Chapter thirty-seven: Simple Art
---
Lex' POV
Ang sarap ng kain ko ng popcorn kanina, bigla ba namang nag-suguran sina Serena tsaka Nicson. Akala mo tuloy nanonood kami ng sine, nakikuha pa ng popcorn sa akin kanina yung kaibigan nilang si Anna ba yun, trippings din siya eh nasarapan yata siya sa caramelized popcorn na binili ko lang diyan sa kanto.
"Amiiiiii! Uuwi ka na? Sabay tayo?"
"Sige"
Kinuha ko naman sa kaniya yung dala niyang bag at ako na ang nagbuhat, gentleman kaya ako par.
"Asan pala yung pinsan mo? Hindi raw siya sasabay satin?"
"May kasama raw siya, baka mamaya umuwi rin yun"
Agad naman akong naintriga, may nasasagap ang marites radar ko.
"Talaga? Sino? Kilala mo? Kaklase natin?"
Hindi ko mabasa yung ekspresyon niya, di ko alam kung nag-aalala siya na ano.
"Si Lucy"
"Ha? Yung kambal ni Casper?!"
"It's Caspian, pero oo"
"Hindi ba siya yung sumugod kay Mason sa journal club? Yung nagbanta sa kaniya? Bakit naman sila magkasama?"
"Mukhang may pag-uusupan sila tungkol sa project, they're partners"
"Talaga?"
Kaya pala nag-aalala si Ami, baka kasi magaya sila kina Serena at Nicson na muntik nang magrambol. Napakamot nalang ako sa ulo ko, ano bang meron sa mga tao ngayon at hindi magkasundo? Kami naman ni Ami lahat magkasundo, hindi pa nga yata kami nag-away ni minsan.
Napatingin nalang ako sa langit habang kasabay na naglalakad si Ami, hindi ko maiwasang mapangiti. Ewan ko ba, sa ganitong simpleng bagay lang masaya na ako.
Nakasabay naman namin palabas yung kotse nila pareng Eden, mukhang hindi niya kasabay umuwi si mareng Serena.
"Pasensya na Ami ah, wala akong kotse na kaya kang ihatid pauwi"
Kaya nagsisipag talaga akong mag-aral, para sa future makabili ako ng lahat ng kotse na gusto ni Ami. Tapos kahit saan niya gusto pumunta kaya ko na siyang dalhin.
"Anong sinasabi mo Lex? Masaya na ako sa kung ano lang meron tayo ngayon, lalo ka na. Tanggap kita sa kung ano ka ngayon"
"Talaga?"
Napangiti naman ako ng malaki dahil sa sinabi niya, pero imbes na sagutin ako ay kinuha niya lang yung kamay ko at hinawakan yun. Tahimik lang kaming naglalakad sa tabing kalsada habang magkahawak ang kamay naming dalawa.
Tama nga na dapat maging kuntento sa kung anong meron ka, pero hindi niyon kayang itanggi na mas gusto ko pang maghangad ng mas mabuti para sa aming dalawa.
Medyo dumidilim na rin kaya napatingin ako sa mga bituin sa langit
"Tingin mo Ami pinapanood ako ngayon ng future self ko?"
"Hmm?"
"Pinapanood niya ako galing sa memories, di bale memory nalang ako ngayon?"
Napaisip naman siya sa sinabi ko at napatingala na rin sa langit
"It's possible, kasi if you're getting a bad feeling about something and you end up being right, it's because that future version of you already knows"
BINABASA MO ANG
The Pieces Of The Mafia's Heart
Teen FictionThey always say follow your heart, but what if your heart is shattered into million pieces... which piece do you follow? [Language: Tagalog]