Bago ako bumalik sa opisina ni Lola, pumunta muna ako sa CR para maghilamos at para na rin hindi mahalata ni Lola na umiyak ako. I thought, he loves me but why he acted that earlier? May nagawa ba akong kasalanan sa kaniya? Aish! Anong gagawin ko kung siya mismo ang nakalimot sa akin?
Pagkatapos maghilamos, lumabas na ako sa CR at bumati sa mga taong nakakasalubong ko. Ng nasa pinto na ako ng opisina ni Lola, huminga ako ng malalim bago pumasok.
Tinignan ako ni Lola ng mataman. Ngumiti lang ako para hindi niya ako mahalata na may ginawa na naman akong hindi kanais-nais.
"Where have you been Rafa?" Striktang tanong ni Lola sa akin.
"A-Ah, nag-c-cr po ako Lola. Pasensya na po." Iyan na lang ang tanging naisagot ko.
Nagsimula na siyang mag pirma ng mga papeles habang ako, nagbabasa ng mga magazines. Wala akong ginawa buong araw dito kundi ang magbasa at magbasa ng mga libro na nakalagay sa opisna ni Lola.
"Talaga bang nag-CR ka kanina Miss?" Usisang tanong ng sekretarya ni Lola. Wala dito si Lola ngayon kasi may meeting daw siya kaya heto, tinatanong ako ng sekretarya niya.
"O-Oo. Bakit?"
"Kasi po nakita kita na sinundan mo si Sebastian. Boyfriend niyo po ba?"
Teka, nakita niya ako kanina? May narinig ba siya tungkol sa sinabi ko kay Samuel? Sana wala.
Hindi ko sinagot ang mga tanong niya. Ayaw ko kasi na magkwento sa hindi ko pa masyado kilala at isa pa, sekretarya siya ni Lola at baka maaksidente niyang masabi ito.
Kinabukasan, pinapunta ko si Erica sa bahay. Hindi muna ako sumama kay Lola papuntang kompanya kasi alam ko, doon siya nagtatrabaho. Kinuwento ko sa kanya ang nangyari pero hindi lahat, hindi iyong tinalikuran niya ako habang nag-uusap pa kami.
"What? You mean, hindi ka niya naalala? How come?"
Tanong sa akin ni Erica."Oo. And besides, I think he can't remember me."
"No not that. I think he have an amnesia too, like you Rafa."
"Ano? Hindi naman siguro."
"Sige tell me. Kung wala siyang amnesia, bakit hindi ka niya maalala? Bakit iba yung pangalan niya? And aside from that, why he can't remember those people you'd mentioned to him? Sige tell me."
Hindi ako makakilos sa sinabi niya. Maari nga ba? Imposible nga ba? Pero paano? Paano siya nagka amnesia eh ako yung naaksidente?
Wala sa amin ang kumibo. Pinakiramdaman niya muna ako kung ano ang magiging reaksyon ko sa mga sinabi niya.
"K-Kung may amnesia siya, ano ang dapat kong gawin?" Tanong ko sa kaniya.
"Well, if I'm in your shoe, ipapaala ko sa kanya kung ano ba talaga ako sa buhay niya."
"What do you mean?"
"I mean is, ipapaalala ko sa kanya ang mga bagay na ginawa namin noon. Like example, the foods, the things we do everyday, and so on."
Naiintindihan ko ang sinabi niya pero ang tanong, kaya ko ba? Ni halos ilayo niya nga ang sarili niya sa akin kahapon eh tapos gagawin ko? Aish! Bahala na.
"And to add more, I will help you." Proud niyang sabi na ikinalingon ko sa kanya.
"Talaga?"
"Yes and as long as I can."
"Salamat." Ngiti kong sabi sabay yakap sa kaniya.
"You know, pumunta kaya tayo ngayon sa company niyo." Sabi niya.
YOU ARE READING
Our Memories Under the Sunset
Ficção GeralA girl who love the boy from her memories until she found out what really happened to her. Date Started: July 5, 2021 Date Completed: September 16, 2021