"A-Apo, ayos ka lang ba?" Tanong sa akin ni Lola Anding habang nakayakap pa rin ako sa kanya. Mas lalo lang akong naiyak dahil sa boses niya.
Maya-maya, kumalas na ako mula sa pagkakayakap niya at hinarap siya na nakangiti.
"O-Oo po Lola, ayos lang po ako. Sadyang may namiss lang akong tao ngayon." Sagot ko at ngiting siyang tumango.
"O siya, pumasok muna kayo sa loob. Tiyak nagugutom na kayo. Naghanda ako ng meryenda." Sabi niya sa amin sabay muwetsera sa loob.
Kaya pumasok na kami. Umupo ako sa mahaba nilang upuan na gawa sa kawayan. Nilibot ko rin ang paningin ko sa loob ng bahay at hindi ko talaga maipagkakaila na maganda din ang bahay nila ngayon kahit gawa sa kahoy, sobrang linis.
Ilang saglit, lumabas si Lola na may dalang pritong saging at juice. Agad naming tinulungan si Lola sa pagdala at nilagay ito sa lamesita.
"Kumain lang po kayo Miss." Ani sa akin ni Samuel kaya tumango lang ako.
Kumuha ako ng isang saging at kinagatan. Masarap. Ngumiti ako kasabay ng pagtulo ng aking mga luha. Hindi ito nakatakas sa kanilang paningin ang pag luha ko kaya pinunasan ko ito agad. Inubos ko na ang kinain ko at tinignan sila.
"Masarap Lola."
"Ganun ba Miss Rafa? Salamat po."
"Ah Miss, nabanggit na ba ng Lola niyo kung bakit kayo naparito sa amin?"
"Oo Sebastian."
"Kailan po tayo mamasyal? Mamaya o ngayon?"
"Mamaya na siguro."
"Sige po Miss." Sagot niya at umalis muna mula sa kinauupuan niya.
Nandito lang ako ngayon, nakaupo at pinagmamasdan ang kabuuan ng bahay. Tanda ko pa noon nung magising ako sa hindi ko kilalang bahay. Bumangon ako at lumabas sa kwartong iyon at nakita si Lola Anding. Pinagtiyagaan niya ako kahit hindi niya ako kilala. Inalagaan na rin at pinatuloy sa munti nilang bahay. Ilang oras pa akong nanatili dito bago ko narinig ang boses ni Lola.
"Miss, kain muna po tayo ng tanghalian." Ngiting sabi sa akin ni Lola Anding.
"Sige po Lola." Sagot ko at pumunta na sa kanilang lamesa.
Alam kong adobo ang ulam namin ngayon kasi sa amoy pa lang nito at heto ang kadalasan na iluluto noon ni Lola sa amin. At ito rin ang kadalasan niyang ituro sa akin para mapaibig ko daw si Samuel. Natawa na lang ako sa ideyang iyon.
Nang maupo na ako, umupo na din sila ni Lola, Samuel at ang aking driver. Bago muna kami kumain, nagdasal muna kami.
"Kain na tayo?" Masayang tanong sa amin ni Lola matapos kaming magdasal kaya ngiting nagsitango kaming lahat.
Habang kumakain, tinitignan ko lang sila na para bang takot na akong mawala sila sa paningin ko. Pinagmasdan ko sila at heto yung senaryo na gusto kong balikan kung saan, sabay kaming tatlong kumakain noon.
"Miss Rafa, diba pumunta ka sa ospital noon nung naospital si Sebastian?" Tanong ni Lola na nagpatigil sa akin. Nilingon ko muna si Samuel at nakita ko na nagtataka siyang tumingin sa akin kaya nag-iwas agad ako ng tingin.
"A-Ah, sinabihan po ako ni Lola na bisitahin si Sam este si Sebastian Lola." Pagsisinungaling ko.
Hindi ko gusto na magsinungaling ako pero kailangan. Hindi sa lahat ng oras, kaya nating sabihin ang totoo at pipiliin na lang natin ang magsinungaling para sa ikakatahimik ng lahat.
Tumango lang siya sa sagot ko. Akala ko doon lang magtatapos ang tanong ni Lola sa akin pero hindi pa.
"Bakit mo pala nasabi na kung naalala ka namin? Nagkakakilala na ba tayo Miss?"
YOU ARE READING
Our Memories Under the Sunset
General FictionA girl who love the boy from her memories until she found out what really happened to her. Date Started: July 5, 2021 Date Completed: September 16, 2021