"Lesia, nasaan si Lola?" Iyan ang pambungad na tanong sa akin ni Samuel.
Nadito ako ngayon sa lamesa para iligpit ang pinamili ni Lola. Pero, bumalik siya ulit ng bayan kasi may nakalimutan siyang bilhin at dadaan na lang daw siya sa kanyang kumare.
"Ah si Lola? Bumalik siya ng bayan Samuel." Ani ko at tumango lang siya.
Kumuha siya ng upuan at umupo sa gilid ko. Habang tumatagal, naiilang ako kasi naman, ramdam ko na nakatitig siya sa akin kaya nilingon ko siya.
"Ano?" Tanong ko na nahuli ko siyang nakatingin sa akin.
"H-Hah?"
"Sabi ko bakit ka n-nakatingin sa a-akin?"
"A-Ako? Nakatingin? Psh! Hindi naman. Ang feeling mo." Ani niya.
Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Anong sabi niya? Feeling ko raw? Aba!
"Ako? Feeling? Nakita kaya kita na n-nakatingin ka sa akin."
Nagulat ako ng napahalakhak siya sa sinabi ko. Abnormal ba ito?
"Hindi ako nakatingin sayo. Nakatingin ako sa mga pinamili ni Lola."
"Talaga? Eh bakit nahuli kita na--"
"Hindi ikaw yung t-tinitignan ko Lesia ah. Kung titingin ako sayo, w-wala namang ibig sabihin 'yon." Ani niya sabay pamumula ng kanyang tenga.
"Huli na nga, gagawa pa ng palusot." Bulong ko sa sarili ko.
"Ako? Nagpapalusot?"
"Sinabi ko ba?"
"Oo kaya! Dinig ko nga na--"
"Oh bago pa kayo mag-away diyan, tulungan niyo muna ako."
Nagulat kami sa pintuan at niluwa ito si Lola. Nadinig niya pala ito kaya nahiya ako bigla. Tumawa lang si Lola sa amin at dali-daling kinuha ni Samuel ang dala ni Lola at nagmano na siya at ako din ay nagmano.
"Ah Samuel, nandito si Limuel." Ani ni Lola at nagpakita ang isang ka edad namin na lalaki.
"O tol andito ka." Si Samuel sabay lapit sa kaibigan niya.
"Ah oo." Ani ni Limuel sabay tingin sa akin.
"Halika, pasok ka."
"Sige."
Bago pa makapasok si Limuel, sumunod na ako kay Lola sa kusina. Narinig ko ang mga yapak nila papunta sa amin. At nang makarating na sila, nilagay ni Samuel ang pinamili ni Lola kaya 'yung niligpit ko ay dali-dali kong nilagay sa lalagyan para hindi masikip sa lamesa. Naramdaman ko rin ang titig ni Limuel sa akin.
"Lesia, ipagtimpla mo sila ng juice." Bulong ni Lola sa akin kaya tumango ako.
Nagtimpla na ako ng juice at napangisi ako sa iniisip ko. Lagyan ko kaya ito ng sili? Tiyak, magsisis siya kung bakit niya ako inaaway. Pero napaisip ako na hindi na, kasi nandyan si Limuel kaya sa susunod na lang.
Pagkatapos kung itimpla, nilagay ko na ito sa lamesa. Nadaanan rin ng tingin ko na lumingon sa akin si Limuel.
"Samuel ipakilala mo naman ako sa kanya." Si Limuel.
"Ah oo, sige. Lesia, si Limuel pala, kaibigan ko. Limuel, si Lesia, kasama namin ni Lola."
Nagulat ako ng biglang tumayo si Limuel at nilahad niya ang kamay niya sa akin kaya tinanggap ko ito. Hindi pa mag-iisang minuto ng tumikhim si Samuel kaya napabitaw kaming dalawa agad.
"Nice to meet you Lesia. Hindi ko alam na may kasama pala sila ni Samuel at Lola Anding ng isang magandang binibini." Ngiting ani ni Limuel kaya napangiti ako.
YOU ARE READING
Our Memories Under the Sunset
General FictionA girl who love the boy from her memories until she found out what really happened to her. Date Started: July 5, 2021 Date Completed: September 16, 2021