Chapter 1

5K 65 6
                                    

First Chapter: New school, New life, New disaster

--- ᕕ( ᐛ )ᕗ

Kalopsia Lunette

Academics,sports, arts, performing arts, etc.

This school gathers students from a different variety kind of fields.

Sikat ito dahil madaming sikat at mga kilalang tao ang nag-aral at nagmula dito.

Artista, athletes, musicians, inventors, CEOs, etc.

Hinahangaan ang eskuwelahan na ito dahil pinaniniwalaan na dito nahasa ang kanilang mga kakayahan pagdating sa iba't-ibang larangan.

At wala sila sa mga kinalalagyan nila ngayong spotlights, opisina at entablado kung hindi dahil sa eskuwelahan na ito.

Sa kabila ng katangyagan ng paaralan na ito ay mga piling estudyante lang ang nakakapasok, mga estudyanteng pinanganak na talentado at biniyayaan ng Diyos.

Sa katunayan wala silang pake kung mayaman o mahirap ka basta ang mahalaga may talento ka.

Kaya ang ipinagtataka ko ay bakit dito ako ipinasok ni Dad? Mukha ba akong talentadong tao?

"I want to go home"

I muttered out of frustration

"We haven't even arrived"

Matalim kong tinignan si Parker na nagmamaneho dahil sa naging komento nya.

"I'm not asking for your opinion"

Hindi nya lang ako pinansin at pinihit ang manibela gamit ang isang kamay.

Nang malapit na ang sinasakyan naming sasakyan ay mas nakita ko ng malapitan ang sinasabi nilang bagong eskuwelahan na papasukan ko-- namin pala.

Jeez, I don't need a babysitter

Habang palapit nang palapit ang kotseng sinasakyan namin ay unti-unti kong nakikita ang overrated na paaralan dito sa syudad.

Mayroong isang napakalaking eskuwelahan ang tumambad sa amin

Kalopsia Lunette

Ayun ang nakalagay sa mga naglalakihang banner sa harap ng napakalaking school.

Huminto ang sinasakyan naming kotse sa tapat ng gate.

"Wait for me, I'll be right back"

Sabi nung feeling yaya ko at bumaba ng sinasakyan naming kotse para tanungin ang guard na naka-bantay kung saan sya pwede pumarada dahil puno na ang paradahan dahil sa sobrang dami ng estudyante.

Nang hindi na ako nakapag-tiis ay napagdesisyunan ko nang bumaba ng kotse para sana takasan sya at agad ko naman binuksan ang pintuan ng kotse pero sa halip ay may kung ano... o sino akong natamaan nung saktong buksan ko ang pinto. Jeez...

"Aray ko!" daing nung nabangga ko kaya agad kong binuksan ng pagkalaki laki yung pinto para makita ko ng maayos kung sino yung dumaing habang di pa rin ako lumalabas ng kotse.

Doon ko nakita ang isang lalaki na patalon-talon habang hawak ang isang paa nya, mukhang doon ko sya natamaan.

"Bulag ka ba o sadyang wala ka lang talagang mata?!"

Sugod nya sa akin nang maka-recover sya sa sakit, tahimik ko lang syang pinanood habang pinupulot ang gamit nyang nahulog sa sahig at nang matapos sya ay nilapitan nya ako habang matalim ang tingin.

"Hindi mo lang ba tatanungin kung ayos lang yung natamaan mo? Tsaka bakit ba sa tapat ng gate naka-parada 'tong kotse mo?!"

The Pieces Of The Mafia's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon