Chapter 12

929 28 2
                                    

Chapter 12: Taylor Twins

--- ᕕ( ᐛ )ᕗ

Seraphina's POV

"Seri!"

Hmm?

"Seri! Get up!"

Tsk, ang ingay

"Seraphina!"

Si Hannah nanaman ba yan at nangbubulabog?

"Wake up!"

Pero parang hindi dahil iba ang boses

Lalo ako nagulat ng may kung ano ang tumalon sa mukha ko at ng tignan ko ay si Lilypop lang pala, at mukhang nagising din sya dahil sa ingay

Why am I feeling deja Vu?

Pupungay pungay ang mata akong bumangon ng kama at tinignan ang oras

4:39am

At sino namang adik ang nangbubulabog sa harap ng kwarto ko ng ganitong oras?!

Padabog akong pumunta at ang bumungad sa akin ay si Minzee na napakalaki ng ngiti sa mukha nya at doon ko lang napansin na naka-uniform na sya

Nasa likuran naman nya ay ang pupungay-pungay ang mata na si Hannah at may hawak pang unan, halatang hindi pa gising ang diwa nya

Naka-uniform na rin sya... kaso nga lang nakablouse na sya pero PE jogging pants ang suot nya sa pang-ibaba nya habang naka-tali naman sa ulo nya ang necktie nya na para bang sya si Mang Kepweng

Seriously?

Magrereklamo na sana ako nang biglang pumasok si Minzee sa loob ng kwarto ko kaya agad kong tinignan si Lilypop bago sya makita nina Minzee at doon ko lang napansin na kanina pa sya nakatago sa ilalim ng unan ko

"Bakit hindi ka pa naka-bihis Seri?! Mala-late na tayo!"

"Are you insane Minzee, look at the timd!"

Sabi ko at nahiga ulit sa kama ko para matulog pero agad din akong tumayo nang madaganan ko si Lilypop kaya palihim ko syang pinababa sa kama para magtago sa ilalim nito

Tinignan naman ni Hannah si Minzee habang nanliliit ang mga mata habang yakap yakap pa rin ang unan nya

"Ano?! 4:39 palang?! Bakit ang aga mo... akong... ginising..."

Sabi ni Hannah bago bumagsak sa kama ko sa bandang paanan ko at mabilis naman syang naka-tulog pero hindi ko na iyun pinansin at binalak na ulit na matulog pero ayaw kaming tigilan ni Minzee

"Bumangon na kayo!"

---

"Mukha kang bangag"

"Do you want me to shove this bread into your blabbering mouth"

Irita kong sabi dito kay Nico dahil bukod sa nang-iinis nanaman sya ay nasa tabi ko nanaman sya at hindi ko alam kung kelan pa sya nandyan

Nadito kami ngayon sa canteen at sabay sabay na nag-aalmusal

Tuloy lang ulit sya sa pang-iinsulto sa akin pero hindi ko sya pinapansin dahil natuon ang tingin ko kay Minzee na parang natataranta at hindi malaman ang gagawin

Nakita ko pang imbes na yung ballpen ang pinang-susulat nya ay bread stick ang hawak hawak and same with her food, yung ballpen ang nakasawsaw sa chocolate sauce kaya agad ko yung kinuha at tinanggal ang ballpen

The Pieces Of The Mafia's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon