CHAPTER 40

2 0 0
                                    

Minsan sa buhay, hindi natin malalaman kung ano ang mangyayari sa buhay natin lalo na ang buhay pag-ibig. Naniniwala kasi ako na kapag nakita mo na siya at pinatibok ang puso mo, siya na talaga. Pero ano ang gagawin mo kapag nakalimutan ka ng taong mahal mo?
Hahayaan mo na lang ba o ipilit mo ang sarili mo sa kanya.

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa oras na iyon. Parang tumigil ang mundo ko nang marinig ko ang pangalan ko. Kasabay ng pagtibok ng puso ko ang pagragasa ng mga luha ko. Ni hindi ako makakilos o makalapit sa kanya.

"Lesia." Sabi niya sabay tayo at humakbang papalapit sa akin.

Patuloy lang ako sa pag-iyak kahit naalala niya na ako. Hindi ako sumagot bagkus, tinignan ko lang siya na lumapit sa akin. Nang makalapit na siya, kinuha niya ang mga kamay ko at hinawakan.

"Lesia, bumalik na ako. Tinupad ko---."

Hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita dahil niyakap ko na siya ng mahigpit. Yung tipo na hindi na siya makawala. Heto yun eh. Yung Samuel na minahal ko noon hanggang ngayon. Ramdam ko na siya nga ito.

"Samuel..." Iyak kong sabi.

Hinaplos niya lang ang aking likod na tanda ng pag-aalo niya sa akin.

"Shhh, Lesia... Nandito na ako, hindi na kita iiwan ulit." Sabi niya sa akin.

Ng makabawi na ako mula sa pag-iyak, kumalas ako sa pagkakayakap at humarap sa kaniya. Ngumiti siya sa akin at nakikita ko rin sa mukha niya kung paano niya ako namiss.

"S-Samuel, bakit ang tagal mo? Alam mo ba kung gaano ako nangulila sayo?" Reklamo ko sa kanya. Imbis na magpaliwanag siya sa akin, tumawa lang siya. Siya na nga talaga ito.

"Sorry, natagalan ako pero pangako, hindi na kita iiwan. Pasesnya nga pala nung nasa treehouse tayo. Iniwan kita." Malungkot niyang sabi. Kaya kinuha ko ang kaniyang mukha at pinaharap ulit sa akin.

"Aaminin ko, nasaktan ako sa pag-iwan mo sa akin. Hindi ko kasi alam ang dahilan mo eh, kung bakit mo ko iniwan. Parang, parang gusto kong magpakamatay sa araw na iyon." Sabi ko at hinawakan niya agad ang mukha ko at nakita ko ang mata niya na nagsisimula ng magluha.

"Alam mo ba kung ano ang ginawa ko nung matapos mo kong iniwan sa treehouse na iyon? Bumalik ako sa bahay na nagbabasakali na nandoon ka pero mas dumagdag lang pala ang sakit kasi pati si Lola Anding, ay wala na doon. Parang pinagsakluban ako ng langit at lupa Samuel. Pero ang mas nagpadagdag pa ng sakit sa akin ay ang magising ako sa totoo kong mundo na hindi alam kung totoo ka ba o hindi." Iyak kong sabi sa kanya.

"Nabuhayan lang siguro ako ng loob nang makita kita pero... hindi mo na ako naalala. Ang sakit Samuel.. ang sakit lang. Iniisip ko ba kung doon ka lang nag-eexist pero hindi eh. Nakikita kita kahit iba yung pangalan mo. H-Hindi ko ito sinasabi para sumbatan ka. S-Sinasabi ko ito para malaman mo na naghintay ako sayo Samuel. Kahit walang kasigaraduhan, hinintay kita kasi alam kong babalik ka."

"I'm sorry Lesia. Sorry kung iniwan kita. Alam kong hindi sapat ito para maibsan ang nararamdaman mo ngayon pero humihingi ako ng tawad sa lahat ng ginawa ko sayo."

"Okay na iyon Samuel. Ngayon na nadito kana, hindi na ako mag-iisa."

"Hindi na talaga Lesia. Kasi sasamahan na kita hanggang sa pagtanda."

