CHAPTER 3

17 0 0
                                    

"Narito ka lang pala Lesia." Si Samuel.

"A-Ah oo. B-Bakit? Hinahanap na ba ako ni Lola?"

"Ah hindi naman."

"Ah s-sige." Iyan na lang ang tanging sagot ko. Hindi ko nga alam kung bakit ako naiilang sa kanya. Parang gusto ko na lang magpakain sa lupa.

Bumalik na ako sa pagtanaw sa palayan ng naputol ito nang may naramdaman ako na may umupo sa gilid ko. Kaya umusog ako ng konti para makaupo siya ng maayos. Gaya ko, minamasdan niya rin ang mga palayan na tinatangay ng hangin. Maya-maya, bigla siyang nagsalita.

"Lesia, matagal ka na ba dito kay Lola Anding?"

"Masasabi kong oo kasi mag-iisang buwan na ako dito. Bakit?"

"Wala lang." Sagot niya sabay titig sa akin kaya napaiwas agad ako ng mata.

Akala ko doon na matatapos ang tanong niya pero may kasunod pa pala.

"Madalas ka ba dito?"

"Oo."

"Nakapunta kana ba sa bayan?"

"Hindi pa."

"Bakit?"

"Wala lang."

"Bakit ang tipid mong sumagot?" Ani niya na ikinalingon ko naman.

"Para saan pa?"

"Tsss, suplada mo naman." Bulong niyang sabi sa sarili niya.

"A-Ano?"

"Sabi ko wala."

"Meron kaya. Sabi mo suplada ako."

"Hindi kaya."

"Hindi, nagsabi ka."

"Ang sabi ko maganda ka."

Pagkasabi niya 'nun, napatigil ako. Agad siyang namula sa sinabi niya at nakita kong lumabas ang dimple niya kaya napatawa ako ng mahina.

"Ano?" Tanong niya.

"Wala."

Sasagot na sana siya ng may narinig kaming tumatawa. Pagkalingon namin si Lola kaya napatayo kaming dalawa.

"Lola." Magkasabay naming sabi.

"Kayo hah, parang komportable na kayo sa isa't-isa." Tukso ni Lola sa amin. " Kayo na ba?"

"Ah Lola hindi po, siya po kasi eh."

"Anong ako? Ikaw nga 'yung tumatawa diyan na hindi ko alam no." Ani niya kaya napatawa pa ako lalo at pati na rin si Lola.

"O sya, dito muna kayo ah, pupunta ulit ako sa bayan."

"Ihatid ko na po kayo Lola." Si Samuel.

"Sige apo. Lesia, alam mo na ang bilin ko."

"Opo Lola, mag-iingat po kayo." Sabi ko na ikinatango niya naman.

Umalis na sila at ako na lang ang naiwan dito. Kaya pumasok na lang ako sa loob at doon natulog. Habang natutulog ako, may napanaginipan ako.

"Raflesia, how many times do I have to tell you? She's nothing. She's just my friend!" Anang ng isang lalaki na hindi ko makita ang kanyang hitsura.

"What? She's just your friend? Wow, I don't believe you!"

"Why? Raflesia, you're my only love and no one can change that. You know that right?"

"Yes I know that but it doesn't makes me idiot to believe you because I know you cheated me behind my back! So stop acting like that Dino!"

Our Memories Under the SunsetWhere stories live. Discover now