Bago siya lumapit sa amin, ngumiti siya muna. Hinanap ko kung may kasama ba siya sa likod pero wala, siya lang mag-isa.
"S-Samuel..." Iyan na lang ang tanging sagot ko bago siya makalapit.
"Tol." Ngiting ani ni Limuel na nasa gilid ko.
"Lesia, Tol. Bakit pala kayo nandito?" Tanong niya sabay baling sa aming dalawa.
"Bawal ba?" Birong sabi ni Limuel kaya sinapak siya ni Samuel kaya napatawa ako sa kanilang dalawa.
"T-Tatlo kami narito S-Samuel."
"Sino ang isa?"
"Si---."
"Apo!"
Bumaling kami kung sino ang tumawag sa kanya at iyon si Lola. Ngiting-ngiti si Lola habang papunta kay Samuel at niyakap ng mahigpit. Sabagay, namimiss niya talaga ito at namimiss ko rin siya. Ano? Namiss? Ano ba ang sinasabi ko.
"Aray Lola baka hindi na ako makahinga." Tawang sabi niya kaya napabitaw si Lola agad.
"Namiss kita apo."
"Ako rin Lola." Ani niya at bumaling agad sa akin.
"Ikaw Lesia, namiss mo ako no?""Ano? Ikaw? M-Mamimiss ko? Asa!" Ani ko at tumawa lang silang tatlo sa akin.
"Anong ginagawa mo pala dito Samuel?" Si Limuel.
"Sinamahan ko lang si Alice na mamili dito."
Alice na naman. Sabagay, nagtatrabaho sa kanila si Samuel kaya hindi maiwasan na magkasama sila minsan o palagi. Bakit, bakit may iba akong nararamdaman?
"Saan siya apo?"
"Ayon po oh." Sabay turo niya kay Alice na bumibili ng prutas sa isang nagtitinda. Nakita rin kami ni Alice dahil lumingon siya sa banda namin. Ng matapos na siya sa pagbili, pumunta siya sa amin at napabaling agad ako kay Samuel dahil pumunta siya sa kaniya at kinuha ang mga pinamili niya.
Nakita ko rin na magtama ang mga kamay nilang dalawa. Parang may tumutusok sa dibdib ko. Hindi ko alam kung ano nangyayari sa akin. Nakabalik lang ako ng biglang nagsalita si Alice sa harap namin.
"Hi Lola, Limuel at.... L-Lesia." Bati niya sa amin.
Bumati rin si Lola at Limuel sa kanya at ako ay nakangiting tumango sa kanya. Pero nabawi lang iyon ng hindi niya ako tinignan. Parang ayaw niya akong tapunan ng tingin o ngitian man lang.
"Ano pala ang ginagawa niyo dito Lola?" Tanong niya.
"May bibilhin lang kami apo." Saad ni Lola at tumango lang siya.
May sasabihin pa sana siya ng biglang mag ring ang cellphone niya kaya nag excuse muna siya at sinagot ito.
"Okay lang po kayo sa bahay Lola?" Tanong ni Samuel habang sa akin siya nakatingin.
"Oo naman apo."
May itatanong pa sana siya ng biglang sumulpot si Alice at nagsalita.
"Samuel, sabi ni Daddy uuwi na daw tayo."
"Ngayon na ba?" Tanong niya at tumango lang si Alice.
"Ah sige."
Muling bumaling sa amin si Samuel at nagpaalam na.
"Pano ba yan Lola, mauna na po kami." Paalam niya.
"Sige, sige apo. Mag-ingat kayo ah. Pupunta lang kami doon pag may oras apo."
"Sige Lola. Tol, Lesia, mauna na kami." Ani niya at tumango lang kami.
Habang tinitignan silang pumapalayo sa amin, parang may iba akong naramdaman. Parang masakit? Parang ayaw ko siyang makita na lumalayo sa akin. A-Ano ba itong sinasabi ko?
YOU ARE READING
Our Memories Under the Sunset
Ficción GeneralA girl who love the boy from her memories until she found out what really happened to her. Date Started: July 5, 2021 Date Completed: September 16, 2021