Nagising ako sa isang kulay puting kwarto. Katulad din ito nung una akong magising mula sa pagcomma ko. Nilibot ko ang paningin ko sa loob ng kwartong ito at nakita ko si Lola na nakahawak sa kamay ko. Naalala ko agad sina Mommy at Daddy, yung mga bilin nila sa akin. Maya-maya, ramdam ko na gumalaw si Lola mula sa pagkakatulog niya. Tinignan niya ako at lumaki bahagya ang kaniyang mga mata ng makita niya akong gising.
"Rafa! You're awake! Mygosh! Thank you God." Sabi niya at agad akong niyakap.
"Ilang oras po ba akong tulog Lola?"
"Hindi lang oras apo." Sagot ni Lola kaya kumunot ang noo ko. Anong hindi lang oras?
"Isang linggo ka na dito Rafa. And I'm scared because I don't wanna lose you again apo. I don't know what to do." Maluha-luha niyang sabi kaya pinunasan ko ang kanyang luha gamit ng aking nanghihinang kamay.
"H-Hindi ko po kayo iiwan Lola. Binilin po kayo ni Mommy at Daddy sa akin."
"They talked to you?"
"Yes po Lola."
Hindi siya nakasagot agad. Parang may iniisip siya ng malalim. Nang nag-angat siya ng tingin sa akin, ngumiti siya.
"Gosh! I miss you apo."
"I miss you too Lola." Ani ko at kasabay 'nun ang pagkalam ng sikmura ko. Napatingin kami ni Lola sa isa't-isa at natawa.
Nagpaalam sa akin si Lola na bibili siya muna ng pagkain. Pagkabalik niya, kinain ko na agad ang mga binili niya kasi gutom na gutom ako. Parang hindi ako kumain ng isang taon dahil sa pagkakatulog ko. Habang kumakain, nakita namin na may biglang bumukas ng pinto at niluwa ito si Erica, namumugto ang kanyang mga mata. Teka, galing ba ito sa pag-iyak?
"E-Erica, anong nangyari sayo?" Tanong ko pero hindi siya sumagot bagkus lumapit siya sa akin at niyakap ako ng mahigpit.
"Hey, hindi ako makakahinga." Biro kong sabi.
Umalis siya sa pagkakayakap sa akin at hinarap ako. Sinampal niya ako ng mahina sa braso kaya napareklamo ako.
"Hindi ako mamatay dahil sa sakit ng ulo kundi sa sampal mo." Biro ko pang sabi.
"I hate you. I thought, you will leave me!" Sabi niya na ikinatigil ko bigla.
"Paano kita iiwan? Duh! Nakatulog lang ako." Ani ko.
"But still."
Tumawa lang si Lola sa aming dalawa. Hindi ko maisip na iiwan ko ang kaibigan ko. Siya yung tumulong sa akin kapag may kailangan ako. Siya yung nanantili sa tabi ko nung hindi ko pa maalala kung sino ako. Kaya paano ko siya iiwan? Sabi niya pa, grabe ang pag-aalala nila sa akin ng mawalan ako ng malay at dumagdag pa na hindi ako magising sa susunod ng araw.
"How's Dino?"
"What? After he do that to you---."
"No, I mean, anong nangyari sa kaniya ng mawalan ako ng malay."
"Gad Rafa! Well, umiyak siya nung mawalan ka ng malay kaya pinaalis siya ni Lola." Sabay baling kay Lola. "At mula nung masugod ka dito, hindi na siya ni Lola pinalapit dito."
"Naalala ko na ang lahat." Sabi ko sa kanilang dalawa.
Natigilan sila sa sinabi ko.
"What Rafa?"
"Yes I remember anything."
"Gad! Thank you!"
"Lola..." Sabi ko sabay baling sa kanya. "I'm sorry if I drive that car without your consent and without our driver that day Lola. I'm very very sorry."
YOU ARE READING
Our Memories Under the Sunset
Ficción GeneralA girl who love the boy from her memories until she found out what really happened to her. Date Started: July 5, 2021 Date Completed: September 16, 2021