CHAPTER 11

6 0 0
                                    

Kinabukasan, wala namang ibang nangyari sa araw na iyon. Akala ko normal lang ang araw na iyon pero nabigla kami ng may biglang kumatok sa pintuan ni Lola. Kaya tinanong ko muna siya kasi baka may inaasahan siyang bisita.

"Lola, may bisita pala kayo?" Ani ko habang kumakain kaming dalawa.

"Hah? Wala naman apo pero buksan mo para makita natin siya." Utos niya at sumunod ako.

Tumayo ako at pumunta na sa pintuan. Sino kaya ito? Ang aga-aga pa ah. Nang binuksan ko na, lumaki ang mata ko kasi siya naman pala.

"O Limuel, ba't ka naparito? Ang aga pa ah. Ay oo pala magandang umaga." Bati ko sa kaniya.

"Maganadang umaga rin Lesia. Bawal ba akong pumunta dito kahit maaga?" Biro niya namang tanong.

"Syempre hindi no." Tawa kong sabi.

"Apo sino iyan?" Ani ni Lola na nasa mesa.

"Si Limuel po Lola."

"Ah siya lang pala, sige papasukin mo dito."

Pinapasok ko na si Limuel sa bahay at dumiretso kami agad sa hapag-kainan.

"Magandang umaga po Lola." Ani niya sabay mano at ngiti ang isinukli niya kay Limuel.

"Nakapag-agahan kana?"

"H-Hindi pa po Lola eh." Hiyang sabi ni Limuel kay Lola kaya napatawa si Lola sa kaniya.

"O siya, kumain kana."

Nagsimula na kaming kumaing tatlo. Habang kumakain, panay tawa naming tatlo dahil nagbibiro si Limuel kay Lola at si Lola ay ganun rin. Nang matapos ng kumain, niligpit ko na ito at nagpresinta din si Limuel na siya na daw maghugas. Hindi ako pumayag kasi bisita siya namin.

"Pahinga ka na lang Lim. Baka pagod ka mula sa byahe mo papunta dito."

"Hindi ah at isa pa, hindi ako kailanma'y napagod sa pagpunta dito dahil sayo."

Natawa lang ako sa sinabi niya pero may pagdududa. Alam kong nagbibiro siya madalas kaya hindi ko alam kung saan doon ang hindi biro.

Nagsimula na kaming maghugas ng pinggan. Ako 'yung nagsasabon tapos siya nagbabanlaw. Minsan, binabasa niya ako kaya binasa ko rin siya. Nakalimutan ko na baka wala itong dalang damit kaya tinigil ko muna ang pagbasa sa kaniya. Nang matapos na kami sa paghuhugas, humingi agad ako ng tawad dahil binasa ko siya.

"Pasensya na ah, nabasa ka tuloy. Ikaw kasi eh."

"Anong ako?" Tawa niyang tanong.

"Binasa mo ko kaya binasa din kita."

"Ano ka ba. Ayos lang at isa pa may extra akong dalang t-shirt."

"Ah... A-Ahm, saglit lang hah, maliligo muna ako. Ang baho ko na siguro."

Pagkatapos kong sabihin 'nun, nagulat ako sa pagbigla niyang paglapit sa akin. Inamoy niya ako at... nakakahiya!

"A-Ano...ahm---"

"Hindi naman ah, ang bango mo pa nga eh kaysa sa akin." Ngisi niyang sabi kaya tinampal ko siya sa braso.

Bago ako umalis doon, narinig ko pa ang tawa niya kaya napailing na lang ako. Pumasok na ako agad sa kwarto at hinanda na ang susuotin ko pagkatapos maligo. Dumiretso na ako agad sa cr at pagkatapos maligo, nagpapasalamat ako na walang Limuel kasi kung meron, makikita niya akong nakatapis sa tuwalya.

Pagkatapos kong magbihis, lumabas na ako. At sa buong maghapon, doon lang siya sa amin tumambay. Wala ba itong trabaho? Nandito kami ngayon sa likod ng bahay kung saan ako palaging namamalagi.

Our Memories Under the SunsetWhere stories live. Discover now