Chapter 17: Obey the rules
---ᕕ( ᐛ )ᕗ
Minzee's POV
"Seri! Gising na!"
Maligaya kong kinatok katok ang pinto ni Seri at kaagad naman itong bumukas, tumambad sa akin ang mukhang kagigising lang at iritadong itsura ni Seri.
"What the hell Delavozsua? Do you know what time is it"
"Maganda na ang maaga, baka kasi ma-late pa tayo sa klase"
Nakita ko naman na napahilamos siya sa mukha niya
"Minzee it's only 4am in the morning for pete sake- argh kelan ba ako makakatulog ng maayos"
She said and slammed the door shut
"Mukhang nagpuyat nanaman si Seri, tara Hannah punta na tayo sa classroom--"
Napatigil naman ako ng mapansin kong nakahiga na si Hannah sa paanan ko at tulog, napakamot nalang tuloy ako sa ulo ko.
Haist bakit ba ayaw nilang magsibangon?
Napilitan tuloy akong pumunta sa canteen para mag-almusal at iwan silang dalawa roon, wala pang katao-tao sa paligid kundi ako lang at mga staffs.
Maaga lang ba talaga akong pumasok o tamad lang talaga magsipasok ng maaga ang mga estudyante dito? Ewan ko ba
Habang naglalakad ay napaisip ako sa mga nangyari nitong mga kaganapan sa dalawang buwan dito sa Kalopsia Lunette, masyadong marami ang naging kaganapan at hindi agad ito kayang i-sink in ng utak ko, hindi ko alam kung dahil ba 'to sa pagkaka-commatose ko.
Yes, I was commatose for almost one week dahil sa nangyari noong meeting de avance last month. Ang huling naalala ko lang ay habang naglalakad ako papunta sa harapan ng stage para ibigay ang speech ko ay natisod ako sa kung anong bagay dahilan para mandilim ang paningin ko.
Pagkatapos ng isang linggo naggising nalang ako at nalaman kong ako na ang nanalo sa botohan, sa hindi ko malamang dahilan ay umatras si Riley sa pagtakbo bilang Vice president ng Council, pero kung hindi siya umatras ay tiyak na mananalo pa rin siya dahil sa mas lamang siya sa ng boto sa akin, kaya bakit siya umatras?
Nakakapagtaka nga lang eh dahil pagkatapos din nun ay sa tuwing makikita niya ako kasama ang mga kaibigan ko ay bigla nalang siyang iiwas. Ano bang nangyari habang tulog ako?
Nalaman ko rin na si Easton Balme-roun ang nanalong President ng Council at hindi si Jeremiah Balme-roun, sana lamang ay nasa mabuting kamay kami.
Narating ko naman agad ang cafeteria kaya pumunta na ako sa counter at bumili
"Ate Trix pabili po ng kanin at bacon tsaka isa na rin pong orange juice"
Si Ate Trix ang namamahala sa counter at nagbibigay ng order dito sa cafeteria, matagal na rin syang nagtra-trabaho dito sa Kalopsia Lunette at sa tingin ko ay nasa 50's na sya
"Oh! Minzee ang aga mo ah, sabagay gento ka naman talaga kaaga pumasok, kahit nitong mga nagdaang taon pa at sa tagal mong nag-aaral dito ay hindi ka pa nalate, nauuna ka pa ata sa mga teacher"
Napahalakhak naman ako
"Alam mo ba? Namiss kita, ikaw kasi palagi ang unang estudyanteng bumibili rito sa cafeteria tuwing umaga"
Sabi nya habang nagsasandok ng kanin
"Namiss ko rin po kayo, inagahan ko nga po ngayon kasi hindi ako nakapasok nito mga nagdaang linggo"
BINABASA MO ANG
The Pieces Of The Mafia's Heart
Novela JuvenilThey always say follow your heart, but what if your heart is shattered into million pieces... which piece do you follow? [Language: Tagalog]