Lumipas ang mga araw hindi ko maramdaman ang pagkaburyo ko dito kumpara 'nung hindi pa dumating dito si Samuel. Sa bawat araw na lumilipas, hindi mawawala sa aming dalawa ang magbangayan kaya minsan, tinutukso kami ni Lola gaya nung isang araw.
"Ikaw kasi Lesia eh." Ani ni Samuel.
"Anong ako?"
"Sabi ko sayo ako na maghugas. Iyan tuloy, nabasa ako."
Nagbabangayan naman kami tungkol sa paghuhugas. Tutulungan ko sana siya ng bigla niyang kinuha ang tabo sa aking kamay at napatalsik sa kanya ang tubig kaya nabasa siya.
"Okay."
"Ayan ka na naman sa tipid mong sagot."
"Eh ano dapat sasabihin ko?"
Magsasalita na sana siya ng biglang nagsalita si Lola.
"Kayo ah, baka kayo ang magkatuluyan. " Tukso ni Lola sa amin.
"La, walang ganyanan." Ani ko.
"O-Oo nga La." Sagot ni Samuel.
Lumingon ako kay Samuel nang mapansin kong namumula siya.
"Samuel, ba't ka namumula?"
"A-Ano? Ako? N-Namumula?" Sabi niya tapos tumawa.
"Oo nga apo. Ba't ka namumula?" Ngiting tanong ni Lola.
"W-Wala ho ito L-Lola. Sige, punta muna ako doon, tatapusin ko muna ang huhugasin."
"Sige apo."
Pagkaalis ni Samuel, napahalakhak si Lola kaya tinanong ko ito.
"Ano pong nakakatuwa Lola?"
"Wala naman apo. Sige, upo ka muna diyan."
"Sige po Lola."
Kaya mula noon, hindi na nauubos ang bangayan namin. Buti hindi naiingayan si Lola sa amin kundi tumatawa pa. Ngayon, nandito ako sa palagi kong tinatambayan. Ay oo pala, hindi lang ako dito tumatambay kundi siya rin. Maya-maya, may narinig ako na naglalakad sa likod ko kaya nilingon ko ito. Hays, siya na naman. Tiyak magbabangayan naman kami nito.
"O, nandito ka rin pala." Ani niya.
"Bakit?"
"Wala lang."
"Okay."
Pagkatapos kong sabihin 'nun, umupo siya sa tabi ko.
"Magugulat siguro ako kapag isang araw, nagsalita ka nang mas mahaba pa sa ok, sige---"
"Iniinsulto mo ba ako?" Sarkastiko kong tanong.
"Hindi."
"Okay."
Napabuntong hininga na lang siya sa sinabi ko.
"Gusto mo mamasyal?" Tanong niya.
"Saan naman?"
"Doon." Turo niya sa may kagubatan.
"Seryoso ka ba? Puro palayan at kagubatan na lang ang nandoon. Baka wala ng daanan doon."
"Sa wakas, nakapagsalita ka na rin ng mas mahaba."
"Tseh!" Ani ko at tumawa lang siya.
"Pero sa totoo may daanan doon. Doon ako tumatabay noong bata pa ako bukod dito."
"Talaga?"
"Oo."
"Sige."
Umahon na kami sa pagkakaupo at pumunta na kami doon. Sa tagal tagal ko dito, hindi ko napansin na may daanan dito. Akala ko, kagubatan at palayan lang at walang daanan. Sumunod ako kay Samuel at dumaan kami sa gitna ng palayan. May makipot pala itong daanan. Nang makarating na kami sa bukana ng kagubatan, natigilan ako.
YOU ARE READING
Our Memories Under the Sunset
General FictionA girl who love the boy from her memories until she found out what really happened to her. Date Started: July 5, 2021 Date Completed: September 16, 2021