CHAPTER 6

6 0 0
                                    

"Lola Anding, nasaan si Samuel?" Tanong ko kay Lola.

Bagong gising lang ako at pagkalabas ko sa kwarto, napansin ko na wala si Samuel. Kaya tinanong ko ito kay Lola.

"Ah, si Samuel? Umalis muna papuntang bayan. Susunduin niya daw ang kaibigan niya Lesia."

"Ah okay po."

Pagkatapos ng tagpong iyon, naligo na ako. Habang naliligo, hindi ko maiwasan na isipin ang nangyari kahapon. Na muntik na kaming magkiss. Buti naagapan iyon at kung hindi, mag-iilangan lang kami. Naalala ko rin yung kwento niya tungkol sa mga magulang niya. Nakakalungkot isipin na sa murang edad niya nawalan siya ng maaga. Tungkol nga pala sa mga magulang niya, saan kaya 'yung akin? Bakit di ko sila matandaan? Ang sakit isipin na hindi ko alam kung saan yung mga magulang ko o may pamilya pa ba ako o wala na? Bago ko isipin iyan ng malalim, tinapos ko na ang pagliligo ko. Nagbihis na rin ako ng isang bestida na kasya sa akin.

Pagkatapos ko ng lahat, natigilan ako kasi may narinig akong ingay sa labas. Kaya dali-dali akong lumabas at nakita ko si Lola at Samuel na abala sa isang bisitang babae.

"O Lesia, gising kana pala." Si Samuel.

"Ah oo. A-Anong meron?"

"Ay oo pala. May ipapakilala ako sayo." Ani niya sabay lapit sa isang babae na nakaupo sa mahabang upuan. Tinitigan ko ang babae at maganda siya. Ang kanyang damit ay naayon sa kanyang edad at masasabi ko na seksi siya. Teka, girlfriend niya ba ito?

"Lesia meet Alice. Alice meet Lesia." Pakilala sa aming dalawa ni Samuel. Nilahad ko ang kamay ko pero siya, tinitigan niya lang. Dali-dali siyang lumapit kay Samuel at may sinabi habang ako, nanatili pa rin ang kamay ko sa ere kay ilang ko itong kinuha. Buti hindi napansin ni Samuel.

"Samuel, gutom na ako." Ani ng  Alice.

"Sige punta tayo doon sa lamesa. Lesia tayo na." Si Samuel kaya tumango na ako.

Pagkarating namin sa lamesa nandoon na pala si Lola. Nagsimula na rin kaming kumain at habang kumakain, hindi ko maiwasan na tignan si Alice. Laki siya siguro sa isang marangyang pamilya. Makinis ang kutis ni walang bahid na anu mang sugat. Nakikita ko rin na magaan ang loob niya kay Lola kasi nagtatawanan pa sila habang si Samuel ngumingiti lang. Hindi ko namalayan na nakatulala pala ako kaya nakabalik lang ako sa reyalidad ng tapikin ni Samuel ang kamay ko.

"A-Ano iyon?" Ani ko.

"Sabi ko, ba't ka nakatulala? May problema ba?" Tanong ni Samuel. Tiningnan ko ang kaharap ko si Lola na nakangiti at si Alice na nakataas ng kilay.

"Ah wala." Ngiti kong sagot.

"Alice, uuwi ka ba ngayon?" Ngiting tanong ni Lola.

"Oo po. Gustuhin ko man na dito matulog pero ayaw ni Daddy. At Lola may pinapasalubong po si Daddy sa inyo."

"Aba Alice, nakakahiya naman. Ipapasabi mo sa Daddy mo na salamat."

"Sige po Lola."

Ng matapos na kaming kumain, nagpresinta ako na ako na maghugas pero nagsalita na naman si Samuel.

"Ako na Samuel. Asikasuhin mo na lang 'yung bisita mo."

"Ayos lang?"

"Oo naman."

"Sige."

Habang naghuhugas ng pinggan hindi ko maiwasan na isipin na baka sila nga ni Samuel. Na girlfriend niya ito. Hindi naman malabo iyon kasi maganda si Alice pero bakit ako may nararamdaman na kakaiba? Parang hindi ko matanggap na sila? Ay ano ba iyan Lesia. Wala kang karapatan na gumanyan no. Hays, makapagtapos nga nito.

Our Memories Under the SunsetWhere stories live. Discover now