Chapter 10: Lunatics
--- ᕕ( ᐛ )ᕗ
Seraphina's POV
"Aren't you a bit brutal to Riley earlier? Wait! Don't move. Here, put some alcohol on it"
Sabi ni Parker habang nilalagyan ng alcohol ang braso kong natalsikan ng kaunting pintura
Pinagpipilitan nya na tanggalin ko muna raw yung mga talsik ng pintura sa braso ko, parang tuldok nga lang yung mga talsik
"If i were you, I would have forced her to drink the paint"
Seriously?
"Sino ngayon yung brutal sa ating dalawa? Mamaya na nga yan, baka kanina pa naghihintay si Principal Leah"
Sabi ko at tumango naman sya, masyado kasing OA
Ilang minuto lang ay narating na namin ang principal's office, pero nang balak ko na sanang kumatok doon ay biglang bumukas ang pinto nito at lumabas ang isang pulis at isang lalaki na mukhang imbestigador na syang dahilan para magtaka kami
Sa tingin ko ay mataas ang mga rango nila at mga mukhang kagalang galang kaya mas lalo kaming nagtaka kahit pa may hinala na kami kung bakit sila nandirito
Tinignan muna nila kaming dalawa bago kami nilagpasan at nang sigurado na kami na nakaalis na sila ay kumatok muna kami bago pumasok sa principal's office at pagpasok namin ay sina Willow at Nico ang bumungad sa amin
Anong ginagawa nina Blonde head at Sleepy Weirdo rito?
"Hamilton, Parker please have a seat"
Sabi ni Principal Leah at pinaupo kami sa upuan na katapat nung dalawa
Tinignan naman kami ng masama ni Willow bago inirapan habang si Nico naman ay... nangungulangot? The heck
"Siguro nagtataka kayo kung bakit kayo pinatawag"
Panimula ni Principal Leah dahilan para mapunta sa kanya ang atensyon namin, nakita ko namang umayos ng upo ang principal at naging seryoso
"Bilang panimula, sa inyo ko lang ito sasabihin at wala muna akong balak sabihin ito sa mga estudyante dahil baka maalarma at mataranta sila"
Parang alam ko na kung ano ang bagay na sasabihin nya at sa tingin ko ay hindi iyun maganda, malalim na nagbuntong hininga ang principal bago ituloy ang sasabihin
"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, may nakitang tatlong bomba sa Kalopsia Lunette, ang una ay nakita ng isang estudyante sa likuran ng boys dorm, ang ikalawa ay nakita naman ng mga school guard ng rumoronda kaninang madaling araw sa likuran ng girls dorm at ang ikatlo ay isinumbong sa akin ni Yesenia"
Nagkatinginan naman kaming dalawa ni Parker, napansin ko ring napatingin sa akin si Nico habang wala namang reaksyon si Willow
"At alam nyo ba ang nakakapagtaka doon? Nang makita namin ang mga ito ay puro naka-defuse na, kung hindi naman ay may 00:01 na nakalagay sa screen"
Tatlong bomba? Ang pagkaka-alam ko ay dalawa lang? Yung nasa boys dorm ay kaming dalawa ni Celezar ang nagdefuse at yung nasa girls dorm ay si Parker... huwag mong sabihin na nagdefuse ng ikatlo ay si...
"Yesenia, Parker, Hamilton at Celezar. Kayong apat ang huling nakita sa CCTV na taong nasa labas ng halos hating gabi na at puro lumabag sa curfew, pwede nyo bang sabihin sa amin kung anong ginagawa nyo sa mga oras na iyun?"
BINABASA MO ANG
The Pieces Of The Mafia's Heart
Ficção AdolescenteThey always say follow your heart, but what if your heart is shattered into million pieces... which piece do you follow? [Language: Tagalog]