Nandito ako ngayon sa mesa, nakaupo at nakatulala. Nakatulala ng dahil sa kagabi. Hindi ko alam kung bakit ko ulit napanaginipan ang mga nangyari na sa tingin ko ay may kinalaman sa akin.
"Lesia, ayos ka lang?" Tanong ni Lola sa akin dahil baka napansin niya ang pagkatulala ko.
"O-Opo Lola. Ayos lang po ako." Alanganin kong ngiti kay Lola.
Nakita ko rin na tumango siya at nagpatuloy sa pag-inom ng isang native na kape habang nagbabasa ng dyaryo. Hindi ko malimutan ang panaginip ko kagabi. Alam kong may parte sa akin na gusto kong malaman ang totoong nangyari sa akin pero hindi ko alam kung saan ako mag-uumpisa. Kaya inalala ko ngayon ang panaginip ko.
"Erica where are you?" Ani ng isang babae na hindi ko makita ang mukha. Siguro, mayaman ito kasi english yung lengguwahe niya.
"Duh, I'm at school. Why?" Ani din ng isang babae.
"Can you pick me here? You know, my car is in the house."
"What? Call manang or... your driver to get you a car! Not me!"
"Yes, yes and then Lola will find out."
"Okay, okay. Wait me there. Text me where you are."
Pagkatapos ng tagpong iyon, nakita ko na may kotseng dumating at lumabas ang isang babae na hindi rin klaro ang kanyang itsura. Pagkatapos 'nun, sumakay na silang dalawa at nagulat ako ng naglaho ang lugar at napalitan iyon ng isang malaking bahay.
Nakita ko rin ang sasakyan kung saan nakasakay ang babae kanina at nakita ko sa may hagdanan na may naghihintay sa kanila. Tinignan kong mabuti pero hindi ko talaga makita ang itsura."Why are you late?" Anang ng isang babae na hindi ko sigurado kong matanda na ba ito pero bakas sa boses niya na may edad nga ito.
"Uhm, I'm sorry Lola. This will never going to happen again Lola."
"Are you sure?"
"Y-Yes Lola."
Pagkasabi ng isang babae, umalis na papasok ang may edad na. Nagpaalam na rin ang dalawa sa isa't-isa. Magpapatuloy pa sana ng bigla akong nagising dahil naramdaman kong maiihi na ako. Tumayo ako at tinignan kong anong oras na. Alas kwatro na ng umaga kaya pumunta ako sa banyo. Pagkatapos kong umihi, pinilit kong matulog ulit at nagbabasakali na mabalikan ko ulit ang napanaginipan ko pero hindi na. Kaya ngayon, parang timang ako dahil lang doon.
"Lesia, maghanda ka."
Pagkasabi 'nun ni Lola, nataranta at nagulat ako. At bigla na namang sumakit ang ulo ko kaya napahawak ako dito.
"Lesia, a-ayos ka lang?" Alalang tanong ni Lola.
"Opo Lola. S-Saan pala tayo pupunta?"
Inignora niya ang tanong ko sapagkat tinanong niya ulit ako.
"Masakit ba ang ulo mo? Ayos lang kung hindi ka sasama."
"Okay na po ito at mawawala naman po ito mamaya Lola. Saan pala kayo pupunta?"
"Kay Samuel."
Pagkarinig ko sa pangalan na iyon, hindi na ako nagdalawang isip na sumagot.
"Opo Lola, sasama po ako."
"Sigurado ka?"
"Opo."
Tumango lang siya at nagpaalam na maghahanda muna siya. Kaya ako, dali-dali akong nag-agahan at naglinis ng bahay. Habang naglilinis ng bahay, may biglang dumating na kotse. Tinignan ko ito mula sa bintana at lumabas ang isang nakangiting Limuel.
"O Limuel, bakit ka naparito?" Tanong ko sakanya ng nakalapit na siya sa pinto.
"Bumisita lang. Kamusta?"
YOU ARE READING
Our Memories Under the Sunset
General FictionA girl who love the boy from her memories until she found out what really happened to her. Date Started: July 5, 2021 Date Completed: September 16, 2021