"Lola, doon po kayo sa loob kasama si Lesia." Sabi ni Samuel kay Lola. Kaya pumasok si Lola sa likod at tumabi sa akin.
Narito kami ngayon sa sasakyan at handa nang umalis patungo sa bahay namin. Gusto sana ni Lola na sa unahan siya sasakay pero hindi siya pinayagan ni Samuel.
"Di ba talaga pwede apo?"
"Lola..."
Tumawa lang si Lola sa reaksyon ng apo niya. Kahit ako, natawa rin kasi ang cute nilang tignan na mag-lola. Nang makasay na kami lahat, pinaandar na ng driver ang sasakyan at umalis na mula doon. Kagaya din ng pagpunta namin dito, matagal din ang biyahe kaya kaming dalawa ni Lola ay panay kwento.
"Lesia, strikta ba ang Lola mo?" Tanong sa akin ni Lola Anding.
"Hindi naman po pero kapag sa trabaho lang Lola." Sagot ko at tumango lang si Lola.
"Nakakatakot siguro Lola mo ano?"
"Hindi naman po Lola."
Tumawa lang si Lola sa sagot ko kaya napailing na lang ako. Ngayon ko lang nalaman na matagal na kami palang bumabyahe at hindi ko man lang namalayan. Tumingin ako sa labas at malapit na kami sa siyudad. Ng makarating na kami sa siyudad, namangha ulit si Lola sa nakikita niya kasi pangalawang beses niya na ito na pumunta sa siyudad. Nung una ay nung maospital si Samuel kaya hindi siya nakipagliwaliw dito sa siyudad.
Maya-maya, narating na din namin ang bahay. Nakikita ko mula dito sa loob ng sasakyan na hinihintay kami ni Lola sa labas. Nang makita niya ang aming sasakyan, ngumiti siyang napakalaki.
"Apo, you're here na." Masayang salubong sa akin ni Lola sabay yakap.
"Oo nga po Lola."
Ng matapos na kami sa pagkakayakap, nilingon namin sina Lola Anding at Samuel. Inaalalayan siya ng kanyang apo kaya tinulungan ko muna sila.
"Magandang umaga." Bati ni Lola Anding kay Lola.
"Magandang umaga din po Madam." Si Samuel.
"Good morning. Uhm, let's go inside. I prepare some of breakfast."
Kaya pumasok na kami sa loob. Napalingon ako bigla kay Lola ng matigilan siya. Nilibot niya ang kanyang paningin sa kabuuang bahay. Ako rin Lola, ganyan din ako nung una kong dating dito.
"Tara na Lola?" Tanong ko at ngiti lang siyang tumango sa akin.
Pumunta na kami sa dining area at nagulat ako ng makita ko na maraming pagkain ang nakahain sa lamesa. Parang may piyesta dahil sa nakikita ko. Tumingin ako kay Lola at nakita ko lang siya na nakangiti sa akin. Ngiting umiling na lang ako sa kanya.
Inalalayan ko na si Lola na ma upo at ganun din si Samuel sa kanyang Lola. Nasa gitna si Lola nakaupo habang ako ay nasa gilid niya kaya kaharap ko sila ni Samuel.
"So before we eat, let's pray."
Nagdasal na kami at pagkatapos, kumain na din kami. Masaya kaming kumain sa lamesa at habang kumakain, ay nagkukwentuhan din kami.
"Are you happy yesterday when you visit their house?" Masayang tanong sa akin ni Lola.
Nilingon ko muna si Lola Anding at Samuel sa tanong ni Lola bago sumagot.
"Yes po Lola."
"Good."
"Ahm, madam, kamusta po ba si Sam este si Sebastian sa kompanya niyo po?"
Muntik na dun si Lola ah. Kasi kahapon, kinuwento ko sa kanila na walang alam si Lola sa akin kung ano ang nangyari nung matapos akong maaksidente.
YOU ARE READING
Our Memories Under the Sunset
Ficción GeneralA girl who love the boy from her memories until she found out what really happened to her. Date Started: July 5, 2021 Date Completed: September 16, 2021