Hindi ko alam kung kailan ako naging masaya o naging masaya ba ako. Basta ang alam ko, naging masaya ako sa mga bisig ni Samuel. Sabay ng pagyakap niya sa akin ay ang kasabay ng pagtibok ng puso ko. Habang nakayakap sa kanya, dinig na dinig ko ang puso niya. Tumitibok ito ng mabilis.
Ilang minuto, binitawan niya na ako at hinarap niya ako na nakangiti.
"Lesia, alam mo ba kung gaano ako ka saya?" Tanong niya sa akin na may kagalakan sa kanyang mga mata.
"Ah h-hindi?"
"Masayang-masaya ako! Akala ko ako lang ang may gusto pero ikaw rin pala! Ikaw hah!" Masayang sabi niya.
Ngayon ko lang nakita si Samuel na sobrang saya. Iyong tipo na bumalik siya sa dati, yung mga biro niya kaya napangiti ako.
Pumasok na kami sa loob ng bahay at nadatnan namin si Lola na inaayos ang kakainin namin. Habang kumakain, hindi rin mawawala ang ngiti ni Lola sa aming dalawa dahil sinabi ni Samuel sa kanya ang lahat lahat tungkol sa pag-amin namin sa isa't-isa.
"Masaya ako para sa inyo mga apo." Ani niya kaya napangiti kami.
"Lesia, sabi sayo eh, magugustuhan ka ng apo ko." Dagdag na ani niya sabay kindat.
"Hindi ko nga alam Lola kung ginayuma niya ba ako o hindi." Tawa kong sabi at tumawa rin si Lola.
Ng lingunin ko si Samuel, nakita ko siya na tulala sa akin.
"A-Ano?"
"Ang ganda mo." Ani niya at nagulat ako ng napatili si Lola.
"Hindi na ako makakahintay na magka-apo sa inyo." Kilig na sabi niya kaya napasamid ako.
A-Apo? Jusko! Ang bilis naman ni Lola at hindi pa ako handa sa ganyan. Natapos ng lang ang hapunan ng puno ng tawanan at kilig.
"Good night Lesia." Ngiting paalam ni Samuel sa akin.
"Good night din sayo Samuel."
Ng makapasok na sa loob ng kwarto, napasandal ako. Napahwak ako sa dibdib ko at ang bilis. Isa lang ang masasabi ko, masaya ako ngayon.
Lumipas ang ilang araw, doon lang kami sa bahay. Minsan, nagkakaroon kami ng picnic sa likod ng bahay. Minsan, pumupunta kami sa ibang tanawin at sa tree house ni Samuel. Sa sumunod na araw, nagising ako na wala si Samuel sa bahay kaya tinanong ko si Lola.
"Lola, nasaan po si Samuel?"
"Ah, nagpaalam siya sa akin na aalis muna siya."
"Kanina pa po ba siya nakaalis?"
"Oo, kaninang alas sais pa apo. May kailangan ka ba sa kanya?"
"W-Wala po Lola."
Buong maghapon, wala akong Samuel na nakita kaya parang ang lungkot ng bahay. Ng maggabi, doon kulang siya nakita.
"O Samuel? Saan ka galing?"
"Ah d-doon sa bayan." Ngiti niyang sagot sa akin.
Tumango lang ako sa sagot niya at nagpatuloy ang gabing iyon. Hindi ko alam kung may problema ba siya sa pag-amin ko sa kanya o may pinupuntahan ba si Samuel. Alam ko na nagkakaroon na ako pagdududa sa isip ko dahil nagigising ako na wala siya at makikita ko lang siya sa gabi.
Isang araw, pumunta si Limuel sa amin. Ani niya, bibisitahin niya si Lola at pati na daw ako. Wala dito ngayon si Samuel at baka may pinuntahan naman.
"Lesia, saan si Samuel?" Tanong niya sa akin.
