Chapter 7: The friendly geek
--- ᕕ( ᐛ )ᕗ
Seraphina's POV
"Kelan natin pla-planuhin yung project natin para bukas?"
"Sa room nalang tayo ni Minzee after class"
"Okay lang sakin, pero may detention ka pa mamaya diba Seri?"
"Alam ko naman at hindi mo na kailangan ipaalala pa"
Kinawayan naman ako nina Minzee at Hannah bago sumabay sa paglalakad nila Willow at Sharlenne
Binigyan pa ako ng masamang tingin ni Willow bago sila nagpatuloy sa paglalakad, bigla ko tuloy naalala yung nangyari kanina sa canteen
Her reaction was priceless
Nakita ko naman sina Yugen at Lincoln na palabas na rin ng classroom habang kasabay si Nico na parang antok na antok
Nagpaalam muna ako sa kanila bago pinuntahan si Parker na hinihintay ako sa labas ng classroom
"We still have three hours of detention"
"Jeez will you stop saying the things that that's so obvious"
Hindi ko na napigilang mainis pero kahit nagtataka siya sa sinabi ko ay sinabayan niya pa rin ako sa paglalakad
Sabay kaming sumakay ng elevator at ilang lakad lang ang ginawa namin bago namin marating ang detention room at doon bumungad sa akin ang librarian na nakilala ko kanina, Sir Theo? If I am not mistaken
"Oh! Iha, hindi ba't ikaw yung nasa library kanina? Anong ginawa mo at nadetention ka? Ke-bago bago mo pa naman"
"As far as I know you don't need to state your reasons on why you're here at detention"
Sagot ko at inabot ang detention slip ko at ganun din si Parker, bahagyang natawa pa sa akin yung matanda
"Oh sya, mamayang 6pm pa kayo maaaring umuwi"
Tuloy tuloy kami na pumasok ng detention room kung saan naabutan namin ang isa pang estudyante na may takip ng bimpo sa mukha at mukang natutulog
Pumili ako nang uupuan ko at tumabi naman sa akin si Parker, may ilang hakbang nga lang ang layo namin sa isat isa at ganun din sa iba pang bangkuan
Nang mapansin nung lalaki na hindi sya nag-iisa ay tinanggal nya ang bimpo sa mukha nya at nilibot ang kanyang mga paningin kung saan nakita nya kami
Nagtaka naman ako nang bigla syang ngumiti nang pagka laki laki
Why do I keep running into weirdos
"Oy! Kaklase ko kayo diba?! Kayo yung mga bagong estudyante!"
Masigla nyang sabi at nagulat naman ako ng bigla nyang binuhat yung bangkuan nya at itinabi sa akin pagkatapos ay umupo, halos wala nang pagitan ang layo ng mga bangkuan namin
Balak ko sanang lumayo ng konti pero napansin kong buhat buhat na rin ni Parker yung bangkuan at itinabi rin sa upuan ko kaya ang ending nasa magkabilang gilid ko sila
Seriously?
"Ako nga pala si Lex Jake Forbes, pero pwede nyo nalang ako tawagin na Lex. Nakita ko nga pala kayo kanina!"
BINABASA MO ANG
The Pieces Of The Mafia's Heart
Teen FictionThey always say follow your heart, but what if your heart is shattered into million pieces... which piece do you follow? [Language: Tagalog]