahil sa sinabi nilang dalawa sa akin. At kanina, bakit ganun si Samuel? Pakiramdam ko ayaw niya kay Limuel? Eh magkaibigan naman sila. Argh! Ayaw ko na itong problemahin at baka bumalik lang ang sakit sa ulo ko.

Nasa kalagitnaan na ako ng aking pagtulog ng may mahinang tumapik sa aking balikat. Minulat ko ang mga mata ko at nagulat ng bahagya na nakita ko si Samuel na nakangiti na nasa harapan ko mismo.

"A-Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya.

"Gusto lang kitang bisitahin."

"Bakit?"

"Na miss kita."

"Hah?"

"Layuan mo si Limuel."

Pagkasabi niya 'nun, tinignan ko siya ng mataman. Bakit ko lalayuan si Limuel?

"Bakit?"

"Ayaw ko siya sayo."

Bago pa ako makasagot, may tumapik ulit sa akin at nakita ko si Lola na nag-aalala.

"La? Bakit---?"

"Ayos ka lang? Binisita kita dito at nakita kita na parang may kinakausap ka habang natutulog Lesia."

Parang nagkabuhol-buhol ang isip ko sa sinabi ni Lola. Ano? Nagsasalita ako habang tulog? Kausap ko lang si Samuel ah. Huwag mong sabihin na... panaginip lang pala iyon. Akala ko nandito siya.

"A-Ah, hehe wala lang po iyon Lola."

"Sige pero pag may kakaiba kang naramdaman o may napansin, sabihin mo sa akin hah, kasi nag-aalala ako sayo." Ani niya at tumango lang ako sa kaniya.

Lumabas na si Lola sa kwarto ko at naiwan akong tulala. Bakit? Argh! Iyan nga ang sinasabi ko. Iba na ito eh. Parang nahuhulog na ako sa kanya kahit hindi kami magkasama palagi. May ganun ba iyon? Argh! At isa pa, na miss niya daw ako? Totoo ba iyon? Kasi kong totoo, mayroon sa akin na parang sumigla. Ano ba ito? Mas lumalala pa ito. Bago pa ako mabaliw sa kakaisip, nagsimula na akong kumilos para sa araw na iyon bago pa iyon mangyari.

Our Memories Under the SunsetWhere stories live. Discover now