"Hindi ko alam Limuel. Ikaw, nakita mo ba siya?"
"Hindi din eh."
"Sabi niya sa bayan daw siya nagpupunta kaya hindi mo nakita?"
"Hindi eh. Bakit? May problema ba kayo?"
"Wala naman."
Ng araw na iyon, nagulat ako na umuwi si Samuel na pawisan. Saan siya galing? Kaya sinalubong ko ito.
"Saan ka galing Samuel?"
"A-Ah may p-pinuntahan lang." Ani niya sabay kuha sa kamay ko at nilagay sa likod niya.
"Anong ginagawa mo dito tol?" Tanong niya kay Limuel.
"Napamasyal lang Samuel." Ngiting sabi ni Limuel na may halong nang-aasar at binalingan niya ako.
"Ah Lesia, napatanong pala si Lola kung kailan ka daw pupunta sa amin."
Hindi agad ako nakasagot dahil mas lalong hinigpitan ni Samuel ang hawak niya sa akin pero hindi naman sobrang higpit na dadating sa punto na masasaktan ako.
"H-Hindi ko alam kung k-kailan L-Limuel. Sasabihan na lang kita kung kailan." Utal kong sagot.
"Sige. Ah mauuna na pala ako." Ani niya sabay lapit sa akin at may binulong na nagpatayo sa balahibo ko.
"Nagseselos siya sa atin." Ani niya at umalis na nakangiti habang ako, naiwan na nakatulala. Teka, may alam ba siya sa amin?
Nakabalik lang ako sa reyalidad ng naramdaman ko na iniwan ako ni Samuel. Nakita ko siya na papunta siya sa kusina kaya sinundan ko siya. Kinuha niya ang pitsel at isang baso at nilagyan ng tubig at ininom ito. Wala si Lola dito kasi pumunta siya sa bayan para sa pagkuha ng bayad ng palay.
"Kanina pa siya dito?"
"Sino? Si Limuel?"
Bago niya ako sinagot, nilagay niya ang baso at hinarap ako at nakita ko na napakuyom ang kanyang kamay. Nabigla ako ng lumapit siya sa akin sa lamesa at habang papalapit, napapaatras ako hanggang sa maramdaman ko na wala na akong kawala dahil sa mesa. Nilagay niya ang kanyang isang braso sa mesa at ganon din ang isa. Nilapit niya konti ang kanyang mukha hanggang sa isang dangkal na lang.
"A-Anong ginagawa mo?"
Hindi siya sumagot bagkus tinignan niya lang ako mula mata, ilong at l-labi.
"Nagseselos ako kanina." Ani niya nito.
"B-Bakit?" Utal kong sagot.
"Basta nagseselos ako."
Hindi nga nagkakamali si Limuel. Totoong nagseselos nga siya. Ilalapit niya na sana ang kanyang mukha ng narinig namin na may pumasok. Napapikit siya at tinignan uli ako na namumungay ang mga mata. Kahit na may pumasok, hindi nagpatinag si Samuel kaya nakita kami ni Lola. Dali-dali akong lumayo sa kanya at si Lola ay ngiting-ngiti sa akin.
Ng gabing iyon, ilang akong tumingin kay Samuel habang si Lola ay napapangiti ng mag-isa dahil sa kagagawan ng apo niya. Hindi ba siya naiilang kay Samuel? Lola naman. Tulong.
"O sya, ipagpatuloy niyo na ang kanina." Ngiti niyang sabi at pumasok na sa kwarto niya.
Lola naman! Kinukunsente pa ang apo niya. Ng lumingon ako kay Samuel, mas lalo lang dumaig ang kaba sa akin dahil titig na titig siya sa akin na para bang takot ako na mawala sa paningin niya.
YOU ARE READING
Our Memories Under the Sunset
Fiction généraleA girl who love the boy from her memories until she found out what really happened to her. Date Started: July 5, 2021 Date Completed: September 16, 2021