Pagkatapos niyang sabihin iyon, niyakap ko siya ulit. Wala na akong mahihiling pa kasi nandito na siya, bumalik na siya sa akin.

Pagkatapos ng tagpong iyon, bumalik na kami sa loob ng bahay nila. Nagulat ako ng salubungin ako ni Lola Anding at humingi din ng tawad sa pag-iwan sa akin pero sabi ko, okay lang iyon. Atleast bumalik na sila ngayon sa akin.

"Pasensya na talaga apo. Hindi ko--."

"Okay na po iyon Lola. Alam ko po na may dahilan kung bakit iyon nangyayari." Ngiti kong sabi sa kanya at napangiti din siya.

Nilingon ko ang driver ko at nagtataka siya sa ikinikilos naming tatlo. Kaya napailing na lang ako. Ang saya ngayon ng araw ko. Gabi na pala at sabi ni Lola, dito muna kami ng driver ko na matulog sa kanila kasi baka mapano kami sa daan kaya nag-excuse muna ako para tawagan ang Lola ko.

"Lola, pasensya na kung hindi kami makakauwi ngayon." Pauna kong sabi sa kanya.

"It's okay apo. Do you enjoy there?"

Sobrang saya Lola. Iyan sana sasabihin ko pero baka magtaka siya na bakit ako masaya ngayon.

"Yes po Lola."

"Very good. Uhm, bring them tomorrow in our house."

"Bakit po Lola?"

"Nothing? I just want to meet the grandmother of Sebastian, Rafa."

"Okay po Lola. Sasabihin ko po sa kanila."

"Okay, goodnight Rafa."

"Goodnight din po Lola."

Ng gabing din iyon, sinabi ko sa kanila na pupunta kami sa bahay bukas. Nung una, parang ayaw pa ni Lola kasi nahihiya daw siya pero pinilit ko at sa huli, um-oo siya. Ganun din si Samuel. Sinabi ko rin sa kanya na ang nakasanayan tawagin ng Lola ko sa kanya ay Sebastian at nagulat ako na naalala niya ang ginagawa niya araw-araw habang unti-unti niyang binabalik ang kanyang alala. Kaya pala nung una, may nararamdaman na akong may naalala na siya kaya pala, sa oras na iyon, bumbalik na ang alaala niya.

Bago matulog, kinamusta ko muna ang driver ko at okay lang daw siya na sa mahabang upuan lang siya matutulog. Sanay na daw siya pero binigyan pa rin ni Lola ang driver ko ng malambot na kuston para hindi sumakit ang likod niya.

"Samuel, okay lang sa akin na sa kay Lola na ako matutulog." Sabi ko sa kanya dahil gusto niya akong matulog sa kwarto niya. Eh saan siya matutulog?

"Doon ka na lang sa kwarto ko Lesia."

"Ikaw?"

"Dito na ako sa baba." Turo niya sa isa pang mahabang upuan.

"Paano nagkaroon niyan?" Tanong ko kasi sa pagkakaalam ko, isa lang ang nakita kong mahabang upuan mula nung dumating kami dito pero ngayon, dalawa na.

"Basta."

"Sure ka?"

"Oo. Bakit, gusto mo kong makatabi?" Mapang-asar niyang tanong sa akin.

"Che!"

Natawa na lang siya sa reaksyon ko kaya pinagbigyan ko na lang ang gusto niya.

"Goodnight Lesia."

"Goodnight din Samuel."

Akala ko aalis na siya pero hindi pa. Nakatayo lang siya sa harapan ko at parang may sasabihin.

"May sasabihin ka pa ba?"

Hindi siya sumagot bagkus, hinalikan niya ako sa labi at madali lang iyon. Nagulat ako sa ginawa niya. Pagkatapos, umalis na siya agad na walang nangyari.

Bakit niya ako hinalikan? Hinawakan ko ang labi ko at parang ramdam ko pa ang halik niya sa akin. Pumasok ako sa loob ng kwarto niya at humiga na. Para akong nasa ulap at para din akong teenager na kinikilig sa ginawa niya kanina. Matagal pa akong nakatingin sa kawalan bago ako hinila ng antok. At ang araw na iyon ang hindi ko makakalimutan.

Our Memories Under the SunsetWhere stories live. Discover now