Malapit na kami sa amin ng biglang nagsalita si Alice.
"Samuel, sabi daw ni Daddy pwede ka na daw makabalik bukas." Ngiting saad niya.
"Ganun ba? Sige, bukas."
"Naks, pero saan ka pala nagtatrabaho Samuel?"
"Sa amin Limuel." Si Alice.
"Talaga? Anong trabaho niya?"
"Ako yung secretary ng Daddy niya tol."
"Wow, bigtime." Tawang sabi ni Limuel.
Habang nagkukwento sila sa trabaho ni Samuel, nandito ako sa gilid, nakatanaw sa bintana. Kung magtatrabaho na si Samuel, wala na pala siya bukas. Narinig ko kay Lola noon na doon daw nakatira si Samuel sa karatig bayan. Kailan kaya siya uuwi? Naputol lang ang pag-iisip ko ng biglang nagsalita si Limuel.
"Nandito na tayo." Masayang ani ni Limuel.
Nang makapark ng maayos si Limuel, bumaba na kami agad. Nakita din namin si Lola na nakaabang sa amin sa pinto.
"Magandang gabi mga apo."
"Magandang gabi rin po Lola." Sabay naming sabi.
"Lim, Alice, dito na kayo maghapunan." Ngiting saad ni Lola sa kanila.
"Lola, gustuhin ko man po pero may lakad kami ni Daddy eh. Sorry po, pero next time po." Hiyang sabi ni Alice.
"Ah ganun ba? Ikaw Limuel?"
"Pasensya na rin po Lola, may pupuntahan din ako eh." Ani ni Limuel sabay kamot sa batok.
"Ay sige, pero sa susunod ah."
"Sige po Lola."
"Hatid niyo muna sila." Saad sa amin ni Lola at tumango lang kami.
Sabi ni Alice na sasabay na lang daw siya kay Limuel para hindi hassle.
"Sam, bukas ah."
"Sige."
"Lesia, mauna na ako."
"Sige, mag-ingat kayo sa daan."
"Uy, concern siya sa akin ay sa amin pala." Sabi niya at tumawa lang siya kaya hindi ko rin mapigilan na mapatawa.
"Sige tol, una na kami." Ani niya kay Samuel at umalis na sila.
Pinanood sila namin na umalis hanggang sa mawala na sila sa paningin namin.
"Tara?" Anyaya niya at tumango lang ako.
Pumasok na kami agad sa loob at nakita namin si Lola na nag-aayos ng mesa kaya tinulungan siya namin. Kumain na rin kami at napagkwentuhan namin tatlo ang nangyari kanina.
"Kamusta ang inyong pamamasyal? Masaya ba? Lesia?"
"Oo naman po Lola."
"Masaya po."
"Mabuti. Saan naman kayo bukas?"
"Babalik na po ako sa trabaho Lola."
"O? Ganun ba? Sige, ako na muna ang bahala kay Lesia."
Nang matapos kaming kumain, naghugas ako at pagkatapos 'nun, pumunta ako sa harap ng bahay at umupo sa malaking puno.
"Nandito ka lang pala." Si Samuel.
"Masaya ka ba kanina sa pamamasyal natin Lesia?"
"Oo naman."
"Hm,mabuti."
Napayakap agad ako sa aking sarili ng biglang umihip ang malamig ng simoy ng hangin. Nagulat ako ng bigla niyang hinubad ang jacket na nakasuot sa kanya at nilagay sa akin. Habang nilalagay niya, napaestatwa ako at parang tumigil ang paghinga ko.
YOU ARE READING
Our Memories Under the Sunset
General FictionA girl who love the boy from her memories until she found out what really happened to her. Date Started: July 5, 2021 Date Completed: September 16, 2021