"Tol, anong nginingiti mo diyan?" Tanong sa akin ni Limuel.
Nandito kami ngayon sa sasakyan nila ni Lesia. Nilalagay ang ibang gamit na dadalhin namin. Nagulat nga ako kagabi na bakit hindi umuwi ang driver nila.
"Kuya, bakit hindi po kayo uuwi?" Tanong ko sa driver nila.
"Binilin po sa akin ni Madam na ako po ang maghahatid sa inyo bukas." Sagot niya.
"Ganon ba? Okay lang na doon ka ulit matulog?"
"Opo."
"Sige."
"Siyempre, excited na makita ang kanyang Miss Rafa." Ani ng kanyang nobya na si Alice. Kaya imbis na sagutin, hinayaan ko na lang na asarin ako.
Nagulat kayo sa kanila? Ako din. Nung una, naguluhan ako kasi sila pala yung magkatuluyan taliwas sa naalala ko. Kahapon ko lang sila sinabihan na sasama sila sa amin pero bago yun, tinanong ko muna si Madam kung pwede ba silang sumama at okay lang daw sa kanya.
"Handa na kayo?"
"Oo apo." Ngiting ani ni Lola kaya pumasok na kami sa loob ng sasakyan. Pinaandar na rin ng driver nila Lesia ang sasakyan at nagsimula ng bumiyahe.
Sabi sa akin ni Lola, pwede na daw kaming dumiretso sa sinasabi niyang resort kasi nakarating na sila doon. Hindi ko lubos maisip na makikita ko muli si Lesia. Akala ko nga noon, si Limuel ang magiging hadlang sa amin pero hindi naman pala.
Nilingon ko sila sa likod at masaya silang tatlo sa pinagkukwentuhan nila. Ng mahagip ako ulit ng paningin ni Limuel, dali-dali akong tumingin sa labas dahil alam kong aasarin niya na naman ako.
At dahil matagal ang biyahe, nakatulog sila sa likod habang ako, pinipigilan lang ang maantok kasi ayaw ko ma mimiss ang lugar na dinadaanan namin. Ang ganda kasi ng tanawin lalo na nung makarating kami sa lugar kung saan nakikita ko na ang dalampasigan.
"Kuya, malapit na ba tayo?"
"Opo Sir."
Ilang saglit lang, narating na din namin ang sinasabing resort ni Madam. Kaya ginising ko na sila dahil malapit na kami. Ng huminto na ang sasakyan, nagsilabasan na kami at inalalayan ko si Lola para lumabas.
"Ang ganda naman dito apo." Ngiting saad sa akin ni Lola.
"Oo nga po Lola."
"Tol, hindi mo pala sinasabi na pupunta tayo sa mala-paraisong lugar." Birong sabi sa akin ni Limuel.
"Oo nga Sebastian. Bakit di mo sinabi?" Dagdag din na sabi ni Alice.
Imbis na sagutin sila, ngiting umiling na lang ako. Pumasok na kami sa loob ng resort nito at manghang-mangha si Lola sa nakikita niya. Parang hindi siya makapaniwala kasi nakapunta siya sa lugar na ito. Naiintindihan ko naman si Lola kasi sa buong buhay niya, bahay at palayan lang ang nakikita niya kaya ngayong may pagkakataon, bubusugin niya ang kanyang mga mata sa nakikita niya.
Ilang saglit lang, naririnig ko na ang boses ng Lola ni Lesia. Kinabahan ako bigla kaya napaayos agad ako ng aking sarili.
"Mare! You're here na!" Tuwang sabi ng Lola ni Lesia.
"Oo, nandito na kami Mare." Sagot din ni Lola at dali-dali silang dalawa nagyakapan habang ako, naiwan sa kinatatayuan ko. Nakikita ko si Lesia at mas lalo pa siyang gumanda sa paningin ko.
Ng makita niya ako, nagtodo iwas siya sa aking mga mata at pinamulahan siya agad ng mukha kaya natawa ako sa sariling pag-iisip ko. Hay Lesia.
Nakita ko rin ng biglang lumaki bahagya ang kanyang mga mata ng mahagip sa paningin niya sina Limuel at Alice.
YOU ARE READING
Our Memories Under the Sunset
Ficțiune generalăA girl who love the boy from her memories until she found out what really happened to her. Date Started: July 5, 2021 Date Completed: September 16, 